Chapter 17

79 0 0
                                    

Lumamlam ang mga mata ng Isoff Captain. Megahn never felt true pain in her whole life before. Sa Isoff lahat kontrolado. Lahat nakaplano. Walang naghihirap, walang nagiging miserable kagaya sa mundo ni Ranz. Pero dahil hindi sila nakaramdam ng tunay na sakit, kahit kailan, hindi rin sila nakadama ng tunay na kaligayahan. Only people who knew true pain were the only people capable of feeling true happiness.

Marahil, tama na bigyan ng pagpipilian ang tao, marahil, tama na hayaan silang magkamali, masaktan, mahirapan. Sa ganoong paraan marahil, mas nagiging malakas sila, sa ganoong paraan marahil, maas nagiging totoo ang kaligayahan nila.

Binalik niya ang mga mata sa binata.

Kahit kailan, silang mga Isoffs, hindi nila mararanasan ang totoong kaligayahang nararamdaman ngayon ng binata. Hindi niya napigilan ang pagngiti habang nakakatitig sa binata.

He looked so handsome in that dark polo. Pinagmasdan niya ang enthusiasm nito habang nakikipag-usap ito sa mga kapwa artists. Matagal niyang tinitigan ang lalaki.

Inukit niya ang nakangiti nitong mukha sa kanyang isip para kahit uugod-ugod na siya, hindi pa rin niya ito makakalimutan. She would always remember Ranz Kyle Saavedra. Hindi niya kakalimutan ang katigasan ng ulo nito, ang nakakabuwisit na lakas nito, ang nakakairitang determinasyon nito, ang nakakatureteng paniniwala nito.

Hindi niya kakalimutang mahal niya ito.

Matapos ang matagal na sandali, tumalikod na siya at naglakad palabas sa exhibit hall, palabas sa buhay ni Ranz, palabas sa mundo nito.

Agad itong naramdaman ni Ranz. Naramdaman niya nang napigtal ang pising nagkokonekta sa kanya kay Megahn. Parang marahas itong hinila mula sa kanya at bago pa siya makakurap, wala na ito. Gone without even a single trace as if it was never really there.

Sa loob ng ilang sandali, hindi siya makapagsalita, hindi siya makagalaw, ang tangi lang niyang nagawa ay ang huminga. She’s gone. Hindi na niya maramdaman ang energy field nito.

Parang may sariling buhay na gumalaw ang mga paa niya papunta sa pinto, nanlalaki ang mga mata niya pero wala siyang nakikita.

“Ranz,” may humawak sa braso niya pero hindi niya napansin. Lahat ng senses niya tila natigil sa paggana.  Hindi niya napansin na nag-blink ang mga ilaw sa buong exhibit hall, hindi niya napansing nag-spark, pumutok at lumiyab ang ilang mga wires sa kisame. Hindi niya napansin na nagsisigawan at nagtataknuhan na ang mga tao sa paligid niya.

“Ranz!” May humawak sa braso niya, ”Let’s get out of here!” Hinila siya ng isang lalaki pero hindi pa rin niya ito pinansin.

“Ranz ano bang nangyayari sa ‘yo!”  Niyugyog siya nito at kahit papaano, ilang porsyento ng utak niya ang bumalik sa katotohanan. His eyes snapped around him. Doon niya na-realize ang nagawang pinsala sa lugar.

He breathed in roughly and closed his eyes tightly. Pinilit niya ang sariling maging kalmado. It was hard. Mahirap isipin ang kaligtasan ng ibang tao kapag sarili mo mismo, di mo alam kung paano mo sasagipin. Matapos ang ilang sandali natigil ang pag-blink ng mga ilaw at pagputok ng mga wires. Muli siyang huminga nang malalim, nanginginig ang mga darili na nasuklay niya ang buhok. Nang masigurong ligtas na kahit papaano ang lugar, he bolted out of the place.

Ranz was never very good at controlling his emotions. When he’s angry he lashed out, when he’s really happy he grinned like a kid, when he’s unhappy he sulked shamelessly. Kaya ang manatiling kalmado, kahit na gusto niyang sumigaw, magbasag at magwala ay isang napakahirap na bagay sa kanya.

Kagaya ng mabilis at marahas na pagtibok ng kanyang puso, patuloy rin sa eratic na pag-spark at pag-blink ang mga ilaw sa loob ng kanyang bahay. Kung sino man ang mapapadaan sa labas ng bahay niya ngayon, matatakot at aakalaing nasasapian ng mga masasamang ispirto ang kanyang apartment.  He closed his eyes tightly.

She’s gone. Sigurado iyon. Nasa Isoff na ito, sigurado rin iyon. Ngayon paano siya pupunta roon? Paano ba siya pupunta sa isang planetang isang daang bilyong light years ang layo sa planeta niya?

“Dammit!” He yelled. Pumutok ang ilang bumbilya sa loob ng studio. May maliliit na kidlat din na biglang gumuhit sa hanging malapit sa kanya. She was so unfair! How could she do this? Lagot talaga ito kapag nakita niya. And he will see her, damn her.

Muli siyang huminga ng malalim. Fine, nasa ibang planeta na ito. Fine, sobrang layo noon kaya hindi na niya maramdaman ang energy pulse ng dalaga. Pero hindi ibig sabihin noon wala na ang energy field nito. Kung magko-concentrate siyang maigi, sigurado siyang mahahanap at masasagap pa rin niya ang energy field ni Megahn kahit sampung libong light years pa ang layo nito sa kanya.

He will find her and he will see her.

Hahanapin niya ito kahit sa Supernova pa ito magtago.

aptain Sevilla? Captain Sevilla?” Napakurap si Megahn at napatingin sa lalaking nasa kanyang harap. Ito ang guard sa Isoff National Defense Building.

“Bakit?” Tanong niya rito.

“ Alas kinse na po, hindi pa po ba kayo uuwi?” Napakunot noo ang dalaga at sinulyapan ang relos. Tama nga ito. Alas-kinse na nga ng hating gabi. Hindi kagaya ng planetang earth, binubuo ng tatlumpung oras ang isang araw sa Isoff. Kaya imbis na alaskwatro o alasingko ang labas sa mga trabaho, ala-siyete o alas-otso ang sa kanila. But even for Isoff’s working standards, masyado nang gabi ang uwi ni Captain Megahn. Sa mga oras na ito, wala ng tao sa mga kalsada ng Isoff dahil may curfew sila. Mga kagaya lang niyang mataas na Opisyal ang may permisong magtagal nang ganito kagabi kapag hinihingi ng trabaho.

Mabilis siyang tumayo at inayos ang mga gamit.

“Sige, salamat.” Ang matipid niyang tugon sa guard saka nilisan ang opisina. Nang makalabas ng gusali, napabuntong hininga ang Isoff Captain. Lumilipad ang kanyang isip kaya hindi niya namalayan ang oras. Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang dumadalas mangyari iyon. Piniksi niya ang ulo, nilabas niya mula sa bulsa ang isang cube at hinagis iyon sa harapan.

“Expound.” Utos niya bago pa humalik sa lupa ang nasabing cube. Bigla, lumabas na parang mga ahas ang libo-libong kable mula sa maliit na cube. The long, thin, hard, steel wires rapidly entwined and melt themselves together to form a small, smooth, silver car. Awtomatikong bumukas ang pintuan ng kotse nang ilang sentimentro na lang ang layo niya rito. May sensor kasi ito para idetect ang energy wave ng may-ari nito. Pumasok siya sa loob.

“Home.” Utos niya muli. Awtomatiko ring umandar ito.

Walang buhay niyang pinanood ang dinadaanang kapaligiran. Tahimik na tahimik ang maluluwag na kalye ng Isoff. Walang mga bahay sa kapaligiran, tanging mga ilaw lamang galing sa steet lights ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Muli, lumipad na naman ang kanyang diwa. Lumipad ito sa isang binatang isang daang bilyong light years ang layo sa kanya.

It’s already been twenty five earth days since she came back to Isoff. Nang tanungin siya ng kanyang mga superiors kung bakit di niya kasama si Ranz, sinabi niyang walang potential ang binta. Sinabi niyang hindi bagay ang binata sa Isoff. Isoff soldiers belong to Isoff. Ranz can only belong to himself.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon