Kabanata 3

26 1 0
                                        

Nagising ako nung may naramdaman akong endless tapik sa pisngi ko.

Minulat ko iyong mga mata ko at nakita si Kylie sa harapan ko at si Jill sa tabi ko na siyang mismong salarin sa magtatatapik.

"Ikaw ha, hindi mo man lang kami sinabihan na cute yung katabi mo." Sabi ni Kylie sakin. "Pwede mo namang itext kung nahihiya kang sabihin since katabi mo lang naman siya."

"Anong cute ba sinasabi mo?" Tanong ko habang nag aadjust yung mga mata ko sa light.

"At hindi man lang namin napansin na close na pala kayo ni koya. Ipinagkumot ka pa oh!" Sabi ni Jill sabay pakita dun sa nakakumot sa akin. Hindi naman siya yung malaking kumot. Parang tela lang na maganda ang design na kasize naman ng isang towel.

"Ano 'to?" Tanong ko dun sa nakakumot sa akin since wala naman akong ganito. "Hindi to sakin ah?"

"Kinumutan ka nga nung si kuya na katabi mo habang tulog ka. Baka kasi nanginginig ka na nun sa lamig." Natawa naman ng kaunti si Kylie.

"Eh bat hindi niyo isinauli sa kanya? Nakakahiya." Sabi ko habang inaayos yung pinangkumot sa akin.

"Pagkagising kasi namin, nagbaba-baanan na yung mga tao at wala na rin siya sa tabi mo." Sabi ni Jill.

"Ha? Kanina pa ba ako tulog? Baka pagalitan tayo! Tara na!" Sabi ko at nagmadaling nag ayos para bumaba.

"Chill ka lang beshy. Hindi pa naman matagal since nung last na may bumaba. Okay lang din naman sabi ni kuya Markus. Pero pinapababa tayo ASAP para naman daw sabay sabay tayong lahat na maglunch." Sabi ni Jill at tumayo na.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Nakakahiya yun kung mapapagalitan kami agad eh kararating palang naman namin.

Bumaba na kaming tatlo sa bus at nagtungo sa cafeteria nila. Pag dating namin dun, namangha naman ako ng slight.

Yung building ay singlaki ng isang basketball court. Open lang din at high ceilings. Maraming tables and chairs at counter dun sa front. Na occupy namin kalahati nung cafeteria.

Nakita naman kami ni kuya Markus at pinaupo sa bakanteng lamesa.

"Dito lang muna itong mga gamit niyo at kumuha na kayo ng makakakain dun sa counter." Sabi niya sa amin. "Wag kayong mahiyang kumuha ng marami. Kung bet niyong mag extra rice, gora lang!" Dagdag niya na ikinatawa namin. Hindi naman siya bakla pero sinabi lang ata niya yun just to be friendly and lighten up the mood.

Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay bumalik agad kami sa lamesa namin at kumain. Habang papunta sa lamesa ay nahagip naman ng mga mata ko yung katabi ko kanina. Mga lalake yung kasama niya sa lamesa. Pero isa lang yung pinapansin niya. Kaibigan ata niya at baka di pa niya close yung iba.

Pagkabalik namin sa lamesa ay kumain na agad kami. Nakakagutom din yung apat na oras na biyahe.

Habang kumakain ay nag open ng topic si Jill.

"Nakita mo na ba ulit yung katabi mo kanina?" Tanong niya.

Tumango lang ako para di nila ako tuksuhin. Pero knowing them, di nila to palalampasin.

"Kasi hinanap," komento ni Kylie

"Anong hinanap? Eh nahagip lang nung mata ko." Sabi ko.

"Deny ka pa friend. Sumbong kita kay tita eh." Sabi ni Kylie. Ang gaganda't babait talaga nitong mga kaibigan ko. Super.

"Walang isusumbong kasi wala namang nangyari."

"Wala daw." Sabi ni Jill at sumubo siya. "Eh anong tawag mo dun sa kumot?" Dagdag niya.

Celestine And Her SummerStories to obsess over. Discover now