Chapter 16

66 0 0
                                    

Hindi alam ni Megahn kung anong kailan siya nakaidlip, one moment she was staring at Ranz, then the next thing she knew her eyes was drifting close. It was probably due to stress and fatigue, she was thinking too much these past few days. Pero sigurado siyang hindi pa siya nakakatulog ng matagal when a warm, fuzzy, fluffy energy woke her from her shallow sleep.

Nang magmulat siya ng mga mata, nakita niyang nakahilig pala siya sa balikat ni Ranz. Umayos siya ng upo. Then, may kung anong liwanag ang nahagilap ng mga mata niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang makita kung ano ang mga liwanag na iyon.

Sa buong paligid, lumulutang ang ilang dosenang bola ng apoy. They glowed like round orange and blue lanterns floating in the moonlit garden.

“What the——” awtomatikong lumipad ang tingin niya sa katabing binata.

He grinned at her. “St. Elmos’s fire.”  Muling lumipad ang tingin niya sa mga bola ng liwanag. “Ang galing ko, di ba?”

“Paano—kailan pa——” hindi niya alam kung ano ang unang itatanong.

“It’s easy, St. Elmos’s fire is made of plasma, kailangan ko lang imanipulate ang electric charges ng mga gas particles sa athmosphere and voila, a ball of fire.”

She stared dumbly at his handsome face. “Kailan ka pa natutong mag-manipulate ng electric charges?”

“Nung umalis ka.”  Binuksan nito ang isang palad, ilang sentimetro sa taas nito, nagkaroon ng tila maliliit na kidlat, umusok, matapos ang ilang segundo, isang bola ng kidlat ang lumutang sa taas ng palad nito.

“Kailangan ko lang mag-release ng charged energy sa katawan ko para maapektuhan ang gas particles sa immediate athmosphere. I’ve been practicing since you left.” Pinakawalan nito ang bola ng kidlat at lumutang ito palayo. “Kaya ko na ring gumawa ng thunderbolts, even heat waves. Kaunti na lang kaya ko na ring gumawa ng bagyo, kaya ko na ring mag-produce ng energy blast at will.”

Walang magawa si Megahn kung di titigan lang ang binata, habang ang ilaw mula sa mga bolang apoy, nagsasayaw sa g’wapo nitong mukha. Isang malamyos na hangin ang dumaan at ginambala ang kanilang mga buhok, pati ang mga bolang apoy marahan nitong ginambala, sumuray ang mga apoy pero hindi nagpatinag, nanatili silang buo at nagliliyab sa ilalim ng madilim na kalangitan.

“Megahn…” tawag nito sa mahinang tinig. His eyes were soft but determined, pinaglaro nito ang mga daliri sa kanyang buhok. Then, in a soft voice he asked, “What’s Isoff like?”

Lalong nanlaki ang mga mata niya. Bumuka ang kanyang bibig pero di niya matagpuan ang kanyang boses, parang may masakit na bagay na nakabara sa kanyang lalamunan, kahit paghinga, nahirapan siyang gawin.  Ang pagtunog ng kanyang cellphone ang nagligtas sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at kinuha ang cellphone. Sa kung anong dahilan, gusto niyang lumayo sandali kay Ranz. She flipped her phone open. Isang message galing sa Isoff. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Narinig niyang nag-ring din ang phone ng binata. Tinanggap nito ang tawag. Malalim ang paghinga, binasa niya ang mensahe.

Nanikip ang kanyang dibdib nang mabasa ito. Utos ito, pinagre-report siya tungkol sa kanyang misyon. Kailangan na niyang magbigay ng report kung may potential nga ba si Ranz at kung kailangan niya ng reinforcements para dalahin ang binata sa Isoff. Matama niyang tinitigan ang mensahe habang patuloy ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

“Megahn!” Muntikan na siyang mapatalon sa gulat nang bigla siyang yakapin ng binata mula sa likod.

“Ok na yung exhibit! Next next day, ilo-launch na yung exhibit ng mga paintings ko!” He smiled like a kid to her. He looked so happy, he looked so alive. Lalo siyang nahirapang huminga. Sa kabila ng lahat ng kanyang kapangyarihan at kakayahan, hindi mautusan ng Isoff Captain ang kanyang puso na pumirmi. It kept beating wildly, kept contracting, kept swelling. Pero di man niya mautusan ang puso, kaya niyang utusan ang kanyang boses at mukha.

“Really? Siguro kasi naawa na sila sa ‘yo.”

Ranz just rolled his eyes and smiled. “Yeah, yeah, whatever.”

“Suit yourself. Maybe I should give you a hug, alam mo na, advanced consolation para sa mga matatanggap mong bad comments.”

Niyakap niya ito bago pa makapagprotesta. Gusto niyang yakapin ito kahit isang beses lang. Akmang kakalas na siya pero hinigpitan ng binata ang yakap sa kanya. Sinubsob nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg. Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso, natakot siya, baka marinig ito ng binata.

“Can we stay like this…let’s stay like this just for a little bit more.”

Hindi siya nagsalita sa takot na manginig ang kanyang boses. Niyakap din niya ito.

Rules, orders, structures, ito ang bumubuo sa mundo ni Isoff Captain Megahn Sevilla. Kapag nasira ang mga iyon, katapusan na ng kanyang mundo. Iyon ang pinaniniwalaan niya.

Kahit malamlam ang mga mata, hindi niya napigilan ang mapangiti habang patuloy na niyayakap ang binata.  Paano naging possible ang maging masaya at malungkot sa parehong pagkakataon? Nailing na lang siya, mukhang tuluyan na siyang nahawa sa irrationality at stupidity ni Ranz. Pero sa kung anong dahilan, habang magkayakap sila, palagay ni Megahn, she didn’t really mind being stupid ang irrational, not if it’s with him, not if it’s because of him. Hinigpitan niya ang yakap sa binata. At the moment, she really didn’t care about anything else. All she could feel was an extreme gratitude to all the people and things that made it possible for her to meet this stupid, irrational and passionate Ranz Kylet Saavedra.

“Bored?” Tanong sa kanya ni Ranz. It was the day of his exhibit. Maraming kilalang artists ng bansa ang dumalo roon. They were all prasing Ranz and his co-artists dahil sa concept ng mga gawa ng mga ito.

“Bakit magpapalabas ka ba ng fire works para i-entertain ako?”

Nagkibit balikat ito. “Maybe later.” May lumapit na kapwa artist at nagsimulang mag-usap ang dalawa. Nagsimula siyang maglakad palayo pero hinagilap ng binata ang kamay niya. Nakikipag-usap pa rin ito pero mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. May isa pang dumating na artist at sumalo sa usapan. Sinamantala ni Megahn ang pagkakataon at tuluyang tinanggal ang kamay ng binata. Kunot noong tinignan siya nito. Nagkibit balikat lang siya at naglakad palayo. Naglakad-lakad siya sa palibot ng exhibit.

Nilibot niya ang mga mata sa paintings ng binata. Every bit of his paintings had Ranz’s surging energy in them. Naipasa ng binata ang enerhiya nito sa mga gawa nito. Ganoon ito. Nilalagay nito ang buong puso at kaluluwa sa mga bagay na mahal nito.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon