Chapter 8
Agad kong binawi ang kamay ko sakanya, kinakabahan tuloy ako! nakakagulat naman kasi ang ginawa niya no!
"Ang panget naman ng lasa ng dugo mo."
"s-sino b-ba kasing nagsabing s-sipsipin mo!" shit! bakit ba'ko nauutal?!
Tumawa siya ng malakas kaya tinignan ko siya, ano namang tinatawa tawa niya?
"T-tawa ka diyan?!" sinusubukan kong alisin sa isipan ko ang ginawa niya pero yung boses ko ayaw makisama.
"Parang sasabog na sa pula yang muka mo misis ko." nginisian niya ako kaya napahawak ako sa mukha ko.
Ano daw? Misis niya? Eww!
Kinuha niya ulit ang kamay ko babawiin ko sana pero agad niyang itinapat sa faucet para hugasan.
Sana yan yung naisip niya kanina diba? Hindi yung sinipsi- ARGHH!!! Gusto ko ng kalimutan! Napapikit nalang ako sa inis.
"Masakit ba?" napamulat ako bago sumagot sakanya ng pabalang.
"Obvious ba?" sarcastic kong sagot.
"ARAY!!! ano ba!" napasigaw ako ng bigla niyang pisilin ang daliri ko na may sugat. Tumawa lang siya ng malakas kaya binawi ko na ang kamay ko.
Gustong gusto niya talagang pinagtitripan ako huh? Umakyat na'ko at nilock ang pinto para hindi siya makatulog dito sa loob. Bahala siyang matulog sa sofa! Manigas siya!
-
"We'll end it here, you may take your lunch."
Nagsilabasan na ang lahat ako at si Kumag nalang ang natira dito sa loob ng classroom.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil naiirita lang ako sakanya.
Lagi talagang nakulo ang dugo ko tuwing nakikita siya! Lalo na pag nasa bahay! Fvck.
Buti nalang at hindi ko siya nakatabi kagabi sa pagtulog, ganon nalang ulit ang gagawin ko lagi para naman. payapa lagi ang tulog ko at walang dimunyung katabi. Napangisi nalang ako sa tuwa dahil hindi ko na siya makakatabi tuwing gabi.
"Happy huh?"
"Naman." sarcastic kong sagot sakanya.
"Dahil?" tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.
"Wala ka na don, Stupid."
"HAHAHAHA" napatingin ako sakanya dahil sa lakas ng tawa niya.
Tanga ba'to? tumatawa ng walang dahilan."Are you tanga? or siraulo?" hindi siya sumagot bago tumayo at kinuha ang gamit niya.
"Ikaw! hindi ako.." sabay ngisi niya, itinaas niya ang daliri niya na may nakasabit na susi. Natawa lang ako sakanya, anong connect ng susi?
"Next time wag ka ng magbalak na maglock ng pinto." ngumisi siya bago lumabas ng classroom.
Ilang segundo bago nagsink in sa utak ko ang sinasabi niya. Napahampas nalang ako sa noo ko dahil sa bwiset sakanya. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at sinubukang matulog para makalimutan ko ang lintek na kumag.
"look who's here.." napatingala ako ng may humawak sa buhok ko.
"Bibitawan mo o bibitawan mo?" tumawa silang tatlo bago hinigit ni Mila ang buhok ko.
"Tapang mo ah? Bakit? dahil may Ainsley ka?" natawa ako sa sinabi niya kaya mas lalong naginit ang ulo
niya at hinigit ang buhok ko pataas kaya napatayo ako.
YOU ARE READING
The Campus heartthrob is my Husband?
Novela Juvenil𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒂𝒏 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒊𝒕'𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒕𝒆𝒎𝒑𝒐𝒓𝒂𝒓𝒚.