"Alam niyo, naisip ko lang," pagbukas ng topic ni Jill habang kumakain kami ng dinner sa cafeteria. "Kung may kuya chinito, ano itatawag natin dun sa nakatabi ni Celestine sa bus?"
"Magandang tanong Jill!" Sabi ni Juli sabay hampas sa mesa. "Ano nga ba, Cel?"
I let out a very heavy sigh. "Diba sabi ko naman sa inyo, wag niyo na ako tuksuhin sa kanya?"
"Hindi ka naman namin tinutukso. Because let's face it, masasali pa rin siya sa ating mga usapan." Sabi ni Jill. Tumango tango si Kylie sakin.
"Edi wag isali sa usapan." Sabi ko with a 'duh' face.
Kylie flicked my forehead. "Hindi maiiwasan yun, dahil bukod sa kasama natin siya sa guitar, nahuli ko palang siya ngayong nakatingin sa'yo."
Instantly, napatingin naman ako sa likod ko kung nasaan siya at nung kaibigan niya. Hindi naman nakatingin eh.
"Hindi naman." Sabi ko at kumain nalang.
"Nahuli ko siya before ko pang i-inform sa inyo. Kaya nung nahuli ko siyang nakatingin sa'yo, umiwas agad siya."
I sighed. "Baka napatingin lang sa lamesa natin. Ang gaganda niyong dalawa para hindi mapansin o matignan man lang."
"Makapagsalita 'to, parang hindi rin maganda." Sabi ni Jill sabay irap.
"Eh wala ngang magkakamali--"
"Sige ituloy mo pa, kaya kong sabihin sakanya ngayon na." Banta ni Jill. Naaalala ko naman yung usapan kanina.
I slowly pursed my lips. I sighed again. "Napatingin lang talaga yun sa lamesa natin, promise." Sabi ko sakanila at kinain na yung natitirang food sa plato ko.
"Eh ano nga ang gusto mo itawag natin sakanya?" Tanong ni Jill habang kumakain. Hindi naman sa nagmamadali akong matapos kumain, sadyang matagal lang kumain itong dalawa kong kaibigan.
"Ewan ko, okay?" Sabi ko. "Kayo na ang gumawa nun kung gusto niyo talaga."
"Eh kung tanungin nalang natin ang pangalan?" Kylie suggested. Kung ano ano nalang ang naiisip ng dalawang 'to. Mapagkakamalan ko na talaga silang may gusto sa lalaking yun.
"Oo nga!" Jill exclaimed. "Tanungin na ba natin ngayon?"
"Mahiya nga kayo." Saway ko sakanila.
"Tatanungin lang naman ang pangalan." Sabi ni Kylie.
"Oo nga. Getting to know each other. Ganern." Sabi ni Jill.
"Hindi naman big deal yun diba?" Tanong ni Kylie na nakangiti pa.
"Sagutin niyo nga ako, may gusto ba kayo dun?" Tanong ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Tapos tumawa ng sabay. "Selos ka ba?" Tanong ni Jill.
"Jusq anong tanong yan." I said rather than asking.
"Hindi namin siya gusto, okay? Sadyang supportive lang talaga ako para sa inyo." Sabay kindat ni Kylie.
"Anyare sa no boys allowed?" Tanong ko sakanila.
Natigil silang dalawa. Natawa naman ako sa mga reaksyon nila.
"Ah, basta. For now, si kuya stranger nalang muna siya. Since literal naman talaga siyang stranger sa atin, yun nalang." Sabi ni Kylie. Seriously?
"Ang clever nung kuya stranger, Ky." Sarkastikong sabi ni Jill. Pero hindi naman nakuha ni Kylie.
"I know, right? Thanks." Sabi ni Kylie sabay flips hair.
Napa iling nalang ako, hindi makapaniwala sa kanilang dalawa. Minsan talaga hindi ko na alam kung anong iniisip nila.
YOU ARE READING
Celestine And Her Summer
Novela JuvenilCelestine Alvarez, a graduate in Senior High School, wants to experience a different kind of summer. She's the girl who stays home during summer for the past 18 years of her life because family vacations aren't her family's thing. Now this coming s...
