chapter:21

1.4K 33 13
                                    

Ronnie's POV

Nakaupo ako ngayon sa isang tagong parte ng bar. Gusto kung mapag-isa. Iniinom ko ang isang bote ng alak habang parang nire-replay ng utak ko ang mga sinabi nya kanina . Pilit kung hinahanapan ng good side ang mga nangyari saamin ngayon ngunit tila ayaw tanggapin ng puso't isip ko.

'I think we should break this kung ano man ang meron tayo. Magkalimutan na tayo ron. Kakalimutan moko at kakalimutan kita." hinawakan nya ang pisngi ko habang nangingilid ang luha sa mata nya. 'Lilipad na ako ng ibang bansa. Doon na ako magsisimula ng bagong buhay.'

Yan ang huling salitang sinabi nya bago nya ako iniwan  na nakatayo sa labas ng bahay nila. Halos madurug ang puso ko sa bawat pagkabigkas nya nga mga salitang iyon.

Napapailing ako tuwing naalala ko ito. Mahigpit kung hawak hawak ang bote ng alak. 

Natigil ako sa pagiisip ng may narinig akong sumigaw. Malakas naman ang music sa loob ng bar pero  mas pumaibabaw ang boses nya.

"Sige subukan mong hawakan ako gamit yang kadiri at kulubot mong kamay.Ihahampas ko ang tray na ito sayo"sigaw nung babaeng waitress.

Tumawa ako ng mahina habang napailing-iling. Isa rin ang babaeng ito. Di naman pala kayang magtrabaho sa ganitong uri ng trabaho tapos mag-iinarte.

Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa iniinom ko. Maraming alak na ang nainom ko. Naniniwala kasi akong alak ang sagot sa mga taong gustong makalimot.

Nung nagsawa na akong magpakalunod sa alak. Lumabas na ako ng bar.

Tinungo ko ang lugar kung saan ipinark ko ang kotse ko. Nang makasakay ako sa kotse isinandal ko ang ulo ko sa headrest. Medyo nahihilo na ako. Ipinikit ko ang mata ko habang inaalala ang mga panahong magkasama kami at walang iniisip kundi ninamnam ang mga oras na magkasama kami.

"Ron,ipangako mo wag mo akong iiwan huh,kahit dadating ang araw na gusto na kitang bitawan. "Umayos sya ng upo at inilapit saakin ang pinky finger nya. "Magpromise ka,pinky promise tayo" natawa ako pero biglang sumimangot sya.

"Oh sya!sige nga" inilapit nya rin ang pinky finger nya saakin tapos ipinagdikit.

"Oh ayan nagpromise na tayo. "Sabi nya. Napatawa ako. Napaka childish talaga ng girlfriend ko.

"Sige sige basta wag kalang sumimangot. "Inilagay ko ang dalawa kung kamay sa pisngi nya at pinilit na pinangiti ito. Napangiti sya dahil sa ginawa ko.

Naaalala ko na naman iyon. Bumuntong hininga ako at mahigpit kung hinawakan ang manobela na parang dito ako humuhugot ng lakas.

"Tutuparin ko ang pangako ko sayo,trish. I will never let you go as I promise to you. " sabi ko sa sarili ko. 

I started the engine and maneuver the car. Pupuntahan ko ang bahay nila trish. Wala akong pake kung nandun ang daddy nya. Its time to fulfill my promise to her.

Nang marating ko na ang destinasyon ko. Inihinto ko sa tapat ng gate nila ang kotse ko.


"Trish please!pag-usapan natin to!" sigaw ko mula sa gate nila. Walang tigil kung kinakalampag ang gate nila.  Nagsitahulan ang mga aso nila dahil sa malalakas na pagkalampag.

Gusto kung kausapin sya. Gustong gusto ko talaga.


I regret if I didnt see her for the last time. Bukas na ang flight nya kaya bago sya makaalis gusto kung ma klaro ang mga bagay bagay saamin. Gusto ko rin pigilan sya sa pag alis. I will do anything to stop her.



Bumukas ang gate nila. Nakatayo ang tatay nya sa harap ng gate habang nasa likod nito ang mga body guards nya.


"Ronnie,my daughter clarify the things between you and her. Ano pa ba ang gusto mong malaman?" ma-atoridad nyang sabi.


"Gusto kung makausap si trisha." lumapit ako ng konti sa kinatatayuan nya kaya napaatras sya. "Trisha!trisha!"sigaw ko.


Pinipigilan ako ng mga body guards ng daddy nya pero di ako nagpatinag.

Hawak ako sa magkabilang braso ng mga body guards nya. Sa lakas ng pagkakahawak nila di ko kayang makapalag.

Lumapit saakin ang daddy nya. "You know what? I can file a case against you. "Sabi nya.



Nagsukatan kami ng tingin.

"No! I want to see Trisha. " sinigaw ko ulit ang pangalan nya.

Nagdilim na ang paningin ng daddy nya at sinuntok ako. Napa-upo ako sa semento.

"No,dad"lumabas si trisha mula sa likod. Hinawakan nya ang bisig ng kanyang ama. "Please dad,can I?" nagkakatitigan sila ng ilang segundo at napabuntong hininga ang tatay nya. Umiling iling nalang ito.


Lumapit siya saakin at lumuhod sya sa semento.  Pinupunasan nya ang dugong namomou sa gilid ng labi ko kung saan sinuntok ng tatay nya.
Lasap na lasap ko ang dugo. 

Titig na titig lang  sya sa labi ko habang pinupunasan ang dugo gamit ang daliri nya habang ako titig na titig lang sa mukha nya.


May maliit syang mukha.
She has a beautiful and captivating eyes that perfectly blend with her eye brows. May matangos rin syang ilong na bagay sa maliliit nyang mga labi. All and all maganda si trish pero di yun ang dahilan kaya minahal ko sya. May mga bagay na di lang sa pisikal nasusukat ang ganda. Minahal ko si trish dahil sa magandang katangian na meron sya.


Kahit mayaman sya. She didnt pull people down para lang mas umangat sya instead tumutulong sya sa ibang tao. In her own way.






"Ron,please..."nagmamakaawa syang nakatingin saakin habang nagbabadya ang mga luha sa mata nya. "Ayaw kung makita na magkakaganito ka. Please"



"Ayaw mo naman palang magkaganito ako. "Kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa pisngi ko. "Please,bumalik kana saakin. "




Umiwas sya ng tingin sakin at dahang dahang binawi ang kamay nya.

"Hindi na maari ron"sabi nya.



"Ano?sabihin mo. Makikinig ako please wag mo lang akong iwan trish. Naalala mo ba yung ipininangako ko sayong di kita iiwan. " nanginginig na ang boses ko. Kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha na dumadaloy sa pisngi nya.

"Kalimutan mo na ang pangako mo. Kalimutan mo na rin ako. "Tinignan nya ako sa mata na parang may gusto syang sabihin ngunit di nya kayang ipalabas. "Ikakasal na ako ron kaya di na pwedi tayong magsama." yumuko sya habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha nya.


Tumayo sya at iniwan na akong nakaupo pa rin sa semento. Naglalakad na sya papasok sa bahay nila.

Tumayo ako upang habulin sya bago pa ako makalapit sa kanya. Pinigilan ako ng mga body guards ng daddy nya. Pinagsusuntok ko sila upang bitiwan nila ako.




Pinagsusuntok rin nila ako. Napahiga ako sa semento habang walang tigil akong pinagtatadyakan nila. Nakita ko si trisha na nakatayo sa pinto nila habang katabi ang daddy nya. Itinaas ko ang kamay ko.


"Trish,dont leave me" tumutulo ang luha ko. Di ako umiiyak dahil sa bugbog na natatamo ko umiiyak ako dahil siguro ito na ang huling pagkakataon na makikita ko si trish at wala man lang akong nagawa kundi magpabugbog. Damn!!!!!!


Nakatingin si trish sa pinaroroonan ko habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha nya. Inakbayan sya ng tatay nya at giniya sya sa loob ng bahay nila.



Pagkatapos nun wala na akong maalala. Nagising nalang ako sa isang di pamilyar na kwarto. Puro puti ang nasa paligid.





Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon