Chapter 8

1.3K 65 9
                                    


  SISA


Kasalukuyan akong natutulog ng biglang tumunog ang alarm clock.
*Kriiiiiiiing* Tinatap ko iyon pero hindi ko mahawakan kaya napilitan akong tumayo para patayin ang alarm.
Naunahan na pala ako sa pila ng pagliligo dito sa apartment. Medyo naiinip na nga ako dahil ang tagal maligo ng mga kasamahan ko samantalang ako hindi tumatagal ng mahigit isang oras diyan sa banyo.
Pagkatapos ng mahabang paghihintay sa wakas nakaligo na rin ako.Naglagay na rin ako ng kung anu-anong beauty products para hindi lumala ang pimples ko.
Lumabas ako ng banyo around 7 A.M ,dali-dali kong pinunasan ang basang buhok ko at muli ko namang isinagawa ang daily routine ko kapag ako'y pumapasok ng school.Konting suklay ng buhok,lagay ng sipit at headban,lagay ng konting polbos, pagsuot ng sapatos at medyas at pagsuot ng uniforme.
At ang masakit na katotohanan sa akin,maghihintay na naman ako ng sasakyang hindi ako binabalewala. And thanks be to God dahil walang tsuper ng dyip ang choosy sa mga pasahero niya kaya mas napadali ang pagpasok ko ng school.

Pagpasok ko ng school ay parang pinagtinginan ako ng mga teacher sa campus.

"Parang kamukha niya ang prinsesa ng England! "
"Oo nga pero imposibleng siya dahil nerd siya at ayon sa nahagilap kong balita,parehong namatay ang mga magulang niya sa aksidente kaya imposible naman 'yang sinasabi mo. "

Tsk.Kaaga-aga pinagtsi-tsisman ako! Ano naman kung nerd ako? Porket nerd ay bawal ng maging prinsesa? Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.Naglagay na rin ako ng headphone sa dalawa kong tenga para hindi ko marinig ang mga panglalait nila sa akin.Ikakayaman ko ba kung papatulan sila? Hindi eh! Ako pa naman ang SSG president dito kung gagawin ko iyon ay baka masira kaagad ang reputasyon ko kaya mas mabuti pang manahimik na lang ako pero wag na wag nila akong susubukan dahil isa akong nerd na lumalaban at hindi umuurong kung ako'y inaapi.Maria Francia Buban Habang naglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin ay meron akong nakabanggaang bato I mean tao! Pareho kaming natumba at sumabog sa sahig ang dala-dala naming mga gamit.

"Sorry! Sorry! "
"Okay lang,nerd! "

Patuloy ko paring pinupulot ang sandamakmak na sahig at nang ibigay ko sa kaniya ay gayun na lamang ang pagkagulat ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Musta na nerd? "
"Ikaw?! "

Punyemas ka namang tadhana! Bakit nandito 'yung lalaking binasted ko noong last year? Haba ng hair ko diba ? Dahil ang nangligaw sa akin ay isang miyembro ng The Maniac Boys.Si Paul Justin Alcala. Feeling ko kasi hati siya at hindi pa niya inaamin sa kaniyang mga kaibigan niya na lalaki ang kaniyang gusto at hindi babae kaya napagdesisyunan kong wag siyang sagutin atsaka magwawala ang fansclub nila kung may isa sa mga papa nila ang magiging boyfriend ko.Edi iiuwi na lang sila,igapos at wag palabasin ng bahay para hindi mawala sa kanila ang itinuturing nilang papa.
"Infairness sayo! Flatchested ka pa rin. "
"Halikan kita bakla ka eh. "

May pagka -nerd din ang isang ito at katulad ko medyo may talino naman siyang ibubuga kaya lang mas pinili niyang mapunta sa last section dahil nandoon ang mga barkada niya.

Lumapit siya sa akin na dahilan para kabahan ako.Baka kasi totohanin niya ang biro ko sa kaniya.

"Hay naku,bakla! Hindi mo ako mahahalikan."
"Are you sure? " Ako na mismo ang lumapit sa kaniya at inilapit ko na ang mukha ko sa kaniya kaya lang bigla niyang inilayo ang mukha niya sa akin.

"F*ck ! Wag mong sabihin kay Hell na isa akong bakla sister! "

"Hahaha.See? Kaloka ka girl! Hindi ko ma-imagine na ang isang Paul Justin Alcala ay isang bakla. "

Taas-kilay niya akong tiningnan at aba ang loka! Inirapan ba naman ako? Pasalamat siya dahil may pusong mamon siya baka mamaya niyan ay napabugbog ko na siya.

"Wag mong sabihin kay Hell kundi baka masapak kita. "

"Promise,hindi ko sasabihin. " Itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang patunay sa sinabi ko.

Sabay kaming pumasok sa classroom kaya gayun na lamang ang pagtataka ng mga kaklase ko kung bakit kasama ko si Paul Justin.

Habang nakikipagdaldalan ang mga kaklase ko sa katabi nila ay siya namang pagpasok ng Biology teacher namin. Edad 50's ,naka-tiger look siya ,may gupit na shagy at may malalaking hikaw.

"Good morning class! Our lesson for today is about reproduction system."

Nagkaroon kami ng recapulation tungkol sa reproduction. Okay na sana ang recitation ang kaso bigla namang itinaas ni Gilbert Tan ang kamay niya. Si Gilbert Tan ang first cousin ni Hot.Siya ang pinakachildish sa grupo nila.

"Ma'am akala ko po ba sa puwet lumalabas ang baby bakit sabi mo ay sa vagina sila lumalabas? Ano ba talaga?! "

Napuno naman ng tawanan ang buong klase. Pati ba naman sa discussion isisinggit pa nila ang kamanyakan nila?

"Oo nga,Ma'am tapos kapag hindi na dinadalaw ang babae meaning menopause na siya o 'di naman ay buntis. "Namula naman si Ma'am sa sobrang galit at hiyang nararamdaman.

"At sabi mo rin, kapag dumadalaga na ay tinutubuan ng bloosom.Bakit si nerd na nanatili paring flatchested ang kaniyang boobs? "

Bakit pati ako nadamay sa kalokohan nila? Nanahimik ako dito sa upuan ko tapos narinig ko naman ang salitang "boobs" 'Yung totoo may problema ba sila sa dibdib ko ? Eh ano ngayon kung flat ito atleast tinubuan parin kahit papaano.

Nag-second the motion naman ako at confident akong tumayo para magsalita sa harap ng mga kaklase ko.Hindi na kasi nakakatawa ang mga biro nila! Ang sarap nilang ipasalvage at ipatapon sa planetang pluto.Palibhasa mga bobo sila kaya ganiyan sila magsalita.

"Are you true,Mr.Gilbert Tan? "
"Not yet. Bakit nga ba flatchested sayo nerd? Sa lahat ng kaklase kong babae ikaw lang ang may flat na boobs? "

"Hindi ko alam kung naging ganito ang boobs ko.Gusto mo palit tayo ng gender para maranasan mo ang nararamdaman naming mga babae. "
"Tinuturing pa namin kayong kuya dito sa classroom tapos hindi kayo nagiging good model sa amin. "

Sinesenyasan ako ni kuya Trevor na wag nang ipagpatuloy ang pakikipagdebate sa grupo ni Hot pero sorry siya kasi sa oras na sumabog ako ay hindi ko na napipigilan ang magiging matabil.Ang daldal kong nerd kapag nagagalit.

"Tapos tameme ka ngayon huh?! Nasaan ang dila mo? Umurong na ba? Mga estudyante pa lang kayo dito pero kung tratuhin niyo ang mga teachers dito parang walang pinag-aralan. "

Halos mangiyak-ngiyak ang biology teacher namin sa gilid dahil sa ginawa kong pagtatanggol sa kaniya.

"Pasalamat kayo dahil nandito pa kaming mga nerd kung hindi ay baka sa kangkongan pupulutin ang mga grado niyo. Nerd is always a nerd and maniac is always a maniac kaya kahit pagbabaliktarin pa ang mundo mananatiling mga manyakis kayo sa paningin ko. "

"Class dismissed! " Lumabas na lang ako sa classroom bago pa magkaroon ng away sa classroom.

Pumunta na lang ako sa cafeteria at pinagtinginan naman ako ng mga tao. Kapag bumalik na talaga ako sa pagiging prinsesa siguro mababago ang pananaw nila sa kapwa ko nerd.

Nilantakan ko na lang ang sandamakmak na pagkain na inorder ko at walang kahiya-hiyang tinanggal ang tinga sa ngipin ko.Naramdaman ko na lang na merong nagmamasid sa akin kaya natigilan ako sa pagnguya ng pagkain .Pagkatapos ng pagkain ko ng snack ay diretso agad ako sa library para magbasa ng mga libro.Palagi akong nag-aadvance reading para hindi ako nakanganga kapag tinawag ako ng subject teacher ko o maging man ng adviser ko.

Habang kumukuha ako ng mga libro sa bookshelves ay napansin ko ang isang lalaking kanina pa niya iniiyakan ang nasa litrato . Dala ng curiousity ko ay napilitan akong lumapit sa kaniya para makita ko ang mukha ng lalaki. Pagtingin ko sa mukha ng lalaki ay si Hell lang pala 'yun.

Matalim siyang lumingon sa akin kaya agad na nahulog ang mga aklat ko na hawak-hawak ko kanina "Ay! Nahulog 'yung aklat ko. " Agad ko iyong pinulot at nagkunwaring hindi nakitang umiiyak siya

Lalapit na sana siya sa akin ang kaso bigla na lang akong kumaripas ng takbo palabas ng library.Nagtaka nga ang mga estudyante kung bakit ako tumatakbo ang sabi ko hinahabol ako ni swiper kaya ako tumatakbo. Sino naman kaya ang babaeng nasa litrato at talagang iniiyakan ni impyerno? Ang drama pala ng lalaking iyon at pati ako ay nadala sa pag-iyak niya.

Gaya ng inaasahan ko ay muling tumunog ang cellphone ko.

From: Unknown

Hi! busy ka ba ngayon Sisa,the flatchested and bravely nerd ? Sorry kung naabala kita.Nag-eeffort talaga akong bumili ng simcard.Alam mo bang number mo lang ang naka-save sa phonebook ng cellphone ko? Nakakabakla mang pakinggan pero naadik na akong titigan ka pero sadyang manhid ka lang dahil hindi mo napapansin na nag-eexist ako sa buhay mo.Sana pagdating ng mukha ko sayo ay wag mo sana akong pangdirehan o kamuhian. Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay na nagiging madaldal ka na ngayon.Mas gusto ko pa iyong tahimik ka lang dahil hindi ikaw ang attention seeker ng lahat ng tao dahil ako lang ang nakakapansin sayo.Mahal, nasasaktan ako sa pinagsasabi mo sa amin ng grupo ko. Pinilit ko lang ang tumahimik kasi ayaw kong bumitaw ng masasakit na salita sayo lalong-lalo na kung ito'y ikakasama ng iyong kalooban. Kung puwede ko lang tawirin ang pacific ocean ay gagawin ko sayo. Sino ba naman ako diba? Prinsesa ka ng England samantalang ako ay isang bobong manyakis.Diba iyan ang pinamukha mo sa amin? Don't worry your secret is always be a secret .Wala akong sasabihan kahit kanino ganun ka ka-special pero sana dumating din ang araw na maging special din ako sayo.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng nabasa ko ang prinsesa ng England .How did he know my secret? Wala naman akong naalalang pinagsabihan ko ng sikreto ko.'Di kaya matagal na niya akong kilala? 

Ang Stalker Kong Maniac (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon