SISA
It's a rainy day and sad to say parang na akong basang sisiw na kanina pang naghihintay ng masasakyang taxi pero 'ni isa ay walang humihinto para pasakayin ako. Maputik pa naman ang daan kaya delikadong marumihan ang uniforme ko.
"Paraaaa!! " Pakaway-kaway na nga ako sa mga taxing dadaan at halos nangangawit na ang kamay ko sa kakaway pero hindi parin nila ako pinapansin.
Ang cho-choosy naman ng mga taxi driver porket puno ako ng tigidig sa mukha ay hindi na nila ako pinapasakay. Anong gusto nila? 'Yung mga babaeng magaganda na kaya nilang manyakin? Aba! Ang tindi kung ganun!
Napagdesisyunan kong tingnan sa salamin ang mukha kong puno ng tigidig.Halos namumula na ang mga naglalakihang pimples ko sa mukha kaya muli ko itong pinisa.
"Haist.Dumadami na sila!Huhuhu. "
Habang tinitingnan ko sa salamin ang mukha ko ng may biglang tumalsik na putik sa uniforme ko.Alam niyo ba kung saan ang galing ang putik? Syempre hindi diba!
Galing lang naman sa mayabang na driver ng mamahaling ferrari car.
Kahit na madumi na ang uniforme ko ay kinalampag ko parin ang kotse ng lalaking hindi nag-iingat sa pagmamaneho.
Pero bago iyon ay kinuha ko muna ang malaking bato at ibinato doon sa kotse.
"Hoyyyy!! Bumaba ka nga diyan! Kapag hindi ka bumaba babasagin ko pa itong kotse mo at babasagin ko rin ang pagmumukha mo," pasigaw kong sabi habang hawak-hawak ko pa ang isang malaking batong ipambabato ulit sa kotse niya
Hindi pa rin siya bumaba ng kotse niya at pinapanuod lang akong nag-eeskandalo sa daan.
"Kapag hindi ka bumaba diyan sa kotseng mong iyan makikita mo ang hanap mo! "
Pinagtinginan ako ng mga motoristang dumadaan pero wala akong pakialam. Malamig na nga ang panahon pero ang lalaki na ito ang nagpapainit sa ulo ko.
Akmang ibabato ko sana sa kotse niya ang batong hawak-hawak ko ng may nakita na akong pamilyar na sapatos.
"Ano bang problema mo nerd? "
"Ikaw ang problema ko! "
"Oh come on! "
Bigla niyang tinanggal ang eyeshades niya kaya mas lalong umusok ang ilong ko.Tss.Bakit kahit saan ako pumunta palagi ko na lang ang nasasagupa ang grupo ng The Maniac Boys.
"Alam mo ba,Nathan Albania na nadumihan ang uniforme ko? "
"And so? Wala akong pakialam sayo. "
"Ah,ganun? Gusto basagan ko ang pagmumukha mo para hindi ka magustuhan ng mga babae mong higad? "
Si Nathan Albania ang lalaking hindi mo pagkakatiwalaan.Nilalasing niya ang babae at pagkatapos ay kinukuha na ang kaniyang gusto.Kinabukasan ay kakalimutan ang babae at magkukunwaring parang walang nangyari ganun siya ka-maniac pero pagdating sa akin ay wala siyang appeal.
Sandali siyang pumasok sa kotse niya at ibinato niya sa akin ang uniforme.
"Kanino naman ito galing? "
"Tinatanong pa ba 'yan? Edi sa mga babae ko. "
"Siguro may nabiktima ka naman kagabi,no? "
"Tsk.It's private matter. "
"Maniac! Kalat na kalat kaya sa academy ang kalokohan ng mga barkada mo. "
"Isusuot mo ba o hindi? "
Akmang kukunin niya ang uniforme ng bigla kong tinapik ang kaniyang kamay.
"Syempre kukunin ko! Saan ako magbibihis? "
"Kung gusto mo dito ka na sa harapan ko magbibihis. " Tumawa pa siya ng tawang-aso at binigyan niya akong killer smile pero inirapan ko lang siya
"Seryoso ka? "
"Mukha ba akong nagbibiro? "
"G*go! Kilalang-kilala ko kayong mga maniac kayo lalong-lalo na 'yung impyerno na 'yun! "
"Tsk.'Yan ang akala mo. Pumasok ka na nga dito sa kotse ko bago pa magbago ang isip ko. "
Padabog akong pumasok sa kotse niya at doon ako nagbihis .Pinasakay niya ako sa kotseng binasag ko kanina at habang nagmamaneho siya ay panay ang tingin niya sa suot kong hapit na hapit.Tsk! Alam ko na ang gusto nito!
"Anong tinitingnan mo diyan maniac? "
"Bawal bang ma-appreciate ang katawan mo nerd? Infairness! May hubog pala ang katawan mo pero ang mukha,porma at ang flatchested lang ang nagpapasira sayo. "
Madalian kong isinuot ang mahaba at may makapal na jacket mabuti ng nakakasigurado.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong inakbayan habang nagmamaneho siya dahil nga sa likas akong magugulatin ay nasapak ko siya ng malakas.
"Bastos!! " Madalian akong bumaba ng kotse niya at agad akong sumakay ng bus .
Sa wakas ay humupa na ang ulan.Papasok na sana ako sa academy nang biglang nilipad ang bente pesos na baon ko kaya wala akong choice para habulin ito.
Inaabot ko ang pera kaya lang 'yung pera ay mukhang ayaw niya sa akin dahil nanatili parin siyang lumilipad sa ere.
"Ano ka ba naman bente pesos?! Bakit pati ikaw ay ayaw mo sa akin? Alam mo namang ikaw lang ang kailangan ko sa mga projects ko kaya please..magpaabot ka naman sa akin,oh! "
Para na akong timang na hinahabol ang choosy kong pera.Cute height kasi ako! 'Di katangkaran at 4'11 ang height ko pero atleast may height.Siguro nahiya pa sa akin ang mga duwende mi snow white .Hahaha.Hanggang sa huminto ang pera ko sa isang lalaking nakatalikod .Siguro napagod na ang pera ko sa paglipad kaya naghanap siyang among may itsura.May itsura naman ako ah! 'Yun nga lang endangered species ang mukha ko.Hahaha.
Nakaramdam na naman ako ng makati sa mukha ko siguro meron na namang anak 'yung tagyawat ko.Nanganganak pala ang pimples ? Ngayon ko lang nalaman ,masubukan ngang ma-isearch siya sa google.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang ulo at katawan para kunin ang pera ko .Nilinga-linga niya muna ang paligid nang makasigurado niyang wala namang nakakita sa kaniya ay kaagad niya itong ibinulsa at nagsimulang maglakad.
"Hoyy!! Pera ko iyang napulot mo! Ibalik mo 'yan sa akin! "
Pansamantala siyang napatigil sa kaniyang paglalakad at muli niyang inihakbang ang kaniyang mga paa.
"Mahiya ka naman magnanakaw ng pera! "
"OMG! Bakit niya tinawag na magnanakaw ang papa Patricio natin? "
"Kafal ng feslak ng girlalu na 'yan. " Ng malaman kong isa na naman sa miyembro ng The Maniac boys ay wala man lang akong kabang naramdaman .Utot nila! Bakit ako matatakot sa kanila gayung hindi naman silang multo para katakutan.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang bisig kong pagkalakas-lakas na dahilan para mag-react ako.
"Aray! Nasasaktan ako! "
Ng makita niyang nasasaktan nga ako ay kaagad naman niyang binitawan ang bisig ko.
"Ninakaw mo 'yung pera ko! "
"May ebidensya ka bang ninakaw ko ang pera mo? "
"Akin na 'yung pera ko. "
"Ilan ba ang pera ko? "
"Bente pesos. "
"Seriously? Nakakapasok ka pa sa perang 'yan! "
"Hoyy!! Maniac,wag mong maliitin ang bente pesos dahil hindi naman magiging thousand ang laman ng pitaka mo kapag hindi dumadaan sa bente pesos! "
"Tsk. "
Inihakbang niya ang mga paa niya papalapit sa akin at parang may kinuha siyang kung ano sa bandang tenga ko.
Nagulat na lang ako ng may ipinakita sa aking pera kaya lang hindi iyon 'yung pera ko.
"Masama ang mambintang nerd! " Inilapit niya ang kaniyang kamay sa flatchested ko kaya kaagad ko siyang sinuntok sa mukha kaya nakatulog ang isang Patricio Alcala.
Nandito ako ngayon sa classroom.Hinihintay ang next subject teacher namin nang muling tumunog ang cellphone ko.
From : Unknown
Hi!Grabe ka Sisa! Idol na talaga kita pagdating sa pagsipa at pagsuntok mo sa mga lalaki.Hahaha! May lahi ka talagang kabayo! Ikaw lang ang babaeng nerd na nakilala ko na lumalaban.Tama 'yan! Balita ko narumihan ang uniforme mo kaya nagpasigurado akong pamalit uniforme .Nasaktan naman ako doon sa mga sinabi mo sa akin pero ayos lang sanay na akong sabihan ng masasakit ng mga taong mahal ko kaya parang sabihan na lang sa akin ang makatanggap ng masasakit na salita lalong-lalo galing sayo.Wag kang mag-alala dahil hindi parin magbabago ang pagtingin ko sayo.Maria Francia Buban Ang sabi nila,ang rumi raw ng tingnan kapag puno ka ng tigidig sa mukha pero para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae kahit na tumadtad ng mga tagyawat ang iyong mukha ay mamahalin parin kita. By the way nabalitaan kong nawalan ka ng bente pesos kaya ang ginawa ko ay inihulog ko sa trash can ang 1,000 pesos sana makapasa ka ng projects mo at kung may natira pa ay wag mo na sa aking isuli at ipambili mo na lang ng undearwear 'yung cartoon characters ang brand.Diba paborito mo 'yun? Susuportahan na lang kita kung ano ang iyong nanaisin .Mahal kita!
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako ng stalker at ang mas masaklap pa ay hindi ko alam kung saan siyang classroom pumapasok pero aaminin ko,nagsisimula na akong kiligin sa mga txt niya sa akin kahit na may halong kamanyakan
Agad akong nagtungo sa basurahan at kinuha ang 1,000 na sinasabi niya.Sa muli kong pagpasok sa classroom ay nakita kong abala ang grupo ni Hot sa kanilang mga gadgets.Hindi naman siguro isa sa kanila ang stalker ko
BINABASA MO ANG
Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)
HumorHer name is Sisa Batutay . A typical nerd who wear a manang outfit pero ang hindi alam ng lahat isa pala siyang prinsesa ng England. Let's find out who is her the maniac stalker ! Book 1-completed book 2-ongoing Inspired : Boys Over Flowers This...