We were going to have guitar lesson in an air conditioned room. Chamba lang yun samin. Before coming here, nasa isang malaking room lang kami where there were ceiling fans. Pero sabi ni kuya Markus na may nag inform palang sakanya na dapat pala sa conference room nila kami. And that's why nandito kami ngayon.
Mas malaki naman yung conference room kaysa dun sa previous room na pinasukan namin kanina. Okay lang naman daw na dito kami for the whole month since hindi sila nagcoconference kung summer season. Advantage rin na super quiet sa loob kaya we can hear kuya Markus loud and clear.
Ang pinaka una naman naming ginawa ay ang introduction. Expected na naming tatlo nina Jill at Kylie kaya di na kami kinabahan masyado. Ako naman ang naunang mag introduce ng sarili kaysa sa kanilang apat.
"Hi everyone. I'm Celestine Alvarez, Cel for short. Kagragraduate lang ng SHS, aiming for architecture in college." I said with a smile then umupo. Sumunod namang mag introduce ay yung mga kaibigan ko.
Habang nag iintroduce yung iba kong kaklase, sinundot ako ni Jill sa aking tagiliran. "Malalaman na natin kung ano ang pangalan ni kuya stranger at kuya chinito."
I gave her a flat look. "Sige lang."
Tinukso pa niya ako after my reply at sinundot sundot. Tapos dumating naman yung hinihintay nina Jill at Kylie.
"Andito na. OMG magkatabi pa talaga sila." Sabi ni Kylie. I won't deny it but I'm also waiting for their names. Sinabi ko lang yun kay Jill kanina para manahimik na siya.
"Good morning everyone. I'm Kenneth Choi but everyone I know calls me Ken so yun nalang itawag niyo sakin. I'm half Korean and I'm in my 3rd year in college, taking up law." Sabi ni kuya chinito at ngumiti na ikinawala naman ng mga mata niya.
"Ay beshy bongga, abogado pala ang may gusto sa'yo." Sabi ni Kylie. "At Koreano pa!"
"3rd year pa nga lang sa college, abogado na agad?" Sabi ko.
"Eh dun na rin papunta yun." Sabi ni Kylie.
"Shhh, it's kuya stranger's turn." Saway sa amin ni Jill.
"Uhmm, hello. Ako nga pala si Francis Allen Salazar pero Allen nalang though. 3rd year college na taking up accountancy." Sabi ni kuya stranger at ngumiti with teeth. Nashock ako dun kasi ang gwapo niyang tignan with that smile. Tapos may lumabas pang konting dimple sa right side ng lip niya.
"Ang gwapo ng pangalan, Cel!" Kylie gushed.
"Pero mas bigatin naman yung si Kenneth." Sabi ni Jill.
"Wag ka nga Jill, Allen all the way pa rin tayo!" Sabi ni Kylie. I rolled my eyes at them. Napapatingin nalang sina Maureen at Sandra sa amin.
After nung introduction ay nag proceed na si kuya Markus sa first lesson. Itinuro muna niya yung parts ng gitara. After nun ay yung major chords naman. Iyon lang muna daw ang aaralin namin for two days para hindi namin makalimutan agad.
After naman nung klase namin ay pumunta muna kami ng cottage para ibalik yung gitara namin. Tapos dumiretso na rin kami ng cafeteria para kumain ng lunch. Kasama na rin namin sa table sina Maureen at Sandra.
Habang kumakain ay may tinanong si Sandra sa amin. "Bakit nung nag introduce si Ken at Allen, parang naexcite kayo?"
Jill and Kylie cleared their throat. Then I sighed. Heto nanaman tayo.
"May nasabi ba akong masama?" Tanong ni Sandra.
"Is everything okay?" Tanong ni Maureen.
"Hindi, okay lang." Sabi agad ni Jill.
YOU ARE READING
Celestine And Her Summer
Teen FictionCelestine Alvarez, a graduate in Senior High School, wants to experience a different kind of summer. She's the girl who stays home during summer for the past 18 years of her life because family vacations aren't her family's thing. Now this coming s...
