Chapter 2 - Selos?

382 15 0
                                    

Alexandra's POV.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nag mall kami ni Wolf at nagkaroon ng ilangan. At sa mga lumipas na araw na yun madalas kaming magkailangang muli ni Wolf.

Ano bang magagawa ko? Eh pati nga ako di ko alam ang dahilan kung bakit ako naiilang ehh.

Nasa mall kami ngayon nila Hope at Chandria namimili kasi ng mga OOTD's namin sa darating na pasukan pati nadin iba naming gamit and accesories. Habang yung mga lalaki naman may laro ng basketball sa village nila.

Chandria's POV.

Sinabihan namin sila Ford na susubukan naming humabol sa game nila mamaya pagkatapos naming mag mall kasi two days nalang at pasukan na nanaman.

" Chan may napili ka na ba? " tanong ni Hope habang tumitingin ng iba pang mabibili na damit.

Grabe sila ni Alex, dalawa na ang umaasist sakanila na saleslady na nagbibitbit ng mga napili nilang damit habang ako isa palang.

" Oo meron naman pero di tulad ng inyo ni Alex na SOBRANG dami na " sagot ko habang nagpipigil ng tawa. At talagang inempashize ko yung word na 'sobrang'. Haha para mapikon sila.

" Maka sobrang dami ka naman sa mga napili naming damit! And sabihin mo inggit ka lang kasi marami na ang napili namin habang ikaw konti palang " nangiinis na sabi ni Hope

" ohh..talaga ba? " nang aasar ko ring sabi.

Bago pa makapag salita ulit si Hope sumabat na si Alex " Hoy mga bata tumigil na nga kayo jan!! Tara na bayaran na natin ang mga napili nating damit para makahabol pa tayo sa game nila Wolf " .

" Opo!! " maamong sagot namin ni Hope.

Natapos na naming bayaran ang mga damit na pinamili namin kaya ngayon OTW na kami papuntang Walter Village para manood ng game nila Ford.

Si Hope ang nag dadrive kasi isang kotse lang ang ginamit namin.

--- Walter Village ( court ) ---

" We're here!! " masiglang sabi ni Hope.

" Sige dito na kami baba-ba ni Alex magpark ka na tapos sumunod ka nalang " sagot ko kay Hope sabay labas na ng kotse at bumaba na din si Alex.

Pagpunta namin sa court 4th Quarter na pala ng game at ang score nila Ford ay 106 habang ang kalaban ay 102. Linibot namin muli ang tingin namin para makita kung saan pa pwedeng umupo.

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap nakakita na din kami sawakas!! Pumunta na kami para umupo at kasama na namin si Hope. Pagka upo namin may katabi kaming tatlong lalaki. POGI sila and HOT!!

Bali ganito ang pagkaka ayos ng upo namin:

lalaki | lalaki | lalaki | Ako | Alex | Hope

" Uhmm.. Hi miss " sabi ng lalaking katabi ko sabay abot ng kamay niya. At dahil POGI at HOT siya nakipag kamay ako.

" The name is Chandria Gumabay but you can call me Chandie. " nakangiti kong sabi at nakipag shake hands ako.

" hahaha. Akala ko di mo ako papansinin. Tara bili tayo ng drinks " confident niyang sabi sabay tayo at inalayan ulit ako ng kamay.

" Sure! Sabihan ko lang mga kaibigan ko. " sabi ko sabay lingon kila Alex at Hope. " psst.. aawra lang muna ako ahh wait lang. " pabulong kong sabi sakanila.

" haha. Sige lang Girl!! " sabay nilang sabi.

Di na ako nagpaligoy ligoy pa kaya tumayo na ako at paalis na.

Friends to Lovers -- Fanfiction ( Slow Update )Where stories live. Discover now