Kabanata 7

18 1 0
                                    

Nung pabalik na ako sa cottage ay nakasalubong ko si ate Jules na papunta ring cottage.

"Ate, hindi ba't may activities ngayong hapon?" Tanong ko. Iyon kasi yung pagkaka alala ko kung bakit half days lang ang workshop, kasi may activities daw sa hapon.

"Wala ngayon." Sagot niya. "Baka bukas o sa makalawa."

"Bakit po?" Tanong ko na medyo nakakunot ang noo.

"Hindi ko rin alam sa ibang mga facilitator eh. Magmimeeting pa kaming lahat mamaya dun sa conference room na ginamit niyo kanina."

Tumango tango ako habang umaakyat kami dun sa dalawang stairs sa labas ng cottage.

Pagkapasok namin ni ate Jules, nakita ko yung mga kaibigan ko sa higaan ni Kylie, nagtatawanan. Nagpaalam ako kay ate Jules at dumiretso na sa mga kaibigan ko, joining their little circle.

"Ano topic?" Tanong ko habang nakangiti.

"Eh ikaw saan ka ba nanggaling?" Tanong ni Jill.

"Sa labas lang. Ibinigay ko lang kay Ken yung kumot." Sagot ko, nag iisip pa ng maigi kung sasabihin ko ba yung kay Francis.

"Ano?" Gulat na tanong ni Kylie. "Ba't di mo kami ininform? Nandun sana kami with you for moral support."

I rolled my eyes. "Moral support ka diyan."

Natawa si Maureen at Sandra.

"Why did it took you long, though?" Tanong ni Maureen na nakangiti ng nakakaloko. "Nag usap pa ba kayo ng lampas sa inaasahan?"

"Ano?" Gulong gulo sa sinabi niya. "Anong lampas sa inaasahan?"

"Ay? Slow lang teh?" Sabat ni Kylie.

"Kung nag usap pa ba kayo tungkol sa kahit na anong bagay maliban dun sa kumot." Sabi ni Jill.

"Syempre isinauli ko lang sakanya. Tsaka sinabi nalang niya rin ang rason kung bakit niya ako kinumutan. Out of instinct lang naman so no need to be worried." Sabi ko habang hinahagis hagis ang phone ko, chin level.

"So bakit ka nga matagal?" Tanong ni Sandra na nakangiti. Pero yung ngiting parang may alam siya. I squinted my eyes at her. Nagkibit balikat lang siya. I kept on looking at her.

"Uso salita guys. Kayo lang ata ang nagkakaintindihan." Sabi ni Kylie.

I sighed. Might as well tell them. Wala na akong takas sa dalawa kong best friend. Alam na nilang may tinatago ako. "Nag usap din kami ni Francis."

"Francis? Sinong Francis?" Tanong ni Jill. Pati yung iba, clueless.

Hindi ko nga rin magets eh kung bakit ko siya tinatawag na Francis when everybody calls him Allen. Lumabas lang yung 'Francis' sa bibig ko naturally kanina. Bukod sa rasong kapangalan niya yung pinsan kong super close sa akin, hindi ko na alam kung bakit ko siya tinatawag na Francis instead of Allen.

"Ah!" Biglang sabi ni Maureen. "Allen. Francis Allen, right?"

"O may gad." -Kylie, nakanganga

"Shocks." -Jill, nanlalaki ang mata

Natawa nalang si Sandra.

"Ang OA niyo, noh?" Sabi ko kina Kylie at Jill. Umirap ako sakanila.

Pinalo ni Kylie yung buhok ko. "Echosera ka, hindi mo na nga sana babanggitin yung tungkol kay Allen, Francis pa tawag mo sakanya."

"Eh kasi nga kapangalan niya yung pinsan ko. Si Francis, remember?" Sabi ko. Napatingin naman ako kay Jill agad at nahuli siyang namumula at nakayuko. "Uyyy, si Jill, affected." Tukso ko sakanya habang sinusundot sundot yung tagiliran niya. Pinalo niya yung kamay ko.

Celestine And Her SummerWhere stories live. Discover now