chapter:4

2.3K 56 1
                                    

Tinapik ko ang pisngi nya. Hala!baka patay na 'to. Natataranta na ako siguro kahit magsisigaw ako ngayon dito,wala pa rin ang makakarinig.

Inilapat ko ang tenga ko sa dibdib nya upang pakinggan ang puso nya kung tumitibok pa'ba. Good tumitibok pa. Ano kaya ang susunod kung gagawin?

Aha!ima-mouth to mouth ko sya kasi ganito yung napapanood ko sa mga pelikula.  Pinagmasdan ko muna ang mga labi nya. Infairness,kissable ang lips nya  atsaka mapula-pula pa. Pinagsasampal ko ang sarili ko dahil sa iniisip ko tungkol sa lalaking ito.

Sisimulan ko na syang halikan. Nang maisip kung di pala sya nalulunod bakit ko sya ima-mouth to mouth. Sinabunutan ko nalang ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Ano ba ang dapat kung gawin sa lalaking ito? Sa nakikita ko sa lalaking ito nasasaktan sya.

Malamang nasasaktan sya. Ang dami kaya ng mga pasa sa mukha nya. Mukhang binugbog talaga sya ng maigi ng mga lalaking yun.

Siguro,may kasalanan din yata ito si kuya sa kanila kaya binugbog sya. Sino ba naman ang normal na tao ang bubugbug ng tao kung wala namang kasalanan.

Nagisip-isip ako kung ano gagawin ko dito kay kuya.

Nang biglang may maganda akong naisip. Kinap-kapan ko sya para makahanap ako ng mahahalagang  impormasyon sakanya.

Nang may makapa akong maumbok. Hinimas himas ko ito para masigurado kung ano talaga ito. Nang masigurado kung yun nga. Kinuha ko ito at inilabas.

Siguro may impormasyon dito sa wallet nya. Malinis ang intensyon ko di ko sya nanakawan. Titignan ko lang kung may mahalaga bang impormasyon sa lalaking ito. Malay natin baka may itinatago syang papel dito na naglalaman ng mga contacts ng mga kamag-anak nya.

"Pfffftttt—"natawa ako nung meron nga.
"Sa dami nitong andito. Sino naman ang co-contackin ko dito?"

Nang makapili na ako ng tatawagan dun ko lang naisip na wala pala akong load. Hayyyyys!poor problems.

Kinapkapan ko ulit si kuya. Baka may cellphone sya.  Imposible namang wala tong cellphone. Mukhang rich eh.

May cellphone nga si kuya. Owwwsss!looks branded ha? Naginginig tuloy ang mga kamay kung mag dial.

Tinignan ko ang mga andun sa contacts. Yung may nakalagay na "Mama mia" ang unang tinawagan ko.

Nagring.........ring............ring............ring.

'Hello'. May sumagot na babae.

"Hello po di po ito ang may-ari ng cellphone kas—"pinutol nya ang agad ang sasabihin ko.

"Bakit hawak mo ang cellphone nya. Sino ka? Magnanakaw ka siguro.  Asan na sya?kung malaman ko lang na may nangyaring masama sakanya. Papatatayin kitang babae or lalaki ka man"napalunok ako ng laway.  Ang hard naman ng babaeng ito. Ako nga yung may mabuting puso na tumolong ako pa ang pagbibintangang magnanakaw. Kaloka!

"M-mam di ko po ninakaw itong cellphone nya. Actually, katabi ko po yung may-ari ng cellphone"tinignan ko si kuya na knock-out pa rin.

'Ibigay mo sakanya'

"Ka-kase p-po,a-ano"nauutal na ako sa nerbyos.

'Anong ano?ibigay mo na sakanya'pano ko ba to' sasabihin na hindi sya mabibigla.

"Mam"

'Ano nga?!'

"Walang malay po sya dahil mukhang binugbog ng mga lalaking nakasakay ng kotse kanina"dire-diretsong sabi ko sakanya. Mukhang naging hysterical na babae sa kabilang linya dahil di ko na naiintindihan ang mga sinasabi nya. Puro sigaw at iyak nalang ang naririnig ko.

Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon