Kabanata 4

17 1 0
                                        

After naming mag-ayos ng gamit ay napagpasyahan naming tatlo na lumabas lang muna para tignan kung ano pa ang meron sa Blue Sky since bukas pa daw talaga ang start ng workshop. They gave us the afternoon to be friends with others at maglibot libot nalang muna.

Kaya habang namamasyal kami sa Blue Sky ay naisipan ko nang magpicture picture para sa Instagram ko.

First naming pinuntahan ay sa may dagat. Mabuti nalang at naka nail polish ako ng black tapos naka tsinelas na ako ng Havaianas na white. Pinicturan ko yung feet ko nung may umalon ng kaunting tubig.

Sunod ko namang pinicture ay yung dalawa kong kaibigan na nauuna na sa akin at nagseselfie kasama nung dagat.

Sunod kong pinicture ay yung mga nakahilerang cottages. Instagram-looking kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.

Natapos akong magpicture dun sa mga cottage at tinignan ko isa-isa yung mga nakuha kong litrato. Nung nasa may cottage na akong mga litrato ay may napansin akong tao sa gilid nung picture.

Naka black siya at diretsong nakatingin sa side ng camera ko. Zinoom ko at nalamang si kuya pala na nakatabi ko sa bus kanina yung lalake. Mas zinoom ko pa yung picture, mabuti nalang at hindi siya nakatingin sa camera. Baka isipin pa nun na kinukuhanan ko siya.

Naalala ko naman bigla yung ikinumot niya sa akin.

Napatakbo ako pabalik sa cottage namin para kunin yun nang walang pasabi sa aking mga kaibigan.

Nakita ko namang maayos na nakatupi sa higaan ko. Kaya kinuha ko nalang agad at lumabas ulit.

Paglabas ko, wala na siya dun sa lugar kung saan nakuhanan ko ng picture kasama siya.

Napahanap naman ako sa mga kaibigan ko pero wala na rin sila dun sa may dagat. Kaya napag desisyunan kong hanapin yung lalake. Hindi naman ata siya malayo.

Napapatingin ako sa ibang tao habang naglalakad. May naglalaro ng volleyball. May mga sumasayaw. Meron namang nag uusap lang. May nakasalubong pa akong mga nagba-bike. Ang ganda lang tignan ng mga tao na iba iba ang ginagawa at busy sa kanilang mundo.

Nasa station 1 na ata ako nung nakita ko yung lalake. Kasama niya yung kaibigan niya. Pero parang aalis naman yung kasama niya. Kaya hinintay ko munang umais yung kaibigan niya.

Naglakad na ako papunta sa kanya, careful not to be noticed. Ang awkward nalang kaya nun kung makita niya akong naglalakad papunta sa kanya.

Ilang hakbang nalang, malapit na ako sakanya. Pero diretso pa rin siyang nakatingin sa dagat at nakatukod ang mga siko sa hita niya. Kaya naisip ko na baka malalim lang ang kanyang iniisip kaya hindi pa rin niya ako napapansin.

Tatawagin ko na sana yung atensyon niya nang bigla naman siyang tumingin sa akin, diretso sa mata. Kinabahan naman ako dun ng kaunti pero di ko pinahalata.

"Uh... hi." Sabi ko at ngumiti sakanya.

Umayos siya sa pag-upo at nginitian ako pabalik. Hindi na yung small smile. Pero with no teeth smile naman. "Hi." Sabi niya.

Pagkatapos niyang magsalita, hindi ko naiwasang hindi idescribe yung naramdaman ko sa 'hi' niya.

Yung feeling na parang gusto mo nang mag back out? Yung sana hindi nalang ako lumapit sa kanya? Yung naconscious ka bigla sa itsura mo, kung okay ba o hindi? Yung hindi ka makatingin sa kanya ng diretso kasi parang delikado?

Pero hindi ako nagpadala dun kasi baka mahalata niya.

Ipinakita ko sakanya yung kumot. "Isasauli ko lang sana 'to...?" Sabi ko.

Napatingin siya dun sa hawak ko. Nakita kong kumunot yung noo niya at napatagilid yung ulo. "Hindi sakin yan eh."

Naramdaman ko namang parang naubos lahat ng dugo ko sa aking sistema. Unti unti kong binaba yung kamay ko. "Ah." sabi ko.

Celestine And Her SummerStories to obsess over. Discover now