𝑳𝒂𝒕𝒆

1.5K 40 2
                                    


Chapter 5

Nakatulala lang siya sakin at hindi makapagsalita, namumula ang buong mukha niya ganon din ang tenga niya.

"B-bakit kasi h-hindi ka n-naglalock ng pinto!" nauutal niyang sabi bago tumalikod sakin. Bahagya akong natawa dahil sa pagkautal ng boses niya.

Agad akong may naisip ng makita ang reaksyon niya...

"you know what 'knock first before entering'?! Get me a towel pervert!" I shouted and simpered at the same time.


It's my turn to revenge stupid.

Agad naman siyang kumuha ng towel sa cabinet at ibinato sakin ng hindi nakatingin kaya na sapul ako sa mukha.



Walang hiya talaga kahit kelan!


Iniwrap ko ang towel sa katawan ko bago lumapit sakanya. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya napansin na lumapit ako, tumingkayad ako para makalapit sa tenga niya pero hindi ko parin abot!!



lintek.


"Hindi mo naman agad sinabi na type mo pala ako." malanding bulong ko sakanya.

Humarap siya saakin ng nakakunot ang noo pero kita kong nangangamatis ang mukha at tenga niya. Binaba niya ang tingin sa dibdib ko kaya napatakip ako don, binalik niya ang tingin sa mukha ko bago nagsalita.


"Ako? type ka? assumera ka rin no? Kung alam ko lang kanina na nandito ka sa loob hindi ko hahamaking pumasok pa, ayokong makakita ng monay." sabay talikod sakin at naglakad palabas ng bathroom.



Wait.


Monay?



Tinapay yun diba?





Anong ibi--




"ANG KAPAL MO! HINDI AKO FLAT CHESTED! PERVERT" sigaw ko.


Ang kapal niya! baka gusto niyang ingudngod ko ang pagmumukha niya sa dibdib ko ng magkaalaman kami.


Pero syempre joke lang akala niyo naman kaya ko yun gawin.


-

"Ang mga ibon.. na lumilipad..
ay mahal ng Diyos di ku-"

"Pang pitong ulit mo nayan! please naman, kung ayaw mong matulog, wag ka ng mangdamay pa, magpatulog kanaman." iritang reklamo ni Kumag. Pake ko sakanya? Gusto ko narin matulog no! Kaya lang naman ako hindi makatulog dahil sakanya!


"Share mo lang?"bulong ko pero alam kong narinig niya dahil sumagot siya.

"Abnormal." rinig kong bulong niya, pero hindi ko nalang pinansin.

Its already 11 pm pero hindi parin ako makatulog at dahil lang naman sa katabi ko.First time ko kayang matutulog na may katabing lalaki sa kama kaya hindi ako matablan tablan ng antok. Ramdam ko ring hindi makatulog si Kumag dahil pagalaw galaw siya sa pwesto niya kaya pati ako nadadamay sa galaw ng kama.


"Ang likot naman!" reklamo ko sakanya pero hindi siya sumagot.

First time niya rin kayang may katabi sa kama at babae pa?


Impossible!


Halata namang malandi tong lalaking na'to.

Nasa right side ako ng kama at nasa left side naman siya. Malaki ang space ng bed kaya ang ginawa ko nilagyan ko ng malaking pillow ang gitna naming dalawa. Mahirap na no! baka mamaya gapangin ako ng lalaking yan, aba! sisigaw talaga ako ng rape dito.


The Campus heartthrob is my Husband? Where stories live. Discover now