ASKM2: Chapter 3

323 8 0
                                    

Suprema

Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay nang may nag-door bell sa labas ng gate. Hindi ko sana pagbubuksan sa kadahilanang winawalisan ko ang ilalim ng sofa kaya lang biglang lumabas ng banyo ang bagong ligo na si Ezekiel, pinupunasan niya ang basa niyang buhok gamit ang tuwalya.

Napatingin ako sa katawan niya. Halos makita ko na ang buong tinapay sa kanyang katawan, nakatapis lang siya pang-ibaba.

“Waaaah!!!!” Halatang nagulat siya sa biglaan ko pagsigaw. Mukhang magkakasala pa ako nito nang wala sa oras. Ano ba itong napasukan ko?

“Stop shouting!” Pagsasaway niya sa akin pero hindi pa rin niya ako mapigilan, sumigaw pa rin ako ng malakas hanggang sa maramdaman kong mayroong kamay ang nakatakip  sa bibig ko.

“Puwede bang tumahimik ka, ha? Baka mamaya niyan iisipin ng mga kapit-bahay na ginahasa kita,” palinga-linga niyang sambit.

“Waaah!!! Ginahasa niya po ako. Tulungan ninyo po ako!” Sinasadya kong lakasan ang boses ko para inisin siya lalo pero ako pala ang maiinis sa suaunod niyang gagawin.

Nagsimula na siyang humakbang papunta sa akin at ako naman ay umatras ako ng umatras hanggang sa wala na akong maatrasan at tuluyan na nga niya akong na-corner. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, wala siyang pakialam kung masaktan ako. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga.  Napapikit na lang ako sa kaba.

“Are you teasing me to kiss you?” Hindi na ako nakasagot sa tanong niya kahit na nakapikit ako alam kong nakangisi na naman siyang pang-aso. Diyos ko! Kayo na po bahala sa virginity ko. 'Wag po ninyong hayaan na isa sa kanila makakuha nun.

Nang ilalapat niya sana ang labi niya sa labi ko ay siya namang pagbukas ng pintuan na siyang kinabigla naming dalawa, sabay kaming napatingin Kung sino ang pumasok ng hindi nagsasabi kay Ezekiel.

“Wow!”
“Pare, hindi ko akalain na ganun ka pala kabilis.”
“Pare, hahaha! Namiss mo ba ako?”

Ilan lamang iyan sa narinig ko mula sa mga lalaking pumasok sa bahay ni Ezekiel. Sabay-sabay silang pumasok, akala nga namin didiretso sila kung nasaan kami naroroon pero dumiretso sila sa kusina at kanya-kanyang hagilap ng makakain nila.

“Ezekiel, may cerelac ka ba?!”

Pfft. Pinipigilan ko lang ang hindi matawa dahil hindi pa rin ako pinapakawalan.

“Ezekiel, nasaan na 'yung cake na binake mo?”

“Ezekiel, nilagyan mo ba ng maraming asin ang niluto mong soup? Grabe! Ang sama ng lasa.”

Pasimple kung tiningnan ng mukha ni Ezekiel at halos hindi na maipinta ang kanyang mukha . At sa wakas pinakawalan niya na rin ako kaya doon ako nakahinga ng maluwag.

Kaagad siyang nagtungo sa kusina kung saan binubutingting ng kaibigan niyang manyak Ang kusina niya. Nang mahimasmasan ako sa nangyari ay kaagad ko siyang sinundan at doon ko nakita kung gaano sila kasama.

Lahat ng mga gamit pang-luto pinaglutuan nila ng... hindi ko alam kung luto pa ba ang tawag doon dahil pinaghalo-halo nila ang lahat na pagkain na makikita nila sa refrigerator. Siguro kaning baboy ang tawag doon. Oo, kaning baboy ang matatawag ko iyon dahil halos ng niluto nila ay hindi na makakain. At ang mas ikinais ko pa inilagay nila iyon sa lababo at sahig.

P*ta! Parang mga bata kung umasta. Hindi naman sinabi ni Sir Hell na ganito pala kahirap ang mamasukan sa kanila. Akala ko madadalian ako sa trabaho. Tsk.

“What the h*ck!?" Sabay-sabay silang napatingin aa akin at sabay-sabay din silang tiningnan ng masama.

“Naglinis na ako dito tapos marurumihan lang pala ninyo?!” galit kong asik sa kanila habang nililigpit ko ang mga pinanggamitan nila.

“Ano ka nga ang purpose mo kung bakit ka nandito?”
“Para maging kasambahay. Para pagsilbihan kayo?”

“Then be our slave. Kung ano ang mayroon ang isa ay siya rin ang mayroon lahat.”

“You! You getting into my nerve!” Babatuhin ko sila ng kawali kaya lang mabilis silang kumaripas ng takbo paalis ng kusina.  Pakiramdam ko maagang kukulubot ang mukha ko nang dahil sa kanila.

Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon