Chapter 13

1.2K 58 0
                                    


  SISA

Umaga na naman kailangan ko pang mag-comute para makarating sa academy at habang tinatawid ako sa pedestrian lane may isang riding in tandem ang bigla na lang humablot sa cellphone ko.

Hinawakan ko ang hulihan ng motorsiklo nila at pilit na kinukuha ang cellphone ko.

"Ibigay mo na lang sa amin ang cellphone mo kung ayaw mong makaladkad. " Binilisan nila ang pagmamaneho at hindi ko parin binibitawan ang kanilang motor kaya ang tendency ay nakaladkad ako at napuno ng gasgas ang mukha ko na dahilan para mapisa ang mga tagyawat ko sa mukha.

Nagulat na lang ako ng may biglang humarang na isang ferrari car.Teka kilala ko 'yang kotse!

Isang lalaking may madilim na awra ang nakasandal sa kaniyang kotse.

"Talagang sasaktan niyo ang prinsesa ng England?" "Talaga? "

"Prinsesa sya? "

"Weh? 'Di nga! "
"Pinagloloko mo ba kami? Itong nerd na ito prinsesa? " Naki-usisa na rin pati ang mga motorista sa daan

"Hahaha.Ang pangit naman ng prinsesa! "

Ouch ha! Ang gwapo mo tokmol ka! Nahiya naman sayo ang mga pimples sa mukha ko.

Laking gulat na lang namin ng may inilabas na baril ang isa sa kanila.Bakit palagi akong malas kapag nakikita ko ang grupo nila?

Bigla na lang binaril ng isa sa riding in tandem si Nathan.Hala ka! May dugo akong nakita sa bandang tagiliran nya pero sya parang sisiw lang ang lahat.Kahit na sugatan sya nagawa nya pang lumakad palapit sa dalawa at nagulat na lang ang lahat ng bigla nyang sinuntok.Nanglilisik ang kanyang mga mata habang binubogbog ang dalawang 'yun 'di ko tuloy maiwasan ang matakot sa kanya.Tama nga si kuya Trevor hindi ko pa sila gaanong kilala dahil marami pa akong hindi alam sa kanila.

Ang kanyang kanang kamao ay kasalukuyang dumudugo pero hinahayaan nya lang itong tumulo. "Kapag ang manyak nagmahal asahan mong virginity lang ang habol nila sayo. " Hindi ko alam kung bakit ko 'yan nasabi.Basta! Iyan ang nasa utak ko! Bakit ba?

Sa halip na magalit sya sa akin ay nginisihan nya lang ako.

Pagkatapos na kuyugin ng taong-bayan ang riding in tandem ay dali-dali syang lumapit sa akin para tingnan ang galos ko kaya lang bigla ko syang kinurot .

"Araay!! "
"Ng dahil sayo muntikan akong mapahamak! "
"At ako pa talaga ang pahamak sa buhay mo ,ha?! "
"Oo at nang dahil sayo nalaman nila na isa akong prinsesa! "
"Tsk.Ayaw mo 'nun ? Ikaw ang attention seeker ng lahat! "
"Urghh!! Nakakainis talaga kayo! Pero paano niyo ako nakilala bilang prinsesa. "
"Ng dahil kay HOT."
"Huh? "
"Pasok ka sa kotse ko at doon ko ikukuwento ang lahat-lahat! "
"Ayaw ko nga baka rapin mo pa ako,eh. "
"Sa tingin mo ba pagnanasaan ko ang katawan mo? "

Natameme na lang ako sa tanong ni Nathan at agad naman akong pumasok sa kotse nya
.NATHAN

Sinigurado kong nakalock ang pintuan ng kotse at walang makakarinig sa pag-uusapan naming dalawa.

Agad kong ikinuwento sa kanya ang mga nalaman ko patungkol sa kanya.

Muli kong sinariwa ang alaala ng prinsesa ng England bago sya napadpad dito sa Pilipinas bilang isang flatchested na nerd.

-FLASHBACK-
Ang bansang England ang isa sa kinikilalang mayamang bansa dahil sa dalawang maharlikang namumuno.Napuno ng galak at excitement ang lahat ng taong naninirahan doon simula ng pinanganak ang prinsesa Sisa.

Madilim na ang gabi at halos lahat ng mga mamamayan ay sabik na masaksihan ang kapanganakan ng reyna sa kaniyang prinsesa. Inabangan nila ang paglabas ng mga kawal sa balkonahe ng palasyo upang ipabalita ang magandang balita sa kanila at hindi nga sila nagkamali dahil naganap na ang kanilang inaasam. Isang pag-unga ng sanggol ang nagpasaya sa isang reyna na nahirapang iluwal sya sa kaniyang sinapupunan.Ang magandang balita ay dali-daling ipinaskil sa mga siyudad na hindi kayang puntahan ang palasyo upang masaksihan ang kapanganakan ng prinsesa.

Napuno ng galak at tuwa ng lumalaki ang prinsesa dahil lumaki syang may mabuting puso sa mga mahihirap lalong-lalo na sa kanyang bantay.Tinuruan din sya kung paano humawak ng sibat at maging man pana ay tinuruan din sya.

Nakilala ng mga royal blood ang isa sa pinagkakatiwalaan nilang katiwala. Ito ang ate ni HOT, si ate Heaven.

Tapat syang naglingkod sa mga maharlikang pamilya kahit na isa syang secret agent at napagdesisyunan nyang isama ang kapatid nya sa England upang magkaroon ng kalaro ang prinsesa sa utos mismo ng hari.

Pagkarating ni Hot sa bansang kinalakihan ng prinsesa ay isang selebrasyon ang unang tumambad sa kanya.Ang masaganang ani at ang malakihang ambag ng buwis ng tao ang kanilang ipagdidiriwang.

"Hi? " Nakasuot ng magarang korona na nakapatong sa kanyang ulo At mamahaling damit ang suot ng prinsesa pero sa halip na batiin pabalik nagtago lang sa damit ng ate nya si hot . Nang lumaon naging magkaibigan silang dalawa hanggang isang araw dumating ang kinakatakutan nilang lahat-- merong mga dayuhan na balak sakupin ang mayamang bansa. Nagulantang ang lahat sa paglusob ng mga barbarong tao kaya ang ginawa ng hari at reyna para masalba ang lahat ng tao kabilang na ang prinsesa ay isinakay nila sa isang bangka ang mga bata dahil likas kay hot ang pagiging matigas ang ulo ay isinuway nya ang ate nya kaya naman isang putok ang umalingawngaw sa buong paligid .. "bang" bigla na lang bumulagta si ate Heaven at walang nagawa si Hell ang umiyak na lang habang pingmamasdan na walang buhay ang kanyang ate. Bigla na lang syang hinila ng mga kasamahan nya na dahilan para makasakay sya sa bangka perohabang sila'y naglalayag papunta sa airport kung saan biyahe Pilipinas ang nandoon . Isang bagyo ang sa kanila sumalubong na dahilan para tumaob ang bangka na sinasakyan ng prinsesa . "Prinsesa Sisa ! ' Pilit na sinisisid ni Hot ang kailaliman ng karagatan pero sya'y nabigo. Sinisisi nya ang kaniyang sarili kung bakit namatay ang ate niya at ang prinsesa ay muntikan niyang ipahamak. - END OF FLASHBACK - Kaya gayun na lamang ang pagkamuhiang nararamdaman ni Hell kay Sisa dahil bukod sa hindi maalala ni Sisa ang nakaraan ay medyon kahawig pa siya ng kaniyang ate . Pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat ay 'di na niya naiwasan ang mapahagulhol. Matapos ng mahabang pag-ngawa sa harapan ko ay sinadya kong biruin siya 'Total tayo naman ang nandito sa loob baka puwede kong gawin ang nais ko ' ' Na ano? ' Parang gets na niya ang nais kong ipahiwatig dahil diniinan niya naman ang sugat sa bandang tagilaran ko na dahilan para mapa-aray ako ng malakas. Mabuti na lang at nasa academy na kami ng mga oras na iyon . Kinuha ko muli ang cellphone ko at may tinext lang , hahaaha. Alam niyo kasi kung hindi niyo naitatanong lahat kami ay pinaglalaruan ang prinsesa . Oh diba effective? 'Daig pa ng manyak ang bad boy " Isend ko sa mga katropa ko ang message .Walang nakaka-alam sa tunay naming katauhan at kung ikaw ay isa sa mga babae namin , magtago ka na kung malaman mo ang mga sikreto ng bawat isa sa amin .  

Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon