chapter:26

492 14 2
                                    

Pabagsak kung inihiga si ronnie sa kama ng makapasok na ako sa loob ng kwarto nya. Sumakit bigla ang likod ko. Ganito nalang ba ang tagpo namin pag nalalasing siya? Yung ako ang tigbuhat sakanya. Sus! Kung ako mapuno dyan sa mga pinagagawa nya. Pababayaan ko na talaga syang matulog sa labas.

Yan tuloy sumakit nalang ang likod ko. Kainis kasi ang ronnie na to. Bwesit.

Lumabas ako upang magpahangin at para mawala ang stress ko. Napayakap ako sa sarili ko ng salubungin ako ng malamig na hangin. Ang sarap sa feeling nakakarelax. Yung ang naririnig mo lang ay ang simoy ng hangin pagkatapos hampas ng mga alon at malakas na beat ng tugtug. Teka bakit may naririnig akong malakas na beat.

Yung tugtug na parang may nagpa-party. Lumabas ako upang hanapin kung saan nangagaling ang tugtug na yun. Nang may makasalubong akong babae't lalake.

"Ahmmm,excuse me pwedi magtanong." Magalang na sabi ko.

Huminto naman sila at kapwa na ngumiti saakin.

"Ano yun?" Sagot nung babae.


"May naririnig kasi akong malalakas na tugtug. Alam nyo ba kung saan nangagaling yun?"

Tumawa ang babae habang yumakap sa braso nung lalaking kasama nya.

"Yung tugtug ba? Nangagaling yun dun sa Beach party."

"Beach party?" Naguguluhang tanong ko.

"Oo,beach party idinadaos ito dito every saturday. Kasi madami kasing mga turista pag sabado rito." Sagot nung lalake.

"Ok salamat po" pagkatapos nung kunting usapang yun. Umalis na sila.


Beach party,baka dun pumunta si ronnie kaya lasing na lasing sya.


Nang may biglang ideya ang pumasok sa isip ko. Well,ronnie ikaw lang ba ang marunong magsaya. Well,mag-e-enjoy rin ako. Ang daya mo alam mo naman pa lang may party na gaganapin di ka man lang nagpasama. Ang damot talaga.

Pumasok ako sa cottage upang magpalit ng damit.



Nagsout ako ng see through na loss na white t-shirt habang naka spaghetti lang ako sa loob at nagshort. Wala naman sigurong mali kung ganito ang soutin ko ngayon wala rin naman gaanong makakita nito dahil madilim at gabi na.


Sinilip ko muna sa kwarto nya si ronnie. Ayun nga mahimbing pa rin syang natutulog.tss!


Papalapit na ako sa lugar kung saan ang party gaganapin. Sa gilid lang pala ng dalampasigan nila ginanap ang party na ito. Rinig na rinig ko na ang malalakas na tugtug na nagmumula rito.

Ang daming tao dito ngayon. Nang makalapit na talaga ako. May nakita akong banda na nagpe-perform sa isang stage. May mga taong nasa gitna habang sumasayaw at enjoy na enjoy sa tugtug ng banda.


Kahit gabi na ang dami pa ring tao rito. Di ko namalayan napangiti na ako dahil sa nakikita ko. Nagulat ako ng may lalaking lumapit saakin.

"You want drinks?" Pag-aalok nya saakin.

Well,infairness gwapo sya. Matangkad,matangos ang ilong pero mas gwapo pa rin si ronnie kesa sa kanya. Teka,bakit ko agad ikonompara si ronnie ka agad sa kanya.

"You want?" Paguulit nya.

Di ko namalayan napatulala ako bigla.

"Sorry di ako umiinom eh, sa iba nalang. Hihihi"


"Alam mo minsan lang ako mag offer ng drinks sa mga di ko kakilala." Tumawa sya saakin. Yung ngiting mapapatulala ka nalang bigla.

"Ganun ba? Pero pasensya ka na talaga di talaga ako umiinom eh."


Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon