Chapter 6
Natawa lang siya sa sinabi ko kaya tinignan ko siya, may nakakatawa ba sa sinabi?
"Anong nakakatawa?" kunot noo kong tanong bago lumayo sakanya dahil nakahawak siya sakin. Sinubukan kong maglakad kahit papaano hindi na'ko nahihilo pero hinawakan niya ulit ako.
"Get your hands off from me." seryoso kong sabi pero hindi niya ko pinansin at patuloy lang sa pagalalay sakin, kaya na itinulak ko siya.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko, ang kulit niya kasi!
"Okay lang ako." seryoso kong sabi sakanya.
Nakita ko siyang may kinakapa sa bulsa niya at parang may hinahanap, tumalikod na ako sakanya at naglakad na palayo.
Hindi pa ako nakakalayo may biglang humigit sa wrist ko mula sa likod kaya na paharap ako sakanya sa likod.
"Ano nanaman ba?" irita kong tanong sakanya, at binawi ang kamay ko. Ang hilig niyang humawak nakakairita.
Hindi siya sumagot sa tanong ko at nakatingin lang sakin ng daretso. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang isang panyo.
"Ano to'?" taas kilay kong tanong sakanya.
"handkerchief."
"Stupid. I know, what I mean is bakit mo'to binibigay sakin."
Hindi niya ko sinagot at ngumiti lang sakin bago umalis. Pinagmasdan ko ang panyo na binigay niya sakin, ano namang gagawin ko dito?
May '𝓚 ' na initial sa baba.
Bakit K? diba Adrin pangalan niya?
-
Nakahalumbaba at nakatingin lang ako sa bintana habang inaantay dumating ang last subject teacher namin.
Ilang minuto lang ang nakalipas, dumating na ang subject teacher namin kasabay si Kumag.
Nagtama ang tingin namin pero inirapan ko lang siya at umayos na ng upo.
Habang nagdidiscuss si Sir Jakson, pansin kong parang nakatingin sakin si Kumag kaya nilingon ko siya at tama nga ako, nakatingin nga siya.
Ilang segudo kaming nagkatitigan bago niya binalik ang tingin sa harapan.
"that's all for today, see you tomorrow
HUMSS - II."
Lumabas na si Sir Jackson, kaya nagsimula ng magsilabasan at magayos ng gamit ang iba. Habang inaayos ang gamit ko, nanlaki ang mata ko ng biglang hawakan ni Kumag ang chin ko at iniangat.
"Anong nangyari diyan?" seryosong tanong niya sakin. Agad akong napalingon sa paligid, nang makita kong nakatingin sina Mila saaming dalawa at parang gusto akong patayin dahil sa ginawa ni Kumag. Hindi ko inalis ang kamay ni kumag sa baba ko, mainggit ka bitch.
Patay na patay kasi yang si Mila kay Kumag, ewan ko ba kung anong nakita niya dito sa nilalang na'to.
"huh? Pinagsasabi mo? " kunot noo kong tanong sakanya bago inayos ulit ang gamit ko kaya napabitaw siya sa baba ko. Bigla niyang hinawakan ang wrist ko at hinigit ako papalapit sakanya.
YOU ARE READING
The Campus heartthrob is my Husband?
Teen Fiction𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒄𝒂𝒏 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒊𝒕'𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒕𝒆𝒎𝒑𝒐𝒓𝒂𝒓𝒚.