The Ending..

90 1 0
                                    

Napangiti siya. Sana masaya ang binata sa mga oras na ito. Sana nabenta na ang mga paintings nito. Sana nanalo na rin ito sa kung anumang painting contest na sinalihan nito. Lumapad ang kanyang ngiti sa labi. Mali nga pala ‘yung mga hiling niya. Hindi nga pala ang makabenta o ang manalo ang mahalaga. Ano nga raw ba ang mas mahalaga? Ah yes, it’s the process.

She hoped he’s learning new things, she hoped he’s having great experiences. She hoped he’s painting with that stupid smile pasted across his paint smudged face. Her lips quivered and tears started to fall. Oddly enough though, she remained smiling, truly smiling despite the tears.

Huminga siya nang malalim. Kasalanan ito ni Ivan. Ito ang dahilan kaya naging emosyonal siya.

Kasalukuyan pa rin niyang pinupunasan ang mga luha nang marahas na prumeno ang kanyang sasakyan. Kung hindi dahil sa seat belt, baka tumilapon na siya sa salamin palabas ng kotse. Lahat kasi ng sasakyan sa Isoff gumagamit ng high frequency sound waves para ma-detect kung may mababanga sa harapan. Kapag may na-detect itong considerably dense object within a one and a half meter distance, awtomatikong humihinto ito.

Her head snapped up. Sino kaya itong gagong sumulpot sa harapan niya? Ang lakas ng loob nitong suwayin ang curfew. Lagot ‘to sa kanya.

Huminto sa pagtibok ang kanyang puso nang makita kung sino ang gagong iyon.

There, isang metro ang layo sa kanyang kotse, nakatayo ang binatang dapat ay isang daang bilyong light years ang layo sa kanya.  Nakatiim bagang ito at matalim ang tingin sa kanya. May maitim at makapal na enerhiyang umuusok sa paligid nito. He looked really, really pissed.

Kumurap siya. Hindi nawala ang binata, sa halip naglakad pa ito palapit sa kotse. Kumurap ulit siya, pero hindi pa rin ito naglaho. Nalaglag ang kanyang panga.

Napapitlag siya nang marahas nitong ihampas ang dalawang kamay sa hood ng kanyang kotse. Sigurado siyang nagkaroon ng dent sa hood noon sa lakas ng hampas nito.

“Get out of there, now.” He growled.

Lalo siyang napanganga. She heard about hallucinations pero nagsasalita ba ang mga aparisyon? Naloloka na ba talaga siya? OK lang ang lumipad ang isip pero ito? Susme! This was serious! Kailangan na ba niyang mag-set ng appointment sa company psychiatrist?

“Lumabas ka d’yan o gusto mo bang kaladkarin pa kita?”

“This is not real,” bulong niya sa sarili. “You are not real! I am dreaming, I am the master of my dreams———”

“Huh!” Putol ni Ivan sa kanyang mantra. “You wish!” Nakatiim bagang ito. “Get out of there.” He said through his teeth. “ I’m really tired and really, really pissed right now, Eleina. Alam mo ba kung ga’no kahirap hanapin ang pesteng planetang ‘to?” kumidlat sa paligid ng binata, pumutok din ang ilan sa mga street lights.

“ Alam mo ba kung ilang beses na kong naligaw sa kung ilang planeta?” He hissed in a very, very controlled voice. “One hundred fifty eight. Hindi pa kasama ro’n ang asteroids, meteoroids, comets, satellites at black hole. Yes, Eleina, black hole. FREAKING. BLACK. HOLE. Nasubukan mo na bang mahigop no’n?” Kabaliktaran ng kontroladong boses nito, nagwawala ang mga kidlat sa paligid ng binata. Tapos marahas itong humugot ng hangin. Tumigil ang pagkidlat.  Then, malalaking hakbang nitong tinungo ang pintuan sa side niya. Pabalang nitong binuksan ‘yon.

Hinaklit nito ang kanyang kamay at hinila siya palabas ng kotse. Ang sunod na lang niyang nalaman, mahigpit na siyang yakap nito.

Naramdaman niyang nanginginig ang katawan ni Ivan, ang puso nito, kagaya ng kanya, marahas din ang pagtibok.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon