EIGHTH

28 5 0
                                    

CAMILLE

Pumasok na kami sa Harry Houdini's Magic Shop. Ang ganda dito sa loob. Para sakin parang makaluma ang dating nya.


Nasabi ko na bang first time kong magE.K? Never pa kong nakapunta sa mga amusement parks. Yep. 20 years na kong nabubuhay pero hindi ko pa to nagagawa.

Masaya ako na si Jayson ang kasama ko sa first time na to. Naglibot libot kami sa loob ng shop. Si Jayson, busy sa pagtatry nung isang stuff. Ako naman, napansin ko yung antique na vase na may blue linings. Meron itong mga blue na flowers. Ang ganda ng mga ito.

"Forget-me-nots"

Napalingon agad ako sa nagsalita. Yung nagbabantay pala sa shop. Actually, may dalawang nagbabantay dito. Isang babae at lalaki. Buti yung babae yung nakapansin sa kin.

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin nyang mga bulaklak na yan?" tanong nya sakin.

Kamukha nya yung babaeng photographer sa labas. Magkapatid ba sila o kambal? Impossible naman siguro. Hahaha.

"Maraming meaning yan. First, growing affection between two people. Second, true and undying love" tumigil muna sya sa pagsasalita. Kumuha sya ng isang stem ng bulaklak at parang sinusuri nya ito. "Third, reminders of your favorite memories or time together with another person. Fourth, remembrance during partings or after death" dagdag nya pa.

Pinalutang nya yung stem na may bulaklak. Woah. Ang galing. Then, in just a snap, naging kwintas yung bulaklak.

"Te-Teka, pano nyo na----" tanong ko sa kanya pero hindi nya na ako pinatapos.

"This is a magic shop dear" sabi nya at hinawakan ako sa balikat. "The fifth meaning of these flowers is not mine to tell" sabi nya at bumalik doon sa pwesto nya dala dala yung kwintas.

Ako naman, tumingin ulit sa forget-me-nots. Ang ganda nila. Pati yung meaning. Sa tingin ko makakatulong ito sa mga may Alzheimer's disease.

"Let's go?" yaya ni Jayson. Tumango na lang ako at lumabas na kami ng shop. Niyaya nya akong sumakay sa space shuttle.

"Seriously Jay?! No, no way!" pagmamatigas ko. Kitang kita naman kung gano kaextreme yang ride na yan eh. Pano kung mamatay kami jan? Bigla kaming atakihin sa puso.

"Tara na. Minsan lang eh" sabi nya tapos binuhat ako ng pangbridal style.

Nagulat ako sa ginawa nya kaya hindi ko alam kung pano magrereact. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Gusto kong pumalag sa ginagawa nya pero parang ayaw sumunod ng katawan ko.

Namalayan ko na lang na nakaupo na kami at naghihintay na lang na umandar ang inuupuan namin. Sobrang higpit ng hawak ko don sa panglock samin. Jusko Lord alam kong ayaw ko pang magpakuha pero pwede bang kunin nyo muna ako ngayon tas ibalik na lang?

Nagsimula nang umandar yung ride. Puro sigaw ang ginagawa ko hanggang sa hinawakan ni Jayson yung kamay ko.

Hindi na naman ako makapag-isip ng ayos. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ghad! Biglang sumigaw si Jayson pero wala akong naitindihan ni isa sa mga sinabi nya dahil puro hiyawan at iritan ang naririnig ko. Pagtapos nyang sumigaw nginitian nya lang ako. Automatic naman na nagsmile back ako.

Pagkababang pagkababa namin, binatukan ko sya. "What was that for?!" tanong nya.

Aba't?! Nagtanong pa talaga sya ah. Sinamaan ko lang sya ng tingin at binatukan ulit. Niyaya nya naman akong sumakay sa Disk-O-Magic. At jusko! Nang para akong tinatapon sa ere. Tapos ako naman ang nagyaya, sabi ko don kami sa Jungle Log Jam. Ayaw nya raw kasi boring pero pagtapos ng ride gusto nya pa raw ng isa pang ulit. Abnormal di ba?

Pagtapos naming umulit, naglakad lakad kami. 7:30 p.m na. 30 minutes na lang, expired na yung bisa nung bean na kinain namin. Last ride na.

"Last ride na lang tayo. Pagod na ko" sabi ko kay Jayson. Nginitian nya lang ako at hinawakan yung kamay ko. "San tayo pupunta? Ayoko na ng extreme rides ah" sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya.

Wheel of Fate.

[Play: Moments by One Direction]

Buti naman hindi extreme. Sumakay na kami. Tahimik lang kaming dalawa at ineenjoy ang moment. Ang ganda ganda ng view mula rito. Nang makarating kami sa tuktok, kitang kita ang mga parte ng Enchanted Kingdom. This place is really enchanted, indeed.

Ang ganda tingnan ng mga lights. Hindi ko alam pero biglang tumigil itong ferris wheel na sinasakyan namin at nasaktuhang nasa pinakatuktok pa kami. Imbis na kabahan ako, lalo akong namangha sa nakikita ng mga mata ko. Ang gaganda ng fireworks.

"Cami" tawag sakin ni Jayson. Nilingon ko naman sya. Pinakita nya sa kin yung hawak hawak nyang kwintas.

O______O yung forget-me-not na kwintas.

"Papanong napunta sayo yan?" tanong ko sa kanya.

"Dahil ginusto ko." sabi nya. At unti unti syang naglean forward sa akin. "Para sayo" sabi nya at sinuot sa akin yung kwintas.

"Fifth, this flower means a connection that lasts through time" sabi nya. "Connected ka na sakin kahit anong mangyari katulad nung red strings natin" dagdag nya pa at ngumiti. Napangiti na lang din ako sa kanya.

Laging hindi ko mapaliwanag ang nararamdam ko para sa kanya. Sobrang saya ko ngayon. "Thank you" sabi ko sa kanya.

Lagi kong matatandaan ang araw na to lalong lalo na ang moment na ito.

Nang matapos kami don sa wheel of fate, ilang sandali na lang bumalik na kami sa dati. Pero nakasuot pa rin sa kin yung kwintas. Ang buong akala ko, mawawala ito.

Nandito na kami sa mismong labas at tapat ng entrance. Naglalakad na kami ni Jayson papunta don sa building na pinupuntahan namin. Bigla nya akong hinawakan sa wrist at iniharap sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon.

"Camille" sabi nya. Gusto kong sumagot pero di ko magawa. Pakiramdam ko nalulunod ako sa bawat tingin nya. "Gusto ko sanang sabihin sayo na..... " napatigil sya sa pagsasalita at parang nagdadalawang isip pa sya kung sasabihin nya. "Camille, matagal na kitang gust------"

"Mommy?"

°°°°°°°°°


Vote/Comment/Share readers. Maappreciate ko po talaga. 😊🐱

P.S please click the '⭐️' star before proceeding to the next part of the story. Thank youuu. 😘

Don't Wake Me (Under Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon