Chapter 19

1.6K 54 5
                                    

Sisa

May halong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon.Lungkot dahil maiiwan ko ang mga masasayang alaala dito sa Pilipinas at masaya dahil makakabalik muli ako sa pinagmulan ko. Nalulungkot din ako dahil hindi sasama si Nathan papuntang England at mas pinili niya pang magpakasal sa iba.Tsk.Mabuti na lang nandito si Hot para alalayan ako sa lahat ng oras.

Tiningnan ko ang buong paligid at saka ako umakyat ng eroplano.
"Mamimiss ko kayong lahat! " Dahil nga nalaman ng nagmamay-ari ng airline na isa akong prinsesa ay minabuti nilang ipalulan ako sa private airplane. Sabi ko nga wag na dahil ayaw ko ng special treatment pero sila ang mapilit edi pinagbigyan ko na lang .

Maluha-luha kong pinagmamasdan ang kalangitan at hindi ko sukat akalain na makakabalik pa ako sa England matapos ang napakahabang panahon.Nagulat na lang ako ng biglang inilahad ni Hot ang kanyang panyo sa akin kaya naman kaagad ko iyong pinunasan.

Pagkabalik pa lang namin sa bansang England ay agad na tumambad sa amin ang mga taong kinakawayan ako.Bale nakasakay ako sa chariot at naga-guwardiyahan ako ng grupo ni Hot syempre. Nakasuot ako ng magarang damit at may nakapatong din sa ulo kong korona bukod pala sa korona ay may gwantes ding nakasuot sa kamay ko.Nagdaos din ng isang napakalaking selebrasyon ang buong kaharian.Marami akong nakikitang mga batang dina-drawing nila ang mukha ng pamilya namin sa bawat pader ng bahay nila,marami ring nagsasayawan at nagkakantahan sa bawat daan na dinadaanan ng karwahe. Nasasabik na akong makita ang hari at reyna.

Pagtungtong ko palang sa pintuan ng palasyo ay sinalubong na kaagad ako ng mga kawal na nakataas pa ang kanilang mga espada bilang pagbibigay galang at pagpupugay sa prinsesa.
"Welcome back,my magesty! " Sabay-sabay namang yumuko ang mga alipin ng palasyo sa akin
"Shhhh... Don't do this! " Kaya naman ay kaagad silang tumingala sa akin at isa-isa akong niyakap.

Pagpunta namin ng pamilya ko sa balkonahe para makita kaming buo ng mga mamamaya ng England. Biglang pinatunog ang trumpeta kaya naman mas lalo silang nagsisiyahan pero habang ako'y nakikipagkaway sa kanila ay may terorista ang sumira sa mga kasiyahan namin.

"Welcome come back magesty! " Nag-bow pa sila bago nila pinasabogan ang lugar.

Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Simula ng kaguluhan ay nagkawatak-watak na kaming lahat.Takot na takot ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sa sobrang pagmamadali ko ay naputol ang takong na sinusuot ko. Merong isang mahusay na gumamit ng pana ang sinubukan niyang panain ako.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para sana handain ko na ang sarili ko ang kapalaran ko pero nagulat na lang ako ng may narinig akong naghihingalong boses kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat ko na lang ako kung sino ang nagligtas sa akin.
"N-narito na ako mahal," nanghihina niyang sabi

NATHAN

Habang minamaneho ng driver ko ang wedding car ay hindi ako mapakali sa kinauuuan ko hanggang sa dumating na nga ang bride at magsisimula na sanang magmisa ang pari ng kaagad akong nagsalita.
"I'm sorry ,Clarissa pero hindi ko talaga kita minahal pero maniwala ka man o sa hindi ay sinubukan kong mahalin ka,hindi ko kayang diktahin ng isip ang puso ko para lang masalba lang ang kompanya. "
"What the hell are you doing ,Nathan? Nahihibang ka na ba? "

"I'm sorry,Mom and dad. " Agad akong tumakbo ng mabilis palabas ng simbahan at mabilisan kong pinaharurot ang kotse papunta sa airport.

Agad kong tinanong ang isang flight attendant.
"Ma'am ,may eroplano bang lumipad papuntang England? "
"Ay! Private plane po ba ang tinutukoy mo? "
"Yes ,'yun nga ang tinutukoy ko! Meron ba? "
"Umalis na po 'yun kani-kanina lang. "
"Haish. Meron bang eroplanong pupunta sa England? "
"Actually may eroplanong pupunta sa England. "
"Thank you! " Dali-dali akong bumili ng airplane ticket .

Pagkalapag pa lang ng eroplanong sinasakyan namin ay kaagad akong bumaba at excited akong sorpresahin ang mga tropa ako na nakahabol ako sa kanila. Nakipagsiksikan pa ako sa mga taong nagsisiyahan hanggamg sa matanaw ko mula sa malayo si Sisa na nasa balkonaheng kumakaway sa kanilang mga mamamayan.Hindi ko maiwasan ang mapaiyak dahil sa wakas ay nakabalik na rin siya sa dati niyang lugar. Pero may mga lalaki akong napansin,tila yatang mang-gugulo sila sa selabrasyon at hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang silang sumigaw ng ,

"Welcome back magesty! " Pagkatapos nilang sabihin iyan ay agad nilang pinindot ang remote device na dahilan para mapasabog ang buong lugar.

Nakakapanglumo dahil maraming tao ang nasagutan at namatay sa pagsabog. Nagkawatak-watak din sina Hot at Sisa kaya naman kaagad kong sinundan si Sisa na kasalukuyang tumatakbo dahil hinahabol siya ng lalaking magaling mamana.

Naputol ang takong na sisusuot ni Sisa na dahilan para mapahinto siya sa pagtakbo.

Patakbo kong lumapit kay Sisa at sakto namang papalapit sa akin ang pana kaya bigla na lang tumulos sa likod ko ang pana.

"N-narito na ako,mahal, "nanghihina kong sabi at pagkatapos kong sabihin iyan ay kaagad akong natumba sa mismong harapan ni Sisa at 'di ko ine-expect na sasaluhin niya ako.
"Nathan ,bakit mo 'yun ginawa ? Sa akin 'yun eh ! "

"D-dahil mahal kita at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang. " Hinawakan ko ang mga pisngi niya na kasalukuyang umiiyak pero iniiwas niya ang mukha niya sa akin.
"Sa tingin mo ba masaya ako kapag nawala ka? "
"W-what do you mean? " Pero bago ko marinig ang sasabihin niya ay may isang lalaking nagsniper sa kaniya kaya bigla na lang siyang napatihaya katabi ko .Ng uulitin niya pa ang pamamaril sa prinsesa ay pinilit kong tumayo at binaril iyong lalaki pero may iba pa palang kasamahan siya kaya kaagad akong pina-ulanan ng kanilang bala.
"Muli tayong maipapanganak ,hindi pa dito nagtatapos ang ating love story."

Maya't -maya pa narinig ko na ang mga boses nina Hot at Trevor.
"Nathan? "

"Dude!! Buhay ka diba?! Hindi ka pa patay! " Pero nakita ko si Hot na punong-puno ng hinagpis kaya naman ay hinalikan ni Sisa si Hot bilang paalam. Magkahawak-kamay kaming hinarap ang kamatayan at sabay naming ipinikit ang aming mga mata.

"Sisa!!! "

At ayun nga namatay kaming dalawa pero ito'y simula palang ng aming paglalakbay.Isang gabi noon habang ang mga tao'y tulog merong isang maharlika sa England ang pumunta sa kumbento dito sa Pilipinas para iiwan ang kaniyang supling.Balot na balot siya ng lampin at nakalagay pa ang supling sa isang basket.
"Mag-iingat ka ,anak.Pagpalain ka sana ng prinsesa ng England.Maging kagaya ka sana. " Inilagay ng ginang ang kuwintas ni prinsesa Sisa sa supling at pinangalanan itong Mikahela. Umiiyak na umalis ang ginang at sakto naman sa pag-alis niya ay ang pagbukas ng pinto at nagulat ang madre kung bakit may sanggol sa pintuan ng kumbento.

Nilinga-linga muna ng madre ang buong paligid at kinuha niya ang sanggol na nakalagay sa basket.

"Papangalanan kitang Suprema at papalakihing may takot sa diyos. "

Maraming klase ang pang-e stalk .Merong mga stalker na nais lang nilang mapanakit ng ibang tao at meron namang gusto lang mapansin ng kanilang minamahal.Siguro nasa pangalawa ako naka-category dahil ganiyan na ganiyan din ang ginawa ko. Mahirap ,magulo at masarap magmahal ng isang Nerd. Mawala man ako sa mundong ito ,alam ko hindi pa matatapos ang kamanyakan na ginagawa ng mga estudyante sa Flirty Academy. Ako ang tipong lalaki na kayang labahin ang nireglahan mong panty dahil ganun kita kamahal.Ako si Nathan Albania at ako ang stalker mong maniac .

*The end of Book 1*

Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon