CAMILLE
Bigla akong napamulat, ang sakit ng ulo ko. Tumayo ako sa hinihigaan kong puting kama. Nilibot ko ang paningin ko. Puro puti at may maliit na lamesa sa tabi ng higaan ko.
Ano bang ginagawa ko rito? Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sobrang sakit talaga. Kahit anong pilit kong alalahanin ang mga nangyari, wala akong maalala.Napatingin ako sa pintuan dahil bukas ito. Tumayo na ako at naisipan kong lumabas ng silid. Nasa hospital pala ako. May ilang nurse at doctors akong nakakasalubong. Hindi ko na lang sila pinansin. Gusto ko nang umuwi sa condo at maligo.
Dire-diretso akong lumabas ng hospital pero hindi man lang ako pinansin ni Manong Guard. Isinawalang bahala ko na rin sya. Grabe ang init init. Tirik na tirik ang araw.
May isang nurse na may bitbit ng isang karton. Dire-diretso lang ang lakad nya patungong direksyon ko. Pumagilid na agad ako. Nung makalampas sya. Sinigawan ko sya. "Hoy kuyang nurse! Bulag ka ba?!" pero mukhang nagbingi bingihan lang sya at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng hospital.
Nag-abang na ako ng taxi na masasakyan. Sino ba kasing nagdala sakin sa hospital na to?! Bakit wala akong maalala? Para ako nang para sa mga dumadaang taxi pero hindi man lang tumigil. Ilang sandali pa may tumigil na jeep. Papatusin ko na nga to, gustong gusto ko nang maligo eh. Pumasok na ko sa jeep. Kasunod ko ang isang lalaki at isang mag ina.
Nang makaupo ako, bigla naman akong uupuan ng lalaki. Kaya umisod pa akong konti. Bwisit na to. Kaya ayaw ko sa jeep eh, minsan bawal ka magreklamo. Tapos punong puno na, magsasakay pa.
"Manong para" sabay pa kami ng pagkakasabi nung babae na katapat ko. Kumuha ako ng barya sa bulsa ko at inabot dun sa driver pero ayaw nyang kunin nung inaabot ko. Tapos nung yung babae na ang mag aabot, inilahad nya ang kamay nya. "Salamat manong" sabi ko don kay manong. Nakalibre pa ko ng sakay.
Bukas naman yung pinto, siguro dahil nagbabanyo yung nakaduty na guard. May ilang tao na nagaabang sa elevator kaya sumabay na ako sa kanila mag-abang. Nung bumukas na ang elevator sumakay na ko don at naghintay na makarating sa 8th floor. Nandon kasi ang kwarto ko.
Nung makalabas ako don tumungo ako sa pintuan ng kwarto ko. Sinusubukan kong pindutin yung lock keypad pero ayaw matouch. Sira na ata o naghahang? Wow. Ngayon pa umarte to. Kainis.
May narinig ako nagtatakbuhan. Napalingon naman ako sa direksyon na yun, may lalaking tumatakbo at hinahabol ng lalaking nakaitim.
Nakaitim.
Biglang sumakit ulit yung ulo ko. "Tabiii!" sigaw nung lalaki sakin. Pero dahil sumasakit yung ulo ko, hindi ako makaalis o makatabi man lang. Patuloy pa rin sya pagtakbo.
O_________O Malapit na sya. Kaya napapikit na lang ako at hinihintay ang bunguan namin.
3
2
1
Pagmulat ko isang ruler na lang ang layo nya sakin tapos bigla syang tumagos sakin. At nawala yung nakaitim na humahabol sa kanya. Wait, what?! Bigla syang tumagos?! Impossible. Nanaginip lang ako. Oo tama panaginip lang to kasi imposibleng tumagos sa kin ang isang tao.
Hindi kaya multo yung nakita ko kanina? Eh? Totoo ba ang multo? Sinundan ko yung lalaking tumatakbo. Pero hindi ko sya makita. San na nagpunta yun? Tapos napansin ko yung kapitbahay ko.
"Aldrine!" tawag ko sa kanya. "Oyy Aldrine!" hindi nya pa rin ako nililingon. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya at inabot yung braso nya pero tumagos lang ang kamay ko sa braso nya.
BINABASA MO ANG
Don't Wake Me (Under Revisions)
Short StoryYour Typical Stories #02 Camille Malik May 27,2017