Chapter 10

68 1 0
                                    

“It’s such a shame ano?” Parang anghel ang inosenteng mukha nito. “Ni hindi ka man lang nanalo kahit special award? Ano kayang ibig sabihin noon Ranz, hindi kaya wala ka talagang talent sa pagpipinta?” Nagkunwari siyang di naririnig ang dalaga, he just continued furiously rubbing paint on his humungous sketchpad.

“Ilang beses ka na ngang sumali sa APP? Ah yes, apat na di ba? Pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nasasama kahit sa low prizes———”

“ Who said it’s about winning?”  Pinatili niya ang tingin sa sketchpad. “It’s not about winning it’s about the experience. It’s about learning new things.”

“Pfftt!” snort ng dalaga. “ Clearly yung taong nagsabi niyan hindi nanalo.” Binagsak ng dalaga ang katawan sa couch malapit sa pinto ng art studio. Against his better judgement, tinaas niya ang tingin sa dalaga. She was languidly reclining on her back at the soft couch. Her long black hair was drapped at the back of the white sofa, one of her arms was comfortably behind her head, he had a good view of her face from where he was sitting. In seconds, natagpuan na lang niya ang sariling nililipat ang page ng sketchpad at ginughit si Megahn.

“ Gano’n ba ang lahat ng bagay sa ‘yo? Winning?” Narinig niyang tanong niya habang sinisimulang i-out line ang mukha at katawan ng dalaga.

“Of course! ‘Yun naman ang goal sa pagsali sa kahit anong bagay di ba? Ang manalo?”

“Don’t you do anything for fun?”

“ That’s selfishness. I’m an Isoff captain, lahat ng ginagawa ko para sa Isoff nation.”

Matama niya itong tinitigan. Napakunot noo ito dahil sa pagtitig niya.

“What?” She snapped at him. Iniwas niya ang tingin dito at binalik sa sketchpad.

“Nothing.” He muttered. Tapos, sinulyapan niya ulit ito. “Puro na lang Isoff ang lumalabas sa bibig mo. Iyan lang ba talaga ang nasa isip mo? Wala ka bang ibang life kundi Isoff?” Akala niya isang malutong na oo ang mabilis nitong isasagot, after all, Megahn was always so sure of herself, kaya nagulat siya nang tila natigilan ito.

Napakunot noo siya, nag-tensed ang katawan ng dalaga, bumilis sa paggalaw ang kamay niya para makuha iyon sa larawan. Siguro hindi alam ni Megahn pero minsan, kitang kita ang emosyon nito sa body language at facial expression nito. Hindi nito sinagot ang tanong niya at hindi na rin niya ito kinulit. Natahimik ito, nakakunot noo, as she absentmindedly touched her collarbone again, patuloy niya itong ginuhit. Then nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at tila nanigas sa couch.

“ Ranz…!” nagulat siya sa narinig na panick sa boses nito.

“ What’s wrong?” Napatayo siya sa kinauupuan sa harap ng canvas holder bago pa niya namalayan.

“ Paalisin mo ’yan!” Bigla itong napatalon at tumayo sa ibabaw ng couch. Namumutla ito, malalaki ang mga mata sa takot, awtomatikong napadako ang mga mata niya kung saan ito nakatingin. What could possibly scare the living day lights out the Isoff Captain? Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot din. Wala siyang nakitang kakaiba roon sa may pintuan kung saan nakatingin ang dalaga. Then his eyes went down. Napakunot noo siya.

“Megahn what’s wrong?” Now he’s really worried. “Pusa lang naman ang and’yan ah—”

“ Pusa nga!!!” She screeched. “May pusa! Tanggalin mo ’yan! Get it out! Get it out!” Nag-meow ang pusa at naglakad papalapit sa sofa. Malakas na sumigaw ang dalaga. Nalaglag ang panga ni Ranz.“Ivaannnn!!! Ano ba tangggalin mo ang pusa!” Parang batang nagpapadyak ito sa sofa habang hysterical na nakaturo sa maliit na pusa.

It would have been laughable if she didn’t look so scared. Sa kung anong dahilan, ng mga oras na ‘yon, di niya magawang inisin o tawanan ang dalaga. Kung tutuusin moment na niya ‘to, payback for all the times she tortured him. And yet he couldn’t make fun of her now. Not when she’s trembling and so close to tears. Malalaking hakbang na nilapitan niya ang pusa bago pa ito makalapit ng tuluyan sa sofa.

“Throw it out! Throw it out!”

Siyempre hindi niya ito tinapon, nilabas niya lang ‘to ng bahay at pinalayo. Mukhang, naiwan kasing nakabukas ang pinto kaya nakapasok ang pusa. Nang makabalik siya sa studio defensive na nakatayo pa rin si Megahn sa couch.

“ Wala na yung pusa.” Simple niyang sabi.

“ Are you sure?” Mukha itong batang nagtatanong kung wala na si Bogeyman.

“Yup. Positive.” Nang mag-relax ang dalaga, hindi niya napigilan ang mapangiti. Napansin nito iyon kaya tinapunan siya ng masamang tingin. Lalong lumuwag ang ngiti niya. That’s much better. A glaring and angry  Megahn was indeed better than a crying and scared Megahn. “Ouch. Is this how you treat your savior?”

Tumalim lang lalo ang tingin nito saka padabog na umuyos ng upo sa couch.

“Bakit takot na takot ka sa pusa?”

“Lahat naman ng tao may kinakatakutan, di ba?” Glared nito sa kanya.

“Right.” Ang matipid niyang sagot at bumalik na sa ginagawang drawing. “Eh ba’t di mo na lang pinadala sa after life yung pusa, it’s not like hindi mo kayang gawin ‘yon.”

“Gustuhin ko man hindi pwede. I’m strictly forbidden to hurt any human or animal.”

Natigilan siya. “Eh anong tingin mo sa ‘kin?” Freaked-out niya, surely, nasa category pa rin naman siya ng humans, di ba?

Nagkibit balikat lang ito. “You’re a different case. Ang utos sa ‘kin gamitin ang kahit anong method para dalahin ka. So allowed ang violence sa ‘yo.”

Nag-flash sa binata ang lahat ng pagkakataong tinakot siya nitong papasabugin ang kung anong lugar, all the while bluff lang pala ‘yon! Then nag-flash din sa kanya ang lahat ng pagkakataong tinira siya nito ng energy blasts. Naningkit ang mga mata niya. Nang mga oras na iyon, seryosong pinag-isipan ni Ranz na kunin muli ang pusa at itapon sa mukha ni Megahn.

“Good, tilt your head a litte, great, hold that pose, yes, great!” Puri ng photographer kay Ranz habang kumukuha ng mga litrato. ”Great job everyone!” Sabi nito matapos ang pagkuha ng mga larawan.

“You don’t look very good pare ah.” Puna sa kanya ng isa sa mga kasamahang modelo. Nahilot niya ang masakit na ulo.

“Oo nga eh, buti nga hindi halata sa photos.” Naglakad na sila papunta sa dressing room. Pagdating doon, kinuha niya ang water bottle sa duffel bag pati ang fever medicine at ininom iyon. Naulanan kasi siya nung isang araw, dagdag ang pagod at kawalan ng tamang tulog, depression at stress sa pagkatalo sa APP, lahukan pa ng isang bayolente at feeling mightier-than-thou Isoff Captain, ayun, swak na swak ang mga ingredients para sa recipe ng isang trangkaso.

Matapos magbihis, dumirecho na siya sa lobby. Mula sa salamin ng building, nakita niya si  Megahn na nakatayo sa labas kung saan naka-park ang motorcycle niya. She was leaning casually against the vehicle. Nakatingin ito sa may kanan so he had a good view of the left side of her pretty face. He walked towards her.

Papalubog na ang araw at umuulan ng kaunti. Her snow-white skin contrasted heavily against her dark clothes. The bloodied sunlight caught at her raven black hair as the soft drizzles kissed her porcelain skin. The scene seemed ethereal. Sun and rain reveled Megahn as light and darkness fought in the twilight sky.

His breath caught at his throat. Instantly, gusto niyang lumipad pauwi para iguhit ang eksena sa harapan niya. But at the same time, he also wanted to just stand there and watch her. Something made her turn her face and their eyes met.

Hindi ito ngumiti sa halip sumakay lang ito sa motor at nagsuot ng helmet. Nagmamadali siyang naglakad papalapit dito.

Nang makarating sa bahay agad siyang nagtungo sa studio. Ni hindi na siya nag-abalang palitan ang basang damit. The thing with inspiration was that, kapag dumapo ito sa ‘yo, kailangan mo itong sungaban dahil kapag lumipad ito palayo, kahit magwala ka pa at iumpog ang ulo, mahihirapan ka nang makita ito ulit.

He started painting non-stop. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nagpinta. Gumalaw ang mga kamay na para bang may sariling buhay ang mga ito. Nakalimutan niya ang oras, nakalimutan niyang nilalagnat siya, nakalimutan niyang hindi pa siya kumakain o na kailangan na niyang matulog. Nang umupo siya sandali at hinilig ang ulo sa braso para ipahinga sandali ang mata, hindi niya namalayan na nakatulog pala siya.

Defying Destiny - COMPLETE :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon