Chapter:27

693 21 6
                                    

Ronnie's POV

"Rita....." Pagtawag ko sa kanya. Ilang oras akong naghintay ngunit walang rita ang sumagot. Nakahiga pa rin ako sa kama dahil sa kalasingan ko. Kainis naman ang babaeng to. Bumangon ako kahit na ang sakit pa rin ng ulo ko.

"Rita magluto ka naman ng pagkain oh,gutom na gutom na ako." Nakatayo ako sa labas ng kwarto niya. At ilang ulit na kumakatok. Siguro tulog na ang babaeng to.

Kainis naman oh,sino ang pagpapalutuin nya? Ako?

Mga ilang minuto ang lumipas,nagdesisyon nalang akong buksan ang kwarto nya.

"Rita mag—" nagulat ako ng tumambad saakin ang bakanteng kwarto. Walang rita na palaging mainit ang ulo.

Hinanap ko sya sa loob ng cottage. Syempre kung andito lang sya sa cottage makikita ko agad sya. Ang liit kaya ng cottage na inarkelahan namin.

Parang nahimasmasan ako dahil sa kakahanap sa kanya. Di ko alam anong nararamdaman ko. Galit na parang may halong pag-aalala. Di ko na alam.

Lumabas na ako ng cottage at sisimulan ng maghanap sakanya. Bakit ba sya lumabas ng ganitong oras. Ang bobo talaga di man lang nag-iisip.

Di ko alam saan ako magsisimulang maghanap sa kanya. Panay tawag ako sa cellphone nya ngunit di nya sinasagot kainis!

Naglakad ulit ako. Para akong timang na nalakad ng lakad pero di alam kung saan pupunta. Nawala ang kalasingan pati na rin ang gutom ko. Ang tanging nasa isip ko ay nasan na si rita. Ok lang ba sya?

Kainis! Panay tingin ako sa cellphone ko. Kinontrol ko yung galit ko ng makita ko kung anong oras na. Dis-oras na ng gabi.

Nag exhale inhale muna ako para mawala yung galit ko.

Rita anong oras na. Pag makita talaga kitang babae ka. Babatukan talaga kita. Habang paulit ulit na binabatukan ko sa isip ko si rita ng biglang mag ring ang phone ko.

Rita:Ronnie asan ka na? Tulungan mo'ko please.

Taena ako pa talaga ang tinanong kung asan ako.

Tila nanginginig ang kamay ko sa pagta-type halos mabasag yung screen sa kakadiin ko  rito.

Ronnie:Taena rita asan ka naba? Kanina pa ako palibot libot dito sa resort. Asan ka na ba?

Makalipas ang ilang minuto tumunog ulit ang cellphone ko.

Rita:Nasa beach party ako. Bilisan mo na ronnie please.

Nakaramdam ako ng kaba ng mabasa ko yun. Parang may masama akong nararamdaman ngayon. Halos takbuhin ko na papunta sa beach party. Sa kakamadali ko halos gusto ko ng hubarin ang tsinelas na sout ko.

Taena rita,bakit ba ang tanga tanga mo. Kainis ka!

Nang marating ko ang beach party. Si rita agad ang una kong hinanap. Kahit habol ko pa rin ang paghinga ko dahil sa kakatakbo kanina.

Binalewala ko na ang hingal ko. Ang importante makita ko agad si rita. Malakas ang kutob ko na nasa panganib sya ngayon.

Kahit sino-sino ang tinanong ko kung nakita ba nila si rita. Habang tinatanong ko sila ipinapakita ko ang pictures niya.

Ito yung mga nakaw na kuha ko sakanya. Di ko rin nga alam kung bakit ko sya pini-picturan.

May napadaan na waiter saakin at tinanong ko agad ito.

"Excuse nakita mo ba ang babaeng ito?" Sabi ko sabay pakita sa picture nya.

"Ahhh sya ba? Oo nakita ko sya kanina. Kasama nya si sir ben."

Mas lalong kumabog ang pintig ng puso ko. Di maari ito. Kilala si ben bilang anak ng mga maimpluwensyang tao. Nakikita ko na sya dati sa mga party. At kilalang kilala ko sya at alam ko ang pagkatao niya. Bwesit rita di ka talaga nag-iisip.

"Saan mo sila nakita?" tila nangangati na ang paa ko upang puntahan sila.

"Nakita ko silang dalawa dyan na nakatayo kanina pero pagkatapos nun di ko na sila mahagilap pa."napadabog ako sa paa ko.

Nagpalinga linga ako sa paligid.

Rita asan ka naba?

Tinawagan ko sya ulit. Makalipas ang ilang minuto ay sinagot nya agad ito. Tila nabunutan ako ng tinik at nakahinga ako ng mabuti.

Ngunit nawala agad ito ng marinig ko ang nanginginig at nagmamakaawang boses ni rita. Gusto ko syang sermonan ngunit nangibabaw ang awa ko sakanya.

"Rita asan ka na ngayon?"Napasabunot ako sa buhok ko.

"Nasa......."

"Rita asan? Rita?"halos bulyawan ko na ang cellphone ko.

Di na sya sumasagot kaya akala ko na-call ended na pero hindi, hindi pa nya kinoll ended.

"Rita..." Sigaw ko

Kainis! Pinakinggan ko ang nasa kabilang linya. Kumabog lalo ang puso ko ng marinig ko ang mga sigaw nya. Bwesit!!!!

Lumayo ako sa party. Halos mabiyak na ang ulo ko. Di ko na alam ang gagawin ko.

Nakarinig ako ng ilang sigaw at agad kung sinundan asan ito.

Napakuyom ako sa nakita ko.

Tinadyakan ko sya nung makalapit na ako. Natumba sya at sinakyan ko sya,inundayan ko sya ng maraming suntok. Parang nandilim ang paningin ko. Walang tigil lang ang pagsuntok ko sakanya habang panay ang pagtulo ng mga pawis sa mukha ko. Pakiramdam ko parang unan lang ang sinusuntok ko.

"Ronnie tama na"

Tila natauhan ako ng marinig ko ang nagmamakaawang boses ni rita.

"Ronnie please....tama na" nilingon ko sya at nakaupo lang sya sa buhangin habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha nya. Nung makita kung ganun ang sitwasyon ni rita,mas lalong sumidhi ang galit ko. Pinagsusuntok ko sya ulit.

Naramdaman ko nalang ang yakap niya saakin mula sa likod. Napatigil ako,tinignan ko ang itsura ng kanina ko pa sinusuntok halos di na maipinta ang mukha niya. Punong puno na ito ng dugo at pasa.

Naramdaman ko nalang na nababasa na ang likod. Alam kung umiiyak sya ngayon.

Humarap ako sakanya at niyakap rin sya.

"Wag mo ng ulitin ito. Di ko na alam ano ang gagawin ko."

Halos mabiyak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang paghikbi ni rita ngayon.

Ipinahuli namin sya sa mga pulis. Gusto ko sanang pakasuhan sya kaso ayaw na ni rita. Ayaw nya na daw ng gulo at dala lang daw yun ng kalasingan nya.Gusto ko syang pagsusuntukin uli. Pagkatapos nun ay umuwi na kami sa cottage namin.

***
Author's note:
         KEEP READING.

Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon