Chapter 4

65 2 0
                                    

Si Ranz Kyle Saavedra ay masugid na disipulo ng kasabihang ‘Don’t do unto others, what you do not want them to do unto you.’

Ayaw niyang kinokontrol siya. Ayaw niyang bino-bombard siya ng mga tawag at text messages na tinatanong kung nasaan siya, ano ang ginagawa niya, anong oras siya uuwi o kung kumain na ba siya. Number one advocate siya ng personal space at privacy. Dahil ayaw niyang ginagawa ang mga bagay na ito sa kanya, hindi niya rin ito ginagawa sa iba. Sa tingin niya patas lang ‘yon.

Kaya nang matapos ang isa photo shoot nila ng araw na iyon, at lapitan siya ng photographer tungkol sa problema ng isa sa mga kaibigan niyang modelo, nagkibit balikat lang siya at sinabing hindi niya alam ang problema nito.

“Pero di ba kaibigan mo si Ailee?” Ang nagtatakang tanong sa kanya ng photographerr habang nagliligpit ang mga crew sa studio. “Mukhang kayo ang close na dalawa sa mga modelo rito. Tumawag na kami sa agency niyo pero wala rin silang alam. I was hoping that you know something since the two of you looked close.”

“Well yeah, kaibigan ko nga siya.” Kibit balikat ni Ranz. Ang totoo, nag-date pa nga sila noon ng nasabing modelo.

“Well, wala ka bang alam, wala ba siyang nasabi? Hindi ba kayo close?”

“Close naman.”

“Oh, hindi mo man lang ba alam kung bakit tatlong araw na siyang di sumisipot sa photoshoot?”

“Uh…no. I have no idea.” Iling niya. Nailing na rin ang photographer.

“Sige, thank you na lang.” Ang sabi nito saka naglakad palayo. Tila disappointed ito, maybe disgusted even sa inasal niya.   He merely shrugged. Siguro sa tingin ng iba napaka-insensitive o napaka-asshole niya. But he’d like to think that he’s just very respectful of a person’s personal space. Sa palagay niya kung talagang may problema ang kaibigan niya at gustong sabihin sa kanya, sasabihin iyon. Hindi niya kailangang magtanong. Kailan man di niya naisip na minsan, gusto ng tao na tinatanong ito. Ah well, ganoon talaga siya. Kung tingin ng iba asshole siya sa ganoong pag-iisip then asshole na kung asshole. Wala siyang kiber sa iisipin ng ibang tao. He’s perfectly happy with himself. Kilala niya ang sarili niya at gusto niya ang kung ano siya. Iyon lang ang mahalaga. Matapos magbihis sa dressing room sumabay na si Ranz palabas sa mga kapwa niya modelo.

Nang nasa lobby na sila, nakita niyang may ilang mga fangirls na naghihintay sa kanya sa labas ng glass doors ng building. May mga tarpauline banners pa ang mga ito na may pangalan niya. Halos celebrity na rin kasi si Ranz sa dami ng mga commercial, billboards at mga pictures niya na nagkalat sa kung saan-saan.

“Paano ba ‘yan Ranz, ang daming naghihintay sa ‘yo.” Komento ng isang lalaking modelo sa kanya. Mayabang lang siyang ngumiti.

“Yeah, can’t help it if I’m this good look——” may nahagilap ang mga mata niya at nanigas ang buong katawan niya. Makikilala niya ang tuwid na tuwid, itim na itim na mahabang buhok na iyon kahit saan. Gusto sana niyang kumaripas ng takbo pabalik sa studio pero mukang huli na. Megahn’s pretty head turned and their eyes met. Bakit ba di pa siya kainin ng lupa?

Akmang papasok ‘to sa loob ng building pero pinigilan ‘to ng mga security guards. He gritted his teeth saka malalaking hakbang na nilapitan ito, mahirap na, baka maubusan ng pasensya ang dalaga at maisipang i-barbecue silang lahat.

“It’s ok, she’s with me.” Ang nakangiti niyang baling sa guard sabay haklit sa braso ni Megahn.

“WHAAATTT!!!” Mabilis siyang dinumog ng mga fangirls.

“Sino siya?”

“Girlfriend mo!”

“Kailan pa! Ba’t di namin alam!” Sabay-sabay na tanong ng mga nagwawalang fangirls.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon