chapter:19

1.3K 37 1
                                    

Tatayo tapos uupo. Di ako mapakali parang sinalaban ang pwet ko. Matiyaga lang akong naghihintay sa kanya.

Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa wall malamang wall clock eh.

8:PM pa naman bale mukhang maaga aga pa. Ok lang saakin kahit malate ang hapunan ko ngayon basta sabay kaming kakain ni ronnie. Sanay rin naman akong malipasan ng gutom mukhang mas matibay pa tong sikmura ko kesa  relasyon ng jowa mo.


Bawat minuto tinitignan ko ang cellphone ko baka magtext si ronnie na malapit na sya para makapag-prepared ba kahit prepare na prepare na ako.



Pero naisip kung wala pala akong number ni ronnie atsaka wala rin syang number  saakin. Nasapo ko nalang ang noo ko.

Another katangahan of the day.


Matyaga lang akong naghihintay kay ronnie. Tinignan ko ulit ang oras sa wall clock. Goshh! Mag aalas-9 na di pa rin sya dumarating dahil sa may utang na loob at kasalanan ako sa kanya. Hihintayin ko pa rin sya.



Gumagalaw na ang mga bulate sa tyan ko at mukhang galit na rin sila. Tsss! Maghintay kayong mga bulateng kayo.




Nangangalay na ang pwet ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod na ginawa ko kanina. Inunat unat ko ang mga kaso-kasoan ko para ma-relieved yung ngalay.

Inilagay ko ang dalawa kung kamay sa balikat ko habang inikot ikot ang ulo ko. Ang sakit rin kasi ng leeg ko.



Pag naririnig kung magwelga ang mga bulate ko. Pupunta ako ng ref para kukuha ng tubig tapos iinomin.


"Tubig tubig muna kayo mga bulats. Kailangan nyo talagang magsakripisyo ngayon gaga kasi ang may ari ng tyan nang tinitirhan nyo" sabi ko sa mga bulate ko sa tyan.

Mukhang sinagot naman nila ako at tumunog ulit sila. Mukhang sumang-ayon na rin sila.


Naka-upo pa rin ako sa upuan. Nilalaro ko nalang ang kutsara at tinidor na nasa harapan ko. Tsss! Nababagot na kasi ang lola nyo.


Tinignan ko ulit ang oras at nagulat ako ng makita ko ito.

11:11pm

Nagulat ako ng umulan ng kumulog pagkatapos bumuhos ang malakas na ulan. Sumilip ako sa bintana upang tignan kung may kotseng paparating. Kung may paparating man for sure si ronnie na yun.

Pagbukas ko ng bintana isang malamig na hangin ang sumalubong sakin. Grrrr!ang lamig.

Isinara ko ulit ito at tinungo ang dinning room. Hayyss! Mukhang di talaga uuwi ngayon si ronnie. May sadness at disappointment sa puso ko.

Sad kasi di ako makakahingi ng tawad sa kanya atsaka disappointed kasi di nya matitikman ang luto ko.


Bukas ko nalang liligpitin to. Kinuha ko nalang ang mga ulam sa mesa atsaka inilagay sa ref. Sayang rin kasi kung mapapanis ito.


Tinungo ko na ang kwarto ng may lungkot sa mukha. Pabagsak akong humiga sa kama habang nakatingin lang sa kisame. Pumapasok sa loob ang ilaw ng kidlat tuwing kumukulog sabay kidlat. Rinig na rinig ko rin sa labas ang mga patak ng mga ulan sa labas.

Nakabukas ang bintana kaya hinahangin hangin ang kurtina nito. Tumayo ako upang isarado ito ng may narinig akong may kumakalabog sa labas.

Kinakabahan na ako. Kung mga magnanakaw o masamang loob man yan siguro patay ako nito. Anong kalaban laban ko sa kanila kung magkataon man.





Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon