Sisa
Habang ako'y naglalakad sa campus 'di sinasadyang mapadpad naman ako sa garden kung saan si kuya Trevor tumatambay para tumugtog ng kaniyang violin at hindi nga ako nagkamali dahil nadatnan ko siyang tumugtog ng kaniyang violin.Shit! Mababaliw na yata ako sayo kuya Trevor! Bakit pa kasing kailangan pa kitang tawaging kuya?
Habang inihahakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya ay 'di ko maiwasan ang kabahan.
*Dubdub ... Dubdub ... Dubdub*Papikit parin siyang tumutugtog kahit na nararamdaman niya na merong taong nakikinig sa kaniya. Si kuya Trevor lang yata ang naging totoo sa akin at siya 'yung tipong lalaki na hindi marunong magsinungaling.
Nilalasap niya parin ang mga notang ginagawa ng kaniyang instrumento. Natigilan siya sa pagtugtog nito ng bigla akong nagsalita.
"Ang galing mo namang tumugtog," kinikilig kong sabiMarahan niyang ibinukas ang kaniyang blue eyes .Waaaaah!! Ang cute niya talaga!
"Oh bakit mo inihinto? Sayang naman. "
"Hehe. Nahihiya kasi ako kapag merong nakikinig sa aking tumutogtog lalong-lalo na sayo. "
Dahil sa kaniyang sinabi ay kaagad akong namula. Nahihiya siyang ngumiti sa akin kaya lumabas na naman sa kaniyang mukha ang mga malalim na dimples. Agad akong tumabi sa kaniya at siya naman ay humiga sa may damuhan.
"Ang ganda ng langit diba? "
Hindi ako sa langit tumitingin kundi sa maamong mukha ni kuya Trevor kaya hindi ko narinig ang sinasabi niya.
"Huh? "
"Ang aliwalas at ang tahimik ng paligid. "
"Parang ikaw. "
"Huh? May sinasabi ka ba nerd? "Kaagad akong nataranta sa ginawa niyang pagtanong sa akin.Ano ka ba nerd?! Wag kang magpahalatang may crush ka kay Trevor.
"Huh? Hahaha.Ang sabi ko oo nga! "
"Ah,akala ko kung ano. "Huminga siya ng malalim saka siya bumalikwas at pinitas niya ang santan para gawin niyang singsing.
"May nagbigay na ba sayong singsing?"
"Hehe.Wala pa po kuya!" Nagulat na lang ako ng bigyan niya sa akin ang singsingna ginawa niya kanina.
"Para saan naman 'to? " taas-kilay na tanong sa kaniya
"Bawal bang isuot 'yan sayo? Sorry. " Napakamot na lang siya ng ulo at tumingin siya sa malayo na tila nag-iisip"By the way kuya Trevor,meron ka na bang girlfriend ngayon? "
"Yes actually nag-aaral din siya dito. Gusto mo ba siyang makita? "
Ouch! Ine-expect ko sanang wala ang sagot niya.
"Ah,wag na! Baka pagselosin na naman niya ako. "
"Pfft..hindi naman siya selosa! Wait,ipapakilala na lang kita kay ate Heaven. "
"Huh? Sinong heaven? "
Heaven ba ang pangalan ng girlfriend niya? Pero bakit ate ang tawag niya kay Heaven?
"Girlfriend mo ba siya? "
"Hahaha.Nope! Kapatid siya ni Hell este ni hot "Pinaghihila niya ako palabas ng academy at agad kaming nagtungo sa puntod na halos mabura ang pangalan niya.
"Bakit hindi ninyo nililinisan? "
"Tsk.Dahil sa tuwing naalala lang niya ang nakaraan ay napapahagulhol na lang siya.Magkakasama kaming magbabarkada ng namatay ang ate niya. "Tsk.Ang sabihin niya ay ganun talaga ka-emo ang lalaking iyon!
Mayamaya bigla na lang dumilim ang kalangitan at agad-agad na bumagsak ang malakas na ulan kaya napilitan kaming sumilong ni kuya Trevor sa isang kubo pero habang kami sumisilong ay may nakita akong lalaking nakatayo sa mismong puntod ni ate Heaven. Gayun na lamang ang pagtataka kong hindi siya sumisilong at nanatiling nakatayo kahit na basang-basa na siya ng ulan.Nagulat na lang ako ng bigla niyang itinutok sa sentido ng ulo niya ang baril na hawak-hawak niya kaya kaagad kaming napatakbo ni kuya Trevor para pigilan siya.
BINABASA MO ANG
Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)
ЮморHer name is Sisa Batutay . A typical nerd who wear a manang outfit pero ang hindi alam ng lahat isa pala siyang prinsesa ng England. Let's find out who is her the maniac stalker ! Book 1-completed book 2-ongoing Inspired : Boys Over Flowers This...