Chapter 14

98 1 0
                                    

Sinandal ni Ranz ang motorcycle sa parking space ng apartment complex.

Mabilis siyang tumakbo papunta ng pinto at binuksan iyon. Pagkabukas ng pinto, sinuyod niya agad ng tingin ang kabuaan ng bahay. Matapos ang ilang segundo, napahugott siya ng hangin at nahilot ang sentido. Wala pa rin kahit anino ng Isoff captain.

He found himself gritting his teeth.

Fine. Ano bang pakialam niya kung saan ito pumunta? He didn’t care, dammit. Tinungo niya ang banyo at nang isara ang pinto noon, hindi niya napigilang ibagsak ‘yon ng malakas.

He stripped and turned the shower on. Tapos, nahagilap ng mga mata niya ang shampoo ng dalaga. Hindi alam ni Ranz ang brand no’n, hula niya galing ito sa Isoff. Naningkit ang kanyang mga mata habang matalim na tinititigan ang walang kalaban-laban na shampoo bottle. Hinaklit niya ‘to at binuhos sa palad ang halos kalahati ng laman ng botelya. The scent of lilies and rose waters floated inside the small bathroom.

Hmph. Grumble niya sa sarili. Pagbalik ni Megahn, hindi niya kasalanan kung naubos na niya ang shampoo nito. Kasalanan nito iyon dahil hindi ‘to bumalik agad. Who told her to disappear this long without even telling him anything? The nerve. He furiously scrubbed the frangrant liquid on his hair.

Matapos mag-shower dumirecho siya sa art studio at binagsak ang katawan sa couch. Ayaw niyang humiga sa kanyang kama. Kapag doon siya natulog, parang normal na ulit ang lahat, parang bumalik na ulit ang mga normal na araw nung wala pa si Megahn.

Matama niyang pinagmasdan ang painting ng dalaga sa kabilang end ng art studio.

The huge canvas was plastered securely against the wall. Tapos na ito nung isang araw pa, natapos niya ito nung araw na umalis si  Megahn.

Tumunog ang kanyang cellphone. Napabalikwas siya ng upo at hinagilap ‘to mula sa side table. Nang makitang text message lang iyon ng isang kaibigan, parang nauupos na kandilang napahiga siyang muli sa couch. Tinabing niya ang braso sa mukha at mariing pinikit ang mga mata. Lumalim ang kanyang paghinga.

Tapos, unti unti, napakuyom ang kanyang mga daliri sa isang unan, at sa bugso ng samu’t saring damdaming hindi niya kayang pangalanan, pabalang niyang hinagis ang unan sa painting ng dalaga.

“Cut!” The slate snapped shut kasabay ng pagsigaw ng director.

“That’s a good take.” Puri ng batang director kay Ranz at sa mga kasama niyang modelo.

“Direk magpahinga ka na muna, kanina ka pa mukhang namumutla.” Baling ng PA sa director nila. That was true, napansin nilang lahat na mukhang hindi maganda ang pakiramdam ng director nila kanina pang umaga.

“Yes, sige guys, we’re finished for today. Next next day na ang sunod na photo shoot.” Sabi nito, smiling weakly at them to show that he’s OK. Mabilis na bumalik si Ranz sa dressing room, ni hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng kapwa mga modelo.

Pagdating sa dressing room kinuha niya agad ang cell phone sa bag. He flipped it open.

“Shit.” Mura niya nang makitang puro miss calls, voices messages at text messages lang ng ina ang nasa phone. Mabilis niyang flinash dial ang numero ng dalagang tatlong araw na niyang sinusubukang tawagan. Nang operator ang muling sumagot sa kanya, lumabas ang litanya ng mga malulutong na murang siguradong ikahihimatay ng kanyang ina kapag narinig na lumalabas sa bibig niya.

“Where the hell are you?” Asik niya ng matapos magsalita ang operator. Nahilot niya ang noo. “Call me, it’s rude to leave without even telling me where you went. You don’t leave people just like that. Don’t mess with me, alam kong hindi ka pa bumabalik sa Isoff. I can sense your energy, ‘wag kang mang-asar.” He shut the clamp shell phone a lot harder than necessary.

Paulit ulit siyang nagpalakadlakad sa dressing room. Tapos, huminto siya sa gitna ng k’warto, pumikit at nag-concentrate maigi para maramdaman ang energy ni Megahn.

Huminga siya ng malalim, hinayaang niyang maging kalmado ang tibok ng puso habang iniisip ang dalaga. He’s been doing this a lot lately. Nag-research siya ng mga meditation at visualization technique kung paano makasagap ng energy ng tao. Nalaman niya na lahat ng bagay na may buhay, sa molecular level ay naglalabas ng enerhiya. Sa energy na ito, may impormasyong nakaukit tungkol sa entity na naglabas noon. Kung itutuon niya ang sariling energy frequency para mag-synchronize sa energy frequency ng dalaga, magre-resonate ito at mate-trace rin niya ang pinanggalingan.

So far, ang kaya niya lang gawin ay makakuha ng mahinang signal mula rito. It’s like a very chappy radio signal. Andoon pero masyadong garalgal para maintindihan.

He concentrated further. Sa katawan ng tao, ang puso ang naglalabas ng pinakamalakas na electromagnetic energy. Ito ang maglalabas ng energy field na maaring makasagap sa energy field ng iba. Inutusan niya ang pusong maging kalmado habang iniisip niya ang dalaga. The calmer and more concentrated he was, the better chances he had with resonating with her energy.

He imagined her smiling, frowning, scowling, bitting her lower lip, touching her collarbo—UH-OH. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi. He was sooo not going there right now. Napamura siya sa sarili.

Mabilis niyang pinutol ang mga rated R images ng dalaga sa isip at binalik sa mas ligtas na imahe ni Megahn. Matapos ang matinding konsentrasyong nagpatanda ata sa kanya ng sampung taon, naramdaman niya ito.

Pinilit niyang panatiling kalmado ang puso nang maramdamang nagdadaupang palad ang kanilang enerhiya. Hind siya p’wedeng mawalan ng focus dahil mawawala ito. Lumakas nang lumakas ang nasasagap niyang energy signal nito.  Hindi kagaya nung mga nakaraan niyang subok, mas malakas at mas klaro ang nararamdaman niyang presensya ng dalaga. Dalawa lang ang ibig sabihin noon, either naging henyo siya o malapit lang ang dalaga. Although gusto niyang isiping naging instant henyo siya, mas malaki ang posibilidad na malapit ang dalaga.

Lalo siyang nag-concentrate. Lalong lumakas ang energy wave na naramdaman niya. Malapit lang si Megahn, sigurado siya roon. Tila manipis na mga pising tinatangay ng hangin ang energy wave nito, nanunuksong dumadampi sa kanyang balat. Hinabol niya ito.

Tumakbo siya palabas ng dressing room papunta sa hallway. Dumami at kumapal ang pisi ng enerhiya nito hanggang sa matipon ang mga iyon mula sa likod ng isang pinto.  They flew like hundreds of ribbons streaming in the air from all sides of the closed door.

Humihingal siyang huminto sa tapat ng nasabing pinto. Hindi na siya nag-abalang tignan kung kaninong pinto iyon basta binuksan na lang niya ito.

“Megahn!” Ang lapad ng ngiti niya nang buksan ang pinto, pero agad na nawala iyon nang tumambad ang eksena sa harap. Parang may torong bumanga sa kanya, naging imposible ang paghinga sa loob ng ilang segundo.

There, sa gitna ng kwarto, nakayuko si Megahn at hinahalikan ang director nila. Ranz saw red. He lunged forward and grabbed Megahn’s arm away from the despicable director.

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING!” Nakakamangha na hindi napatid ang litid niya sa lakas ng kanyang sigaw.

“Ranz!” Tila na gulat ito ng makita siya. Humigpit ang hawak niya sa kamay nito at hinila ito palabas ng kwarto.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon