Chapter 7

59 2 0
                                    

Fine! The hell he care, di ba? Let her fight a freaking earthquake, damn her. Masama niyang tinitigan ang naglalakad papalayo na dalaga. Hindi naman sa masama ang ugali niya o selfish siya o wala siyang pakialam sa ibang tao, pero talagang wala sa list ng What I want to be when I Grow Up niya ang maging hero. He never really liked Superman or Batman or any of those Marvel heroes. Tingin niya kasi hassle iyon.

“Right.” he grumbled to himself. Pinilit niya ang sariling tumalikod at bumalik sa tamabayan pero di pa siya nakakadalawang hakbang ay muli siyang napatigil. Malakas ulit siyang napamura.

“UGH!” he growled. He cannot believe he was doing this! Then, without thinking further, malalaking hakbang na sinundan niya ang Isoff Captain. Muli niyang hinalbot ang braso nito at hinila pabalik sa restaurant.

“Alam mong tawag ng kultura ko sa ganyang mentality? Noblesse Oblige, and that’s just hypocritical—”

“Shut up!  I don’t give a shit about your freaking culture—”

“Pa’no mo balak makapunta do’n? Huwag mong sabihing kaya mong lumipad?” he snapped at her. She glared at him. Cursing under his breath, humugot ulit siya ng hangin.

“I’ll take you there through motorcycle, ilang oras ba ang meroon tayo?”

Nanatiling makalusaw lead ang tingin nito sa kanya, for a moment, akala niya titirahin siya nito ng energy blast sa kapangahasan niyang imungkahi na may maitutulong siya rito. But as it turned out, may mga bagay na mas mataas sa priority list ng Isoff National Defense Captain kaysa sa pride nito, and saving other people seemed like one of those.

She glared even more at him.

“Approximately two hours.” She spat. “ Kailangan nating makarating doon bago ‘to makarating sa fault line kung saan marami ng mga tao.”

Humugot ulit siya ng hangin at muli itong giniya papunta kung saan naka-park ang kanyang Harley Davidson.

“Two hours it is.” He said grimly.

Here is good.”

Mabilis niyang tinapakan ang preno ng Harley para patigilin ito. Halos hindi pa tuluyang nakakaimbis ang motor nang bumababa ang dalaga. Nakatuon ang mga mata sa screen ng silver gadget nito,  tuloy-tuloy si Megahn sa paglalakad nang hindi man lang siya nililingon. Cursing under his breath, pinatay niya ang makina at sinundan ito.

“That’s private property, hindi ka p’wedeng basta pumasok d’yan.”  Pigil niya rito sa akmang pag-akyat sa may kababaang fence.  Hula niya, deni-develop ang malaking bakanteng lote para gawing subdivision.

“May fault line sa ilalim nito, this is the best place to stop the seismic wave, kapag nakalagpas dito, marami ng tao at infrastructure ang madadaanan ng earthquake. It’s a plus na walang tao rito at walang makakakita sa ’tin.” Hinila nito pabalik ang kamay saka walang hirap na inakyat ang fence. Cursing again, sinundan niya ulit ito.

“How many more minutes?” He asked, nanatiling nakatuon ang tingin nito sa screen ng gadget habang naglalakad.

“Two and a half at magsisimula na ang major sliding sa epicenter. It would take one minute and forty-eight second bago ‘to makarating dito.” Huminto ito at lumuhod sa damuhan, sa paligid nila, may mangilan-ngilang puno na tumatabing sa kanila, but there was enough open space to accommodate at least ten six by six army truck.

“How are you going to stop it?”  Tanong niya pagkaraan.

Binulsa nito ang silver gadget at naglakad papunta sa isang side ng clearing.

“Seismic waves are generated by the release of energy stored in rocks clustered around a fault, it’s an energy like chemical energy, mechanical energy, sound energy, etcetera. And just like all other forms of energies it can be converted into other forms.”

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon