chapter:13

1.5K 39 4
                                    

Nakaupo ako sa gilid ng kama. Pinipilit kung ayusin yung zipper ng skirt ko. Pero kainis lang pati yung zipper di marunong makisama. Kung ako mangigil sa zipper na'to. Ipri-prito ko sya kasabay nung mga itlog ni ronnie.  Kung nahahalata nyo. Sout-sout ko pa rin ang uniform ko sa bar. Ang sakit nga ng paa ko sa kakasout nitong high heels na'to.

May naamoy akong pabango na ang sarap sa ilong pero binalewala ko lang ito. Busy pa rin ako sa kakaayos ng nasira kung zipper sa skirt.

" soutin mo yan"napagtanto kung kay ronnie pala galing ang amoy.

Tinignan ko ang mukha nya sunod sa nakatuping mga damit. Kinuha ko agad ito. Mag iinarte pa ba ako. Medyo nangangati nga ako dito sa uniform ko kaya kailangan ko na talagang magbihis.

Iniisa-isa kung tinignan ang iniabot nyang damit saakin. Napataas ang kilay Ko.

"Papasoutin mo ako nito?"nagtataka akong tumingin sa kanya.

Di na nya ako pinansin at dumiretso nang lumabas ng kwarto. Ayy!may sayad yata tong ronnie na'to eh! Kanina may patawa-tawa pa sya tapos ngayon nakabusangot at di namamansin.

Tumayo ako at pumuntang banyo.  Inilapag ko ang damit na ipinahilam nya saakin sa lababo. Napangiwi ako ng makita ko ang boxer at brief. Gamit naba ito?

Inamoy ko ito kung nagamit nya na ba.

Confirm.

Hindi pa. Mukhang hindi pa nga ito gamit kasi mukhang bago pa ito at mabango.

Nagsimula na akong maghubad. Nang may kumatok sa pintuan. Kainis naman oh!

Isinout ko ang bathrobe na dinala ko rin kanina. Tinungo ko ang pintuan ng banyo at bahagyang binuksan ito.

"Bakit anong kailangan mo?"walang emosyong sambit ko.

"Kung gusto mo nang kumain nag-order nalang ako ng pagkain. Bumaba ka nalang doon"nakita ko ang pagbaba ng paningin nya sa parte ng dibdib ko. Nahuli ko syang ginawa nya iyon kaya dali-dali kung tinakpan ito.

"Oh sige susunod na ako. "Sabi ko at sinarado agad ang pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto.

'Bakit nakatingin sya sa dibdib ko' I shook my head para alisin ang mga bagay bagay na pumapasok sa isip ko. Kainis lang eh!

Nagsimula nalang  akong maglinis ng katawan upang matangal yung dumi sa katawan at isip ko.

Nasarapan ako sa tubig di ko namalayan mga ilang minuto rin pala ako dito. Tinungo ko na ang kwarto upang dun na ako maglinis. Sumilipsilip muna na ako upang icheck. Kung adun ba si ronnie.

Babae ako nuh!kaya kailangan ko talagang mag-ingat. Sus,di na natin alam ang takbo ng utak ng mga tao ngayon. Kaya girls kailangan mag ingat tayo. Ok?

Nung masiguro kung wala nga sya. Lumabas na ako upang magbihis. Nanga-ngatog nga yung tuhod ko sa lamig. Ang lakas kasi ng aircon nila mga mennn!

Una nagda-dalawang beses pa ako kung so-soutin ko ba itong brief nya. Kaso naalala kung no choice pala ako. Kaya heto ako.

Naka sout ng malaking tee shirt at boxer. Kainis naman oh! Nae-expose na naman ang legs ko. Ang ginawa ko nalang kinuha ko yung bathrobe na ginamit ko kanina. Wala na akong pake kung basa pa yun. Basta ang akin lang di ma expose tong si legsy ko.

Pumunta na akong kusina at nakita ko si ronnie dun. Nakaupo lang sya at parang may malalim na iniisip. Di siguro nya namalayan nakaupo ako sa harapan nya.

"Ehemm"inilagay ko ang nakakuyom kung kamay sa bibig  at kunwaring umobo.

Iniangat nya ang ulo nya at tinignan ako. Naiilang ako kung ngi-ngitian ko sya. Walang emosyon syang tumingin sakin.  Kakaiba ang aura na nakikita ko kay ronnie.

"Kumain kana?"iniangat ko ang pagkain na nakalagay sa styro at ngumiti ng tipid.

"Hindi pa"ngumiti sya. Inagaw nya ang pagkain sa kamay ko.

Kainis naman oh!

Naghanap ako kung may pagkain paba syang inorder. Pero yun lang nakalagay sa plastic bag.

Nilalantakan nya na ang pagkain. Naka-focus lang ang tingin nya sa pagkain at mukhang sarap na sarap sa pagkain.  Pinitk pitik ko ang daliri ko.

Napatingin sya sakin habang nasa bibig nya pa ang kutsara.

"Yung pagkain ko?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

Tinignan nya ang pagkain na kinakain nya tapos tingin sakin.

"Yung pagkain mo?" tanong nya. Tumango tango ako.

"Oo yung pagkain ko"inilahad ko ang kamay ko. "Ansan na?"


Ninguso nya ang isang plato  na may laman ng................what?

Ipapakain nya sakin ang mga sunog na itlog. Aba! Di na tama toh!

Tumayo ako at naihampas ko ang kamay ko sa mesa.

"Ipapakain mo sakin ang mga sunog na itlog na yun"sabay turo sa bowl ng mga sunog na mga itlog. "Di na tama yan"


"Kung ayaw mo. Pwes!wag kang kumain. " Di na nya ulit akong pinansin at patuloy ulit syang kumain.

Ughhhh!!!!kainis. Napasabunot ako sa buhok ko at padabog na kinuha ang  bowl.

Inilapag ko ang bowl sa mesa. Kahit nakayuko sya kitang kita ko ang nakakaloko nyang ngiti. Shit!pinaglalaruan ata ako ng lalaking ito.


Kumuha ako ng kanin. Inilagay ko nalang dun sa bowl yung kanin. Nakakahiya naman kasi sa lalaking ito kung  magdadag dag ako ng hugasin. Diba? 

Nagsisimula na akong sumubo ng kanin ng may sunog na itlog.  Napapangiwi ako pag nalalasahan ko ang sunog.


Lasang uling.




Tapos na syang kumain at tumayo na.

"Pakitapon nalang nyan atsaka hugasan mo ang mga pinagkainan mo. "Naglakad na sya palayo.


Aaktong itatapon ko sa kanya ang kutsarang hawak ko. Nang lumingon sya ulit. "Pakibilisan mo rin dyan" Ipinasok ko agad ang kutsara sa bibig ko.  "Sasamahan mo pa akong mamili ng grocery atsaka"tinignan nya ako ulo hanggang paa. "Bibilhan kita ng mga damit atsaka"


Nakakainis na ang atsaka nya huh!

Ngumiti sya ng parang may kahulugan. "Mga underwear mo" namula bigla ang mukha ko. Napayuko ako upang di nya mapansin na namumula ako.


"Pssst!" akala ko umalis na ang mukong na'to. Iniangat ko ang ulo ko upang tignan sya.
"Ang sexy mong tignan sa boxer ko. "Biglang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Kung kanina pula lang. Ngayon pulang pula na.




Paano nyang nasabi na napaka-sexy ko sa boxer nya. Eh!hindi naman nya ako nakitang sout sout to! Halerrr!naka bathrobe kaya ako.


Nang biglang may nagpop-up sa isip ko. What if sinilipan nya ako? No waysssssss!

Bago ko pa naihagis ang mga nasa harap ko. Mabilisan agad syang umalis sa harap ko.

Accidentally Pregnant By Mr.PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon