Kabanata 8

12 1 0
                                        

Francis Allen's POV

"Saan ka ba nanggaling, Al? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Lester sakin nung makabalik na ako sa cottage namin.

"Lumabas lang ako sandali para sana hanapin yung pick ko dun sa conference room pero may nakapulot naman pala. Nung papunta na ako dun, isinauli niya naman." Paliwanag ko habang may tinitignan sa phone ko. Nagtext si mama, nagtatanong kung kumain na ba ako ng lunch. Nagreply nalang ako ng opo.

"Sino ba nakapulot?" Tanong ni Lester habang nakaupo na parang nakahiga dun sa higaan niya at nagpipicking sa gitara niya.

"Yung ano..." Napakamot ako sa batok kasi di ko alam pangalan nung babae. "Yung sinasabi ko sa iyong nakatabi ko sa bus? Siya yung nakapulot."

"Oooooh," ngumiti si Lester sa akin ng nakakaloko. "Maganda ba?"

Tinapunan ko siya nung maliit kong unan sabay sabing, "Ang landi mo, Les."

"Parang nagtatanong lang kung maganda, malandi na agad?" Tanong ni Lester at binaba yung gitara niya. "You're so judgemental, Al. I hate you na." Sabi niya pa gamit yung pangbakla niyang boses tsaka tinalikuran ako.

Tumayo ako at sinuntok ko siya sa balikat. "Tulungan mo ko maghanap ng wifi dito. May kailangan lang akong aralin na kanta."

At sa pagkarinig niya nung sinabi kong wifi, bigla siyang napatayo sa higaan niya at inakbayan ako. "May nagsabi pala sa aking may wifi dun sa main office kaso may password. Tinanong ko yung password pero sabi niya, si Samantha lang daw yung may alam nun since both ng parents niya ay nagtratrabaho sa main office." Bulong ni Lester sakin habang papunta kami sa pinto.

"Sino si Samantha?" Tanong ko at binuksan yung pintuan ng cottage.

"Dancer ata yun o singer. Basta sa station 2 siya." Sabi niya. "Kilala ko naman yung mukha niya kasi tinuro sakin kaya, no need to worry."

"May no need to worry, no need to worry ka pang nalalaman. Tara na nga. Crush mo lang ata yung Samantha eh." Sabi ko at nagtungo na kami sa station 2.

"Teka, ano ba ipapalusot natin?" Taong ni Lester nung medyo malapit na kami sa cottage nila.

"Wala tayong ipapalusot kasi sasabihin natin ang totoong rason."

"Nahiya naman ako sa honesty mo brad."  sabi ni Lester.

"Sinungaling ka kasi." Sabi ko at umunang lumakad.

"Nakakadalawa ka na ha. Hurt na hurt na yung feelings ko!"

"Sige lang!" Sigaw ko nung medyo makalayo layo ako kay Lester. Ewan ko ba't naging best friend ko yan. Ang opposite lang ng attitude namin eh.

Nung medyo malapit na kami sa pintuan ng cottage nung Samantha, may lumabas namang babae. Bigla namang binulong sakin ni Lester na siya yung Samantha. Nagpigil ako ng ngiti. Timing nga naman.

Medyo tinulak ako ni Lester, urging me to talk. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago nagsalita. "Uh, Samantha?" Tawag ko at lumingon siya sa amin.

Binigyan niya kami ng ngiti. "Bakit?"

"Pasensya na kung kamimeet palang natin at manghihingi na kami ng favor. Ako nga pala si Allen." Tinuro ko si Lester sa likod ko. "At siya si Lester."

"Nice to meet you." Ngumiti nanaman siya. Ang ganda niya, alright? Pero siya yung tipong kahit na maganda, parang hindi ko pa rin kayang gustuhin. Baka sa rasong napakaganda niya masyado para lang sa isang katulad ko. "I'm Samantha pero Sam nalang. Ano nga pala yung favor?"

"Papatulong sana kami sa password ng wifi sa main office." Sabi ko, nagpipigil ng ngiti. Never kong inexpect ang ganitong scenario sa buhay ko.

She tilted her head to the side and narrowed her eyes at us. "Sino nagsabi sa inyo?" Oh, she knows.

"Hindi ko alam kung sino eh, kinuwento lang sakin ni Lester na both your parents are working sa main office kaya may access ka na rin sa wifi."

"Who told you Lester?" Tanong ni Sam kay Lester habang nakangiti na parang may alam siya.

Si Lester naman ay parang nakakita ng multo sa reaksyon niya. Kinailangan ko pang sikuhin sa tiyan. "Yung kasama namin sa guitar. Si Joshua."

"Sabi ko na nga ba." Sam whispered to herself pero narinig pa rin naman namin. "Sige, I'll help you. Pero may kailangan pa akong ayusin sa loob pero madali lang naman kaya wait lang kayo dito ha?" Tumango nalang kami.

"Nakanganga ka pa sa harap niya." Sabi ko kay Lester habang natatawa sa mukha niya. Para siyang constipated na ewan.

"Eh sa maganda yung kausap ko eh! Syempre matutulala ako dun at nenerbyusin." Paliwanag niya.

Binatukan ko siya. "Ang landi mo." Napatingin ako dun sa harap namin at nakitang may naglalaro ng volleyball. Hinikayat ko si Lester na manood nalang muna kami. Hindi naman sa hilig ko ang volleyball, naglalaro ako pero mas pipiliin ko pa ang basketball.

Nung nakalapit na kami ay matatapos na yung game. Nung natapos naman yung game ay nahati yung crowd para sa winner. Medyo natulak ako pabackwards. Nung may nafeel akong may mga kamay sa likod ko, humingi naman ako agad ng paumanhin.

Pero nung makita ko kung sino pala yung nasa likod ko, parang bigla lang akong nawalan ng sasabihin. Nung magsalita siya ay dun lang ako natauhan.

"Nasaktan ba kita?" Tanong ko. Medyo nagulat ako sa tinanong ko kasi double meaning pero di ko lang pinahalata.

"Hindi naman. I kind of blocked you with my hands." Sagot niya. Ngumiti siya ng kaunti. Yung pang awkward na ngiti. Honestly, ayoko nang maging awkward around her. Pero hindi ko alam kung paano hindi maging awkward. I was born awkward.

"That's good. Akala ko naapakan kita or something." Sabi ko at pinasok yung dalawa kong kamay sa bulsa ko. I was never good with making friends. Lester and my other friends at school, sila lang yung lumapit sa aking para makipagkaibigan. I'd rather put my headphones on and drown myself to music.

And when I was about to say goodbye kasi baka hinahanap na kami ni Sam, tinapik ako ni Lester at binulong na palapit si Sam. Napatingin kami pareho sa direksyon niya. Akala ko galit siya kasi umalis kami dun sa cottage nila pero nakangiti naman siya. Kaya I take that as hindi siya galit. Inaya na niya kaming pumunta ng main office habang nakangiti. Kumusta na kaya itong kaibigan ko sa kaloob-looban niya?

Nung medyo malayo na kami dun sa kinatatayuan namin kanina, naalala ko naman bigla yung volleyball game. At dun ko lang din naalala na hindi pala kami nakapag paalam ng maayos dun sa babae.

"Shit." Nasabi ko nalang bigla at napatingin sa likod ko. Wala na siya dun. Guilt washed over me. "Fuck. Ang rude ko."

"What's with the profanities?" Natatawang tanong ni Lester. Hindi naman ata naririnig ni Sam yung pinag uusapan namin since may katext siya sa phone.

"Hindi tayo nakapag paalam ng maayos." Sabi ko. "Mapagkamalan pa akong gago at walang pinag aralan."

"Grabe ka naman bro." Hindi makapaniwalang sabi ni Lester. "Rude lang naman ata ang iisipin sa'yo."

"Yun na nga!" I whisper-shouted.

"What's the deal? It's not like close kayo. You only met today."

I sighed. "Siya yung nakatabi ko sa bus."

"Ay shit." Sinuntok niya ako sa braso. "Ang ganda bro!"

Napatingin ako ng masama kay Lester. Pero nawala naman agad.

"Pero don't worry, hindi naman ako tumatalo kaya safe ka sakin." Dagdag na sabi Lester. "Mas prefer ko yung may bangs at mahaba yung buhok. Kasali ata yun sa laro."

Naguluhan ako. Napakunot yung noo ko. "Kasama niya ba yung mga kaibigan niya? Parang siya lang naman yung nakita ko."

Nagulat naman ako nung tumawa ng pagkalakas lakas si Lester. Napatingin nalang sa amin si Sam. "Oh shit, you're whipped!" Sabi ni Lester sabay turo nung daliri niya sakin.

Pinalo ko iyon paalis sa mukha ko. "Anong whipped ang sinasabi mo? Whip-whipped-in kaya kita?"

Lumayo ng kaunti si Lester at pinatuloy yung pagtawa. Ang sarap itapon ni Lester ngayon. Hindi ko alam kung bakit grabe siya makatawa. Parang wala nang bukas yung tawa niya. "Ang slow mo bro! Wag kang mag alala, nandito lang ako to support you!"

Hindi ko na talaga maintindihan itong kaibigan ko.

Celestine And Her SummerStories to obsess over. Discover now