Chapter 15

1.2K 49 6
                                    

SISA

Nagising na lang ako ng may note ulit na nakapatong sa mesa katabi ng lampshade for sure galing na naman 'yan kay stalker kong maniac at ang nakakatuwa pa dahil may nakahanda ng breakfast in bed .Nakuu!! Wag niya sanang dalasan ito at baka masanay ako.Agad kong binasa ang nakasulat.

Hi mahal! Gising na po. Hindi na kita ginising at baka masira pa ang araw mo kapag makita mo akong pinagmamasdan ka habang natutulog kaya ang ginawa ko ay pinaghandaan kita ng makakain.Pasensya na kung nasunog 'yung itlog na niluto ko ,ah.Alam mo kasi sa bahay namin si mama ang lumuluto sa mga pagkain ko pero sana magustuhan mo kasi nagkaroon pa ako ng paso sa mukha dahil lang sa pinirito kong itlog.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya sa sulat kaya kaagad ko namang tiningnan ang itlog na sinasabi niya .Pffft!! Totoo ngang sunog na sunog kulang na lang maging uling ang itlog Hay naku!Pinilit kong kainin ang niluto niyang sunog dahil alam ko nag-effort ang tao .

Nabalitaan ko na lang kay stalker kong maniac na may basketball tournament ngayon.Hmp! Wala naman talaga akong hilig manood dahil naiirita lang ako sa mga babaeng nagtitilian pero dahil iyon ang gusto ni stalker,sige ,pagbibigyan natin .


From: Ang Stalker Kong Maniac

Hi mahal ! Pumunta ka sa tournament ,oh ! Alam kong wala kang hilig manood pero pretty please... Ganito na lang,kapag nanood ka sa laro ko ay gagawan kita ng tula. Gusto ko kasing ikaw ang magcheer sa akin sa tuwing nakaka-3 points ako. Gusto ko rin na magsuot ka ng red stripe t-shirt para madali kitang makilala.Gumawa ka rin ng banner for me .Asahan kita doon huh ! Lovelots .

Kaya ang ginawa ko ay nagpagawa pa talaga akong banner para kay stalker pero walang hiyang gumagawa ng banner...Alam niyo ba ang nakasulat?

"I Love you,ang stalker kong maniac! "

Sinunod ko rin ang gusto niya na magsuot ng red stipe t-shirt .Tsk! Ang dami naman ng demand niya!

Pagkapasok ko pa lang sa basketball court ay naging center of attraction kaagad ako dahil sa suot ko. I hate this feeling! Pero sa halip na pansinin ko sila ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bench kung saan ako uupo. Wala akong ibang narinig kundi ang hiyawan at tilian ng mga babae at binabae lalong lalo na nung pumasok ang grupo nina Hot .Wait,kasali sila? Well,I guest.. Siguro nga marami pa akong hindi alam sa kanila.

"I love you Trevor!! "
"Mary me Thunder ! "

"I love you Troy ! "

"I love you Paul Justin! " Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng may babaeng sumigaw niyan .Seriously? Hindi pa nila alam na bakla si Pj ? hahaha.Poor little girl! tsk .

"Pakasal na tayo Hot ! "

Ilan lamang 'yan sa narinig ko mula sa mga fans nila. Maya'tmaya pa ay nagsimula na ang game.

Hindi ako mapakali kung sino sa kanila ang iche-cheer ko lalo na kung team pala nina Hot ang kasali sa basketball tournament.Bakit ba ako naipit sa ganitong sitwasyon ? Bahala na nga si batman !

"Nathan Albania for 3 ! "

Huminga ako ng malalim at kinuha iyong pompoms ng cheer dancers at nagcheer sa kanila.

"Go the maniac boys! Go the maniac boys! " Bahagyang nagningning ang mga mata nila ng makita ako kaya naman bigla tuloy silang ginahan sa second half of game kaya lang habang naglalaro sila ay biglang naka-injury si Pj.Kailangan sa laro ang labing dalawang kupunan at parang hindi napaghandaan ng eskuwelahan na ito na may mangyayaring aksidente .

Malaking kawalan si Pj dahil mahusay siya sa blocking kaya naman ang score nila ay

55-45 .Labis kaming nadismaya kung mababawi ba namin ang kampeonato.

Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon