"M I A ! ! MAHAL NA MAHAL KITA ! HINDI KO KAYANG MAWALA KA SA AKIN"
Halos mabingi ako sa pagsisigaw ni Andrew sa bintana ng aking kwarto. Sinigaw niya ang pangalan ko.
"HOI,TUMIGIL KA NGA DIYAN,!BAKA MARINIG KA NG PAPA,LAGOT KA NAMAN DUN!" nag pigil kong sabi. Lumapit siya sa aking bintana at binuksan niya ito. Pumasok siya at walang kabang nilusob ako sa aking kwarto.
"Kailan man hinding-hindi ako matatakot kahit sino payan"
Hinawakan niya ang aking kamay at sabay halik nito.
" MIA SANTOS, pwedi mo ba kong pakasalan?"
"P-pero" ayaw ko siyang masaktan. Mahal na mahal ko din si Andrew Torres. Kahit na lumabag ako sa utos ng aking mga magulang,siya parin ang gusto ko. Gusto ko sanang itanong kung paano kami makasal ng hindi galit ang Papa ko.
"MAGTANAN TAYO.! Yun lang ang tanging paraan para masunod nating ang dikta ng ating mga puso"
"P-pero,mapatay ka kung malaman to ng Papa,at pati na rin pamilya niyo!" paliwanag ko sa kanya. Wala talaga akong balak magtanan. Pero sa pagkakataong ito gusto ko na ring umalis ng bahay at mamuhay kasama ang mahal ko.
"Wala na ang pamilya ko dito,umalis na! atsaka hinding-hindi tayo makikita ng magulang mo"
Kunting kombinsi ni Andrew mapapatanan na ako
"MIA,SINO YANG KINAKAUSAP MO?! BUKSAN MO NGA ITONG PINTO MO?"
"AHH,WALA PO PAPA,SANDALI LANG PO BUKSAN KO NA PO KAYO" kinabahan ako duon buti nalang mabilis nagtago si Andrew sa ilalim ng aking kama.
"Matulog kana kasi maaga tayong gigising bukas,para ipa ayos namin ang kasal mo."
"Ano??ipapakasal mo ako??Kanino?" nabigla akon nung pagkasabi ng papa. Parang tutulo ang aking mga mata. Pero pinigilan ko, kasi ayaw kong magbigay mutibo sa kanya.
"OO,SA AYAW O SA GUSTO MO,MAGPAPAKASAL KANA! HINDI KABA NATUTUWA.?KAYA MATULOG KANA NG MAAGA PARA MAG MUKHA KA NAMANG MAGANDA."
Agad ng umalis sa kwarto ang Papa. Sinarhan ko kaagad ang pinto,at agad ding lumabas ng ilalim si Andrew.
"Hindi ako papayag na makasal ka! Magpapakasal kaba don sa lalaking nagustuhan ng Papa mo?
"Andrew, sasama ako sayo.! Ayaw kong mapakasal doon. Gusto ko ikaw lang ang aking pakasalan" agad akong nag impake ng aking mga gamit. Lumabas na si Andrew,at ang sabi niya sa labas lang siya maghihintay sa akin.
Mga kalahating gabi,lumabas na ako ng bahay. Buti nalang tulog na ang lahat ng tao sa bahay. Binilisan ko ang aking paglakad hangang makarating ako sa labas ng bahay. Hinanap ko si Andrew, pero wala akong taong makita. Umupo ako sa kalsada at tumitingin sa paligid. Halos kalahating oras na akong naghihintay.
"Andrew, saan kana?" paulit-uit ko yung sinabi ng mahina.
"Nandito lang ako,patawad kong napaintay ka ng matagal"
"A-andrew!!, yinakap ko siya habang umiiyak.
Lumakad na kami papuntang terminal ng bus.
"Andrew, saan tayo pupunta?
"Sa malayong-malayong lugar."
Nagtawanan kami. hindi ko mapapaliwanag ang nararamdaman ko ngayong. Wala na akong inisip at pag-alala sa bahay. Nilagay ko nalang sa utak ko na hindi na ako anak ng mga Santos. Wala na akong amang kagaya niya. Gusto kong patayin sila dahil sa kasalanan na ginawa nila,pero hindi ko magawa dahil siya parin ang Papa Ko.
Lumipas ang isang araw. At sa wakas nandito na kami sa lugar kung saan kami lang at wala nang hahadlang sa buhay ko. Nasabi ko sa buhay ko na, lahat ng pait sa buhay ko noon ay napapalitan na ng ligaya. Sana dito na talaga ako maging masaya.
"Andrew? ano tong lugar naito?" nandito kami sa lugar kung saan kunti lang ang tao, at maliliit lang ang bahay.
"Dito tumakas ang pamilya ko,noong galit na galit ang Papa mo sa amin. Wag kang mag-alala nanibago parin nga kami dito eh, kasi nga isang linggo palang kami dito."
"Ahh,ganun ba. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa inyong pamilya, nang dahil sa amin,nasira ang pamumuhay niyo." bigla nalang kami pareho natahimik. Biglang nag iba ang tempo ng hangin. Tumingin ako sa mukha ni Andrew,kitang-kita ko ang galit niyang mukha. pero bigla biya itong iniba, at parang malungkot na ang kanyang mukha.
to be continued...
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.