chapter:25

652 12 3
                                    

Rita's POV

Nagising ako ng may maramdaman akong marahang humahaplos sa pisngi ko. Nagpalinga-linga ako kung sino ang gumawa nun pero wala namang tao sa paligid ko. Maliban lang Kay ronnie na tulog pa rin hanggang ngayon.

Siguro guni-guni ko lang yun. Hinawakan ko ang noo ni ronnie upang tignan kung mataas pa'ba ang lagnat nya. Mabuti at di na sya mainit. Di tulad kagabi na ang init nya. Wala nga akong gaanong tulog dahil chine-check ko ang temperatura nya minu-minuto. Kaya heto ako kahit inaantok pa  naginat na ako ng katawan at pumunta na ng banyo upang magsipilyo at maghilamos upang mawala na yung antok ko.

Pagkatapos kung maghilamos at magsipilyo ay tinungo ko ang kusina upang maghanda ng agahan. Tinignan ko ang mga niluto ko kagabi. OK pa naman ang mga ito kaya ang ginawa ko nalang ay ininit ko nalang ang mga yun. Sayang rin nuh kung itatapon ko lang. Marami nga ang nagugutom sa boung mundo tapos ako magaaksaya. Ano ako siniswerte?

Nakahanda na ang agahan namin ni ronnie. Pinuntahan ko sya sa kwarto nya ngunit wala na sya roon. Aligaga kung hinanap sya sa boung bahay pero kainis lang di ko mahagilap ang mukong na'yon.

Lumabas ako ng bahay. Nagbabakasakali akong baka nandoon lang sya. Naramdaman kung kumakalam na ang tyan ko. Naalala kung di pala ako kumain kagabi. Napabuntong hininga ako ng makita ko syang nakaupo sa upuang gawa sa kahoy doon sa garden.
Lumapit ako sa kanya nang nasa likuran nya na ako. Nabigla ako ng bigla syang magsalita.

"Alam mo ba?dito namin planong gawin ang pangarap namin. Ang magkaroon ng mga anak at mapayapang mamuhay. " umiling iling sya.

"Ro–ronnie" batid ko ang lungkot sa boses nya. Di ko alam may mga pinagdaraanan din pala sya pero kung makasumbat ako sa kanya kahapon. Ughhh!ang tanga ko.

"Hali ka" lumingon sya sa pinaroroonan ko. "Umupo ka rito" umusog sya at tinapik ito.

Umupo ako sa tabi nya habang nakayuko lang. Di ko ba alam pero naiilang at nahihiya ako sa kanya habang magkatabi kami ngayon. Siguro,dahil sa nakokonsensya pa rin ako sa mga ginawa ko sa kanya kahapon.

"Alam kung ang corny ko ngayon. " napangiti ako habang nakayuko pa rin. "Ang aga-aga at itong ka-kornihan ko agad ang maririnig mo pero gusto ko lang talagang mailabas itong saloobin ko. Because I felt anytime sasabog ako. "

Inangat ko ang ulo ko at tinignan si ronnie. Nakatingin lang sya sa malayo. Though,nakangiti sya pero kita pa rin ang lungkot sa mga mata nya. Kinilatis ko kung nagbibiro lang sya pero nagkakamali ako.

"Nasubukan mo na bang mainlove rita na halos ibuhos at ialay mo na ang buhay mo sakanya ?" Tinignan nya ako at parang hinihintay ang sagot ko.

"A-ako?" umiling-iling ako na halatang di komportable sa topic namin ngayon. "Hindi pa"halerrr!isa kaya ako sa mga tinatawag na ting tigang ang love life aka 'NBSB'

"Well mabuti ka pa. "Nakatingin ulit sya sa malayo. " well,mabuti ka pa at di mo nararanasan ang nararamdaman ko ngayon. Now I realize kahit na gaano mo kamahal ang isang tao. Dadating ang panahon na susukatin ang pagiibigan nyo. Kung gaano ba ito katibay. "Umiling iling sya habang may pekeng tawa na lumabas sa bibig nya. " Ngayon sinubok kami ng tadhana but unfortunately di namin kinaya."

Di ko napigilan ang bibig ko nang biglang magsalita ito. Huli na ng masapo ko ito.

"Kung gusto mo naman pala sya bakit dito ka nage-emote at di mo man lang sya sinuyo. "

Ang sarap ko talagang sabunutan araw-araw ng mawala ang katangahang nanalaytay sa dugo ko.

umiling-iling si ronnie.
"Not that na simple lang pag di pagkakaintindihan ang niraranas namin ngayon. Kundi it's just like sabihin na nating ayaw saakin ng pamilya nya at ipapakasal na sya sa iba ng magulang nya. "

Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon