Chapter 6

59 2 0
                                    

“Masama! It’s—it’s—” hinalughog niya ang utak para sa kung anong excuse. “It’s impolite! Yes! ‘Yun nga! It’s improper and it’s unethical! So stop bitting your lip, dammit!” He was blushing, sigurado siya roon. He covered his utter embarrassment with a glare. Inikot ni Megahn ang mga mata.

“Humans.” Dumating ang order nial at tinuon na nito ang atensyon sa pagkain. Nakahinga siya ng maluwag nang itigil na nito ang pagkagat sa labi at paghawak sa clavicle nito. Still glaring at her, binalingan na rin niya ang pagkain.

“Why do you keep saying humans? Kung magsalita ka parang napakababang nilalang namin sa inyo, maliban sa pag-harness ng energy, ano ba’ng pinagkaiba niyo sa ‘min?”

“Akala ko ba hindi ka interesado sa mundo ko, bakit nagtatanong ka ngayon?”

“Fine, don’t answer it. Like I care.” He fumed.

Binalikan ng dalaga ang pagkain tapos sumagot ito.

“ Genetically speaking, pareho lang ang mga Isoffs at mga earthlings. Walang pinagkaiba ang DNA natin. Ang pinagkaiba lang natutunan namin kung paano gamitin ang mas malaking parte ng utak namin kaya mas matalino kami sa inyo.” Mayabang nitong sabi.

“Mas matalino my foot. Mas advance nga ang technology niyo, kaya niyo ngang mag-harness ng energy pero socially and politically speaking, bagsak kayo.”

“Isoff is a great nation.  Hindi kagaya ng society niyo na puro patayan, mataas ang poverty level at income dispartity, sa Isoff tahimik at payapa, walang naghihirap.”

“Really?” He said drily, medyo kalmado na ang hormones niya. ”Isang gobyerno na pumipili ng mapapangasawa ng mamayan nito? I wonder, pati siguro trabaho niyo gobyerno ang pumipili, ano?”

Hindi makasagot si  Megahn. Totoo iyon. At the age of seven kung saan lumalabas na ang potential ng isang bata sa Isoff, tine-train na ito ng gobyerno sa kung ano ang magiging trabaho nito sa hinaharap.

“Eh ano naman kung gano’n nga?” Depensa ng dalaga.

“Tinatanggalan niyo ng karapatang pumili ang mga mamayan niyo. How can that be great?” Disgusted na tanong ng binata.

“Well siguro kasi mas alam ng gobyerno ang makakabuti sa mamayan nito. If you give people choices, minsan disastrous ang nangyayari. Give people freedom kung ilan ang magiging anak nila. Tignan mo kung anong resulta? Overpopulation, umemployment, mababang kaledad ng edukasyon, mataas na poverty rate at environment pollution. Give people kung anong trabaho ang gusto nila. Anong nangyayari? Mismatched with the persons skills and abilites. Hayaan mong tao ang pumili ng mapapangasawa nila, anong resulta? Ang daming hiwalayan, ang daming batang lumalaki sa mga broken homes. Kung matatanggal ang lahat ng negative effects na iyon sa pamamagitan ng pagtatanggal ng choices, hindi mo ba gagawin? Sa Isoff very logical at calculated ang lahat, we make sure na fit ang lahat, may praktikal na rason sa lahat ng bagay. There are no rooms for mistakes and experiments. Ano namang masama roon?” Hindi makapaniwala si Ranz sa naririnign niya. Seryoso ba ito?

“Life without choices, is not real life. Ang tao lang mismo ang nakakalaam kung ano ang makakabuti at makakapagpasaya sa kanya. That’s the essence of living. Anong klaseng buhay ‘yon kung ibang tao naman ang nagdidisisyon sa lahat ng kilos mo?” Nailing ang binata.

“Kahit kailan talaga hindi ako sasama sa mundo mo.”

Umismid ang Isoff captain. “Sinasabi mo lang ‘yan ngayon pero ano’t ano pa masasama rin kita sa mundo ko.”  Kinuha nito ang strawberry sa cake nito at kinagatan iyon. Ranz found himself watching her lick the stray juice at the corner of her lips.

Pinikit niya ng mariin ang mga mata. Pakiramdam ni Ranz nasa torture chamber siya. Kapag nagpatuloy siyang kasama ang dalaga, natatakot si  Ranz na baka nga sumama na siya sa oh-so-perfect-planet nito. He’d probably do anything, kahit siguro pagpatay kay Rizal baka aminin niya para lang matigil na ang paghihirap niya.

Minulat niya ang mga mata at determinadong binalingan muli ang pagkain, pero wala pang tatlong minutong nagko-concentrate siya sa pagkain nang bigla na namang mapunta ang atensyon niya kay  Megahn.

“F*ck.” Mahinang mura nito sabay tayo. Hawak-hawak nito ang isang maliit na silver gadget.

“Bakit?” She was staring intently at the screen of the silver gadget, ang mga labi nitong mariing nakatiim. He felt his heart thumping fast. “Bakit? Anong nangyari?” Ulit niya.

With ice-like calm, she started pushing buttons on the silver gadget.

“My sensor detected alarming seismic activity from the Global Earthquake satellite system of your planet.”  Anito sa kalmadong tinig. “Unfortunately, your current technology cannot interpret this data, and unfortunately, I do not have enough gadget to gather anymore data than this.” Ranz was sure na kung mas impulsive na tao ang nasa lagay ni Megahn, sinuklay na nito ang buhok sa prustrasyon o di kaya ay napahugot ng marahas na hangin sa tension. But he supposed Megahn was too trained in the art of crisis management to do any of those. If anything, lalo lang naging kalmado at kontrolado ang boses nito.

“What do you mean? Ano yun——”

These are high risk, critical crustal stresses, the infrared data collected by NASA’s Terra satellite showing the warming of the ground with a thermal anomaly as large as +4 C° is also a very alarming indicator.” Tapos walang salita ulit na malalaking hakbang nitong tinungo ang pinto.

“Hey!” Napatayo na rin siya at napahabol dito. “Where the hell are you going?”

Tuloy-tuloy lang itong naglakad palabas kaya napilitan siyang sumabay din dito.

“Ano bang nangyayari——”

“The seismic activity history of the area, its geology, and computer models reported a 62% chance of a major quake of magnitude 7.5 or greater,  the epicenter is 13.62ºN, 120.89ºE   001.0   2.8 24 km S 51° W of Batangas City.” She spoke fast with frightening calmness. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya natintindihan ang ibang sinabi nito, pero kinabahan siya nang marinig ang epicenter at Batangas.

“W—what the—earthquake? Sa Batangas? Is that what you’re saying? Are you sure?”

Malamig siya nitong tinitigan. “Mukha ba ‘kong nagbibiro?”

Napahugot siya ng marahas na hininga, tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang dalaga, again hinabol niya ‘to. “Anong gagawin mo? Sa’n ka pupunta—”

“I believe the idiom in your culture is, ‘magkakape sa Starbucks,’” she said coolly, “ ano pa bang tingin mong gagawin ko? Eh di pipigilan ko ang earthquake—”

“What?” Hinarap siya nito at sandaling huminto sa paglalakad.

Matalim siya nitong tinitigan. “Look, wala ka namang magandang maitutulong sa ‘kin kaya gawan mo ko ng pabor at tumahimik ka na lang, p’wede?”

Matalim niya rin itong tinitigan. “But how the hell are you going to stop that? That’s a freaking natural disaster! Diyos ka ba? Gano’n ba ka-advanced ang technology niyo? May sapat ka bang gadget na dala para gawin ‘yon? Can you really do it on your own?” That seemed to have struck a nerve. Iniwas nito ang tingin sa kanya tapos malalaking hakbang ulit na naglakad. Napilitan na naman siyang habulin ito.

“I’m right, aren’t I? You don’t have enough man power and technology with you—”

“That’s beside the point, I can’t just sit here—”

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon