Chapter 15

73 0 0
                                    

“Ranz ano ba——” protesta nito pero hindi niya to pinakinggan. He dragged her back to his dressing room.  He needed to get out of there fast, hindi niya alam kung bakit, he just knew he had to, else, he had a feeling he might do something very drastic, like spontaneously combust their director to ashes. Base sa mga nakita niyang kaya niyang gawin at sa white-hot anger niya ng mga oras na ‘yon, hindi malayong matusta nga niya ang batang direktor.

“What the hell was that!” He roared nang makarating at masara ang sariling dressing room. Marahas nitong hinaklit ang braso pabalik. “Why in the world are you kissing that bastard!” Ang tanong niya bago pa makasagot ang dalaga.

“I wasn’t kissing him!”

“You were!” Parang batang giit niya, kulang na lang magpapadyak siya sa inis at perfect picture na siya ng isang spoiled brat. Megahn rolled her eyes.

“That wasn’t kissing, dumbass! Delikado ang lagay nung tao, napadaan lang ako sa pinto niya at naramdaman ko kaagad ang kritikal na energy level niya. He had low blood pressure at anemic siya, he needed relief fast or he could have died! I merely transferred some of my energy——! ”

“Don’t do that.” Giit pa rin niya with the same intensity. “You can’t kiss people just because of that!”

“Ano ka ba! Transfer of energy ‘yon, that’s natural in my world——!”

“Not in my world!” Isang blast ng malakas na enerhiya ang di niya napigilang sumabog mula sa kanya. Natamaan noon si Megahn at ang mga gamit sa paligid nila. Marahas nitong hinagis ang dalaga palipad sa isang dingding.

“SHIT! MEGAHN!” In nanoseconds nasa tabi na siya nito. Naramdaman niya ang malamig na pawis dahil sa nagawa.  “ I’m sorry I didn’t mean to!” He said desperately. God, did he hurt her? Please no. “Megahn——”

“You…” parang boses mula ng impiyerno ang tinig ng dalaga.

Ranz froze. Kilala niya ang tinig na iyon.

Lalong dumami ang malalamig na pawis ng binata pero sa pagkakataong ito, iba na ang dahilan. Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

“Sandali, Megahn,” awtomatiko siyang napaatras sa dalaga. Parang maiitim na ulap na namuo ang masasamang enerhiya sa paligid ng Isoff Captain.

“YOU…” para itong si Sadako habang dahan dahang tumatayo, nakatabing ang nagulong buhok sa mukha.

“Wait! Megahn! Maghunus dili ka! I didn’t meant it——!”

“YOU RUINED MY HAIR!!!” A blast of concentrated energy sampung beses na mas malakas sa napakawalan niya kanina ang bulls eye na sumapol sa kanyang tiyan. Hinagis din siya ng puwersa nito sa isang dingding.

“Shit.” He growled. “Dammit Megahn, hindi mo kailangang gawing gano’n kalakas.” Angal niya rito. Hanggang ngayon namamangha pa rin siya kung bakit buhay pa siya.

Nakatayo ito at nakapamaywang habang siya nakaluhod at iniinda pa ang tiyan na tinira nito. Nang magtaas siya ng tingin, nakita niyang balik na ulit sa dati ang shiny black hair nito.

She can really be a bitch sometimes.

“Alam mo ba kung gaano ka delikado ang ginawa mo?” Sermon nito sa kanya. “ ‘Wag na ‘wag mong hahayaang mawalan ng control sa emosyon mo nang gano’n!” Ranz glared at her.

“HUH!” Snort niya, umayos na siya ng upo. “Look who’s talking! At least ako may excuse. Ikaw sinadya mo ‘yon!” Mabilis niyang sinipat ang kabuuan ng dalaga. He was very pissed yes, pero hindi niya maitatanggi na nakahinga siya ng maluwag at walang nangyaring masama rito. Then naalala niya ang pinagtatalunan nila. “Oo nga pala yung tungkol sa halik.” By now nagawa na niyang tumayo kahit medyo nahihirapan pa. “Seryoso ako——”

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon