SOPHIA'S POV
Nasa mall ako ngayon kasama ang mga bestfriends ko para mamili ng gagamitin namin para sa ball. Tapos na kaming magpaggawa ng gown namin. Kaya heels nalang at purse ang bibilin namin. Nakakapagod na. Kanina pa kami ikot ng ikot.
"Ano ba yan! Pagod nako. Kaloka naman kayong kasama ang tagal maka pili". Reklamo ko sa kanilang tatlo.
"Sinasabi mulang yan kasi nakabili kana ng sayo eh. Ang daya." Tiffany.
"Anong madaya don? Pano ba naman kasi lahat na yata ng store napasukan na natin pero wala parin kayong napipili. Gutom nako eh." Reklamo ko.
"Promise last natong store nato. Pagkatapos kakain na tayo." Cassy.
At kagaya nga ng sinabi ni cassy last na talaga yun dahil sa wakas nakapili narin sila. Salamat naman at makakakain natong mga insekto sa tiyan ko 😂
"So san tayo kakain?." Aira.
"Sunburst nalang". Tiffany.
Kaya don kami kakain.
Zach's POV
Nandito kami ngayon sa mall kasi gusto nilang mamimili ng susuotin sa ball. Ayaw ko pa naman to silang kasama kasi nakakainip kasama pag nagmamall. Ang tagal tagal kasi nilang makapili lalong lalo na si andrew at enzo.
"Ano na matagal pa ba yan? Gutom nako eh." Sabi ko sakanila.
"Ito na magbabayad na." Sabay na sabi ni andrew at enzo.
"Hay salamat naman." Sabay naman na sabi namin ni terrence.
"Ang sasama ng ugali." Reklamo ni andrew.
Tinawanan lang namin siya parang bata ang futa 😂
Nasa sunburst na kami para kumain. Habang naghihintay ng orders namin may biglang lumapit na groupo ng mga babae.
"Hi Zach! Long time no see ahh." Sabi nung parang leader nila. Sino ba to diko naman to kilala.
"Wag mong sabihin na nakalimutan muna ko. Nakakatampo naman." Sabi niya.
"Ahhh sorry ah. Ano nga yung pangalan mo?." Tanong ko.
"It's me Stella Collin remember? Yung sa business party remember?."
"Ahhh you mean yung anak ni Tita Eizel at Tito Erick?."
"Tumpak! Sini pa ba". Sabi niya. Siya pala yung pinakilala sakin ni tita eizel na anak niyang babae.
"Do you mind if we join you guys?." Stella
"YES----"
"No we don't mind at all. Have a seat." At sabay pa talaga sila.
"Sasabihin ko na sanang yes kaso naunahan ako ni Andrew at Enzo.
"Thank you. By the way this is Ella, maxine and eula." Pakilala ni stella sa mga kasama niya.
Syempre alam niyo na kung anong ginawa ni andrew at enzo. Kung makapagharutan parang mga walang girlfriends.
And speaking of girlfriends patay! Sabi pala ni moo na nasa mall sila pano kung makita nila kaming may kasamang ibang babae? Pano nato?
Dumating nayung order namin kaya sinimulan na namin yung pagkain. Nakakabanas natong stella nato ang raming tanong di sa nagyayabang ako ha? obvious kasi na gusto niya ko. Sa gwapo ko ba namang to joke.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng nagtext si moo.
From: Moo 💕
Ang saya natin ah?
Anong ibig niyang sabihin wait wag mong sabihin nandito sila. Nagkatinginan kaming apat.
Sa tingin ko kaming apat ay naka receive ng text galing sa girlfriends namin. Tumingin kami sa kaliwa at kanan wala naman. Pagtingin namin sa harap patay! Galit sila sigurado ako."Wow! Ang saya niyo naman pwede maki join?." Sarcastic na sabi ni Tiffany saming lahat.
"Sorry ah. Pero kita mo naman na wala ng space para sainyo diba?." Eula
"Ahh ganon ba? Bakit kaya hindi nalang kayo ang umalis." Sabi ni Aira sakanila.
Kaming apat naman naka nganga lang di alam kung anong gagawin. Syempre nagulat kaming apat.
"Excuse me? What did you say?." Mataray na sabi ni stella.
"Bingi kaba? Hindi mo ba narinig? Gusto mo ulitin ko para sayo?." Patay si moo galit na.
"How dare you call me bingi?!." Galit na sabi ni stella kang moo.
"So conyo." Sabi ni Cassy.
"Wait nga! Sino ba kayo? Bat kayo nanggugulo dito." Ella
"Oo nga. Mga itsuserang frog." Maxine.
"Sinong itsuserang frog?! Kami?! Nagsalamin ba kayo?." Tiffany.
"Sino kami at bakit kami nanggugulo?." Sophia.
"Kami lang naman yung girlfriends nila!." Sabay na sabi ng apat. Ang taray nila halatang galit.
"Ano diba kayo tatayo jan? Gusto niyo kami pa humila sainyo?!." Galit na sabi ni Aira.
Tumayo naman kaming apat agad. Nakakatakot silang magalit mga brad. Parang mga dragon.
Sabay naman silang nag walk out syempre sinundan namin agad mahirap na.
Tinawag kami nung apat pero hindi namin pinansin at iniwan sila don sa restaurant.
Kanya kanya na kaming sumakay sa mga sasakyan namin syempre kasama yung mga girlfriend namin.
"Moo---." Simula ko na pinutol agad ni sophia. Patay na talaga.
"Just drive." Bossy niyang sabi.
Syempre wala akong magawa takot ata to sa lola niyo.
Sa buong byahe di niya ko kinibo.
Goodluck to us talaga. Lord tulungan niyo kaming apat.
Sophia's POV
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dinner namin nung napansin ni Tiffany yung boys sa unahan namin.
Paglingon namin aba! Ang gagaling rin ng mga lalaking to. May mga kanyang kanyang girlfriend may ka date na ibang babae. Ang lakas naman ng loob nila.
"Ang saya nila ah." Sarcastic na sabi ni tiffany.
"May pa hampas hampas pang nalalaman." Inis na sabi ni Aira.
Pano ba naman kasi hinampas si andrew nung katabi niyang babae.
"Matext nga." Sabi ko.
"Ako rin." Sabay nilang sabi tatlo.
Tinext namin ang kanya kanya naming boyfriend at kita naman sa reaction nila na nagulat at takot. Buti naman at natablan kala ko hindi.
Agad silang nagkatinginan at palinga linga sa paligid.
Pinuntahan namin sila sa table nila kasama yung mga haliparot na yun. Kung makatawa wagas.
At alam niyo na kung anong nangyari.
Buong byahe namin ni zach di ko siya kinibo. Nagtatampo at galit ako sa kanya ngayon kaya ayaw ko muna siyang kausapin.
Pagdating namin sa bahay bumaba nako agad ng hindi nagpapaalam sa kanya.
Dali dali naman siyang bumaba sa sasakyan niya.
"Moo let me explain first." Sabi niya. Nakakaawa yung itsura niya para na siyang maiiyak.
Di pwede. Galit ako sa kanya. Dapat di ako matablan sa paawa effect niya.
"Let's talk tomorrow. Pagod nako not now." Sabi ko sabay lapit sa kanya at halik sa cheecks niya.
Syempre kahit ganon mahal ko parin siya kaya may kiss parin 😂😂
"Sa cheeks lang kasi galit ako sayo at mag ingat ka sa pagdadrive."
I said tapos pumasok nako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Ms. Gorgeous Meets Mr. Handsome
Teen FictionSi Sophie Flier Buenavista ay isang 4th year student ng Treble Academy. 16 years old. Maganda, Matalino,Talented,Mayaman lahat ay nasa kanya na, kaya naman lahat ng boys sa School nila ay gusto siya. Kapag may nanliligaw sa kanya ay binabusted niya...