chapter:10

1.5K 41 1
                                    

Umuwi ako nang bahay ng parang wala sa sarili. Feeling ko lumulutang lang ako ang gaan lang nangpakiramdam ko pero ang bigat ng dibdib ko. I tried to hide the pain at ang nangyari kagabi kay Mia. May parte ng puso ko nagu-guilty dahil di ko sinabi kay mia anong nangyari but,my brain says na dapat ko lang itong tago. Nagsisimula na akong nangamba paano kung may nabou? Paano kung di ako panagutan ni Ronnie? Paano ko bubuhayin ang magiging anak ko?

Yan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Sa twing naiisip ko yun. Bumibigat ang dibdib ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

. Naiinis ako pag nahahagilap ng utak ko ang imahe nyang naktutuk saakin habang may nakakatunaw na tingin.

"Besshy!!!"tili ni Laarnie nung makapasok ako sa bahay. Kinuha nya ang recyclable bag na dala ko at tinignan.

"Anong laman nito?"

"Tignan mo nalang. Ikaw na ang bahala dyan atsaka may pagkain diyan kainin nyo"pumasok ako sa loob ng kwarto. Boung mag hapon akong nagmukmuk sa kwarto. Sounds OA right?

Para saakin di O.A ang magluksa para sa nawala kung iniingat-ingatang puri. Goshh! Ibibigay ko pa sa magiging asawa ko yun.

Mga ilang araw rin akong di pumasok sa Bar. Nagleave muna ako ng ilang araw at pumayag naman ang amo ko. Binantayan ko lang ang sarili ko kung may mga signs na buntis nga ako pero wala naman. Nung sa tingin kung Ok na ako.


Pumasok ako na ako. Sayang rin ang sweldo. Habang busy ako sa pag serve. May nakakuha ng atensyon ko. May lalaking nakaupo sa medyo malayo na part ng bar,di din gaano abot ang ilaw doon kaya madilim sya ng konti.

He raise her hand na parang oorder. Kinabahan akong lumapit sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya. Medyo naaninag ko na ang mukha nya.

Jude,anong ginagawa nya dito?

"Hey rita"Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil di ko alam kung anong iisipin nya. Nakita nya akong dito nagtra-trabaho.
"What are you doing here? Dito kaba nagtra-trabaho?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kailangan kung i-explain sa kanya na waitress lang ako at di ako nagpapabayad para i-take out.

"Kung ano man nyang iniisip mo. Di ako ganyan. Waitress lang ako dito. "Pagpapaliwanag ko sakanya.

"I see. May hawak ka pa ngang tray eh" Tinignan ko ang hawak hawak kung tray. Namula ako bigla. Lumabas tuloy na napaka-defensive ko.

"May order kaba?" Tanong ko sakanya para out of topic kami sa trabaho ko.

"Sige. Isang bote lang ng beer"Kinuha ko na ang order nya. Paglapag ko sa order nya sa mesa. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Para saan to?"tanong ko sa kanya nung naglagay sya nang pera sa kamay ko.

"Sayo na yan"

"Sorry po pero di ko matatanggap yan. Bawal dito saamin ang humingi ng tip. Baka kung makita po yan ng manager ko masisisante ako. "

"That's ok. Ako ang bahala"ibinalik ko sa kanya ang pera pero pilit nyang ibinabalik saakin.

"Sir naman eh"

"Dont call me sir. Jude nalang"

"Ok jude. Pasensya na po kayo pero di ko talaga matatanggap ang pera na yan"Ibinalik ko sa kanya ang pera at tinalikuran ko na sya. Narinig kung may isinigaw sya nung makalayo ako sakanya. Di ko gaanong narinig ang sinabi nya at di nalang sya nilingon.

"May nahanap na akong gustong kong  maging Gf"

*****
Naunang umuwi si Laarnie. Naiwan ako dahil naglinis pa ako ng cr. Dagdag pera din yun kaya ako nalang ang nagpresentang maglinis.  Gabing-gabi na naman akong umuwi. Nakakapagod,iniunat ko ang mga kaso-kasuan ko nang may humintong pamilyar na sasakyan sa harapan ko.

Bumaba ang salamin ng sasakyan. Biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko kung sino ang driver ng kotse.

"Sakay bilis. "Galit na sabi nya saakin. Wow sya pa ang may ganang mag ganyan ganyan saakin. Sya pa nga ang may atraso saakin itong hinayupak nato. Kung makaasta akala mo walang nagawang kasalanan.

"At bakit naman ako sasakay?"Tumaas ng kusa ang isang kilay ko.

"Ay nagmamatigas ka pa huh!" Lumabas sya ng kotse nagsimula na akong natakot. Baka ano ang gawin ng lalaking ito.  Nagulat ako ng biglang pasinin nya ako sa balikat nya. Para akong tupa na ipanghahalad sa posisyon ko ngayon.

Siguro may tutulong saakin pag sumigaw ako ng tulong. Kumuha na ako ng lakas para makasigaw.

"Wag mo nang subukang sumigaw. Wala rin naman ang makakarinig sayo. "

Nung may dumaang matanda nabuhayan ako ng lakas.

"Lola tulungan nyo po ako ki-kidnappin po ako ng lalaking ito. "

"Ehu,ano ang ginagawa mo sa babaeng iyan?" Magalang nyang sabi.

"Lola,asawa ko po ito. Ayaw sumama eh. Kaya ito bubuhatin ko nalang" Namula bigla ang mukha ko ng paluin nya ng mahina ang pwet ko. Nanigas ako sa posisyon ko.

Kailangan nya ba talagang paluin ang pwet ko ?

"Oh!sya sige alis na ako. Pag usapan nyo yan ng mabuti. Lahat ng bagay na sosulusyunan sa mabuting usapan. Alis na ako ehu at eha"

"Ok po la"Naglakad na palayo ang matanda at binuksan nya ang pinto ng kotse at isinakay ako.

Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon