Kabanata 2

33 1 0
                                    

Pag dating namin sa Moon Records ay nakakita ako ng dalawang malalaking bus at tatlong van. Hula ko naman na iyong dalawang bus ay air conditioned. Sakto lang din yung pagdating namin dahil nagtatawag na sila ng mga pangalan para makasakay.

Nung mailabas na lahat ng aming gamit sa kotse nina Jill ay saktong tinawag yung mga pangalan namin ng sunod-sunod. Pumasok naman kami agad sa bus.

Dalawang seats lang kada row kaya may isa sa amin na mahihiwalay.

Narealize ko namang nahuhuli pala ako sa aming tatlo kaya napa sambit naman ako ng hindi kaaya aya nung pina-upo ako ng nag gaguide sa likod ng mga kaibigan ko. Tinawanan lang naman ako nina Jill at Kylie.

"Good luck diyan, Cel. Kausapin mo nalang makakatabi mo ha?" Tukso ni Kylie ng may nakakalokong tingin at ngiti.

I rolled my eyes and crossed my arms in front of me at naupo ng komportable while glaring at them.

"Wag ka nga, Ky. Mamaya't gwapo pala ang makakatabi niyan, baka makipag palit ka lang sakanya." Jill said while grinning.

Umakto naman akong tumatawa na parang witch with no sound. Natawa lang sila sa akin at humarap na.

Kinuha ko nalang yung phone at earphones ko sa bag at nag browse kung ano ang pwedeng pakinggan sa aking playlist.

Pinindot ko naman yung kanta ni Nelly na Ride Wit Me.

Noong una pa tong kantang to pero hindi ako nagsasawang pakinggan. Palagi akong naiindak tuwing naririnig ko ang kantang to.

While waiting na mapuno yung bus ay nakinig nalang muna ako.

"If you wanna go and take a ride wit me..." kanta ko habang nakatingin sa labas.

Napansin ko naman na parang may umupo sa tabi ko. Nahagip muna na aking mga mata ang dalawa kong kaibigan na may mga sariling mundo at nakikinig din sa music bago ko tignan yung naupo sa tabi ko.

Pagtingin ko naman sa tabi ko ay bigla nalang akong nakaramdam ng awkwardness. Lalake yung naupo sa tabi ko at naka headphones siyang red with a dark blue beanie underneath it. Napatingin din siya sa akin nung tignan ko siya. Pero hindi niya naman ako pinansin at sinandal nalang yung ulo niya sa upuan niya at nag cellphone.

Nagkibit balikat nalang ako at napasambit ng, "Okay." habang tumitingin na sa labas.

After two songs ay napuno na rin sa wakas yung bus.

May nag announce ring aalis na kami dahil napuno na rin yung isang bus at tatlong van.

Nag play na yung kantang Middle sa phone ko nung may kumuha ng atensyon naming lahat. Kinuha ko muna yung earphones ko sa tenga.

"Good morning guys!" Masayang bati nung lalakeng naka megaphone sa harap namin.

"Good morning!" Bati namin pabalik.

"So ngayon, pupunta na tayo sa Blue Sky Camp and Retreat. From the city ay mga 4-5 hours yung biyahe by bus. Pero kung nasa van tayo ay more or less 3 hours lang. Ngunit nasa bus tayo kaya medyo matatagalan pa." He said with a chuckle.

"Ako nga pala si Kuya Markus niyo. Isa ako sa mga nag fafacilitate sa workshop na to. And I am here in front of you para i-discuss ang mga mangyayari sa loob ng isang buwan.

Sa bus na to ay nandito ang tatlong talent. Nandito ang singing, guitar ang piano. Ang piano ay ang mga nasa front since mga 25 lang sila. Ang guitar naman ay nasa middle with 34 students. At yung kalahati ng singing ay nasa likod. Yung ibang students sa singing ay nasa kabilang bus with the rest of the dancing students. Ang nandun naman sa tatlong van ay ang ibang facilitator ng workshop at camping."

Maraming pang sinabi si kuya Markus. Nabanggit niyang sa mga retreat houses kami tutuloy. Sa isang retreat house ay mga 10 students. Nabanggit niya rin ang mga rules and regulations ng workshop.

Half-day lang pala yung workshop every talent. And during workshops, no cellphones allowed, unless sinabihang kailangan mag tune ng gitara. Sa afternoon naman ay ibang activities ang gagawin namin. Hindi pa nabanggit kung anong mga activities since surprise daw. At ang pinaka strict rule nila ay ang bawal lumabas nga Blue Sky unless emergency or permitted by the facilitators. Tsaka may recital din kami pero wala daw permanent date.

Nabulabog ako sa pakikinig kay kuya Markus nung makita ko yung katabi kong busy sa paglalaro ng Loop.

Nashock ako dun since kaunti lang ang kilala kong naglalaro nun at since meron din ako sa phone ko.

Nakatingin lang ako ng pasikreto sa laro niya. Bumilib naman ako nung level 709 na siya at ang bilis niyang mapasa yung level.

Gusto ko tuloy maglaro kasi mga level 237 palang ata ako nun pero baka sabihin niyang copy copy ako sakanya.

Kaya nakinig nalang ako ulit ng music since tapos na rin namang magsalit si kuya Markus sa front.

Hindi ko nga alam kung ano yung last niyang mga sinabi. Tatanungin ko nalang mamaya dalawa kong kaibigan. Sana naman nakinig din sila.

Nag play naman bigla yung One Day ni Matisyahu.

"Sometimes I lay under the moon..." sinabayan ko yung music. "And I thank God I'm breathing."

Hinawi ko ng kaunti yung kurtina sa tabi ko at tumingin sa labas. Ang sarap talagang mag travel lalo na't sa panahong maganda. Ang ganda tignan ng kulay asul na langit kasama ang kulay asul na dagat. Ang ganda rin tignan ng mga punong nadadaanan namin at ang mga maliliit na bahay kasama ang mga mumunting pamilya na nasa labas ng kanilang mga bahay.

Ganitong mga tanawin ang palagi kong habol tuwing nagtratravel kaya minsan, hindi na nga ako nakakatulog sa buong biyahe dahil nasasarapan akong tumingin lang sa labas.

"So when negativity surrounds..." patuloy ko sa pagkanta. "I know someday it will all turn around."

Naudlot naman yung pagkanta ko nung may naramdaman akong tumatapik sa braso ko. Napatingin ako sa tabi ko.

"Uh... pwede bang pakibitawan yung kurtina? Gusto ko sanang matulog kaya lang masyadong masilaw." sabi nung katabi ko. Tinuro niya yung kamay kong nakahawak sa kurtina at inangat ng kaunti yung gilid ng kaniyang labi, trying to make a small smile.

Narinig ko naman yung sinabi niya pero di ko naiwasan hindi idescribe yung mukha niya.

Ang haba nung eyelashes niya for a guy. Medyo light brown naman yung mata niya. Tsaka medyo ring matangos yung ilong niya. Ang kinis nung pisngi niya pero may kaunti siyang pimples sa sides ng forehead ng hiya. Mapula pula naman yung labi niya at wala akong may nakikitang balbas sa chin niya kahit yung mga patubo palang. Medyo chubby din yung cheeks niya pero hindi naman siya round face. Yung eyebrows naman niya, medyo thick tapos may kaunting siyang eyebags under his eyes--

"Kung okay lang naman sa'yo, hindi naman kita pinipilit." Nagsalita ulit siya at nagtry ngumiti ng kaunti. Ang awkward namin.

Napabitaw naman ako sa kurtina ng medyo sudden na ikinagulat niya.

"Ah, hindi, okay lang. Sorry kung naistorbo kita sa tulog mo." Sabi ko at nagtry ding magsmile kahit kaunti lang.

And as if on cue, sabay namang napatingin yung dalawa kong kaibigan sa amin. Pinanlakihan ko sila ng mata, trying to send them something. Binalik ko nalang agad yung earphones ko sa tenga ko at nakinig kay Ed Sheeran sakanyang Give Me Love. Himala namang nakatulog ako.

Celestine And Her SummerWhere stories live. Discover now