TENTH

31 4 0
                                    

JAYSON

Nagising ako sa isang kwarto tapos kahit anong pilit ko, wala akong maalala. Ilang araw akong pagala gala. Tapos nalaman ko na lang na isa na pala akong kaluluwa. Hanggang makilala ko si Tanda. Hindi ko alam kung goblin sya o witch.

"Pag nakita mo ang katawan mo, makakabalik ka na at hindi mo maalala ang mga nangyari habang kaluluwa ka pa" sabi nya sakin

"Eh pano kung ayaw ko pang bumalik?" tanong ko sa kanya. Naenjoy ko na kasi ang pagiging multo.

"Pag nakita mo at hindi ka bumalik, mamamatay ka na once nahuli ka ng reaper." sabi nya tapos naglaho sya.

Ako naman eto, hinahanap ang katawan ko. Nakita ko naman agad ito nang maglibot libot ako sa hospital na pinanggalingan ko. Tapos nakita ko rin yung babaeng sinugod sa E.R.

Ang ganda nya. Nakita ko syang lumabas sa isang kwarto at hindi nya pa alam ang mga nangyayari. Sinundan ko sya hanggang sa condo. At hinabol naman ako ng isang lalaking nakaitim. Then boom! Tumagos ako sa kanya. Then nagkakilala kami and the rest is history. <3

Unang kita ko pa lang sa kanya gusto ko na sya. Akala ko patay na sya. Hanggang sa makita ko yung katawan nya. Buhay pa sya. Nagpakaselfish ako at hindi sinabi sa kanya dahil gusto ko pa syang makasama.

Tapos nagdesisyon ako na umiwas sa kanya. Tatlong araw. Sa bawat araw na yon, para akong pinapatay. Hindi ko kaya nang hindi sya nakikita at nakakasama. Kaya napagdesisyunan kong bantayan sya sa mula sa malayo.

Sinusundan ko sya kahit saan sya pumunta. Hanggang sa makilala nya si Klesi. Sumunod ako sa kanila at nakita ako nung lalaki.

Bago ako nakipagkita sa kanya, pumunta muna ako kay Tanda. Nanghingi ako ng pabor sa kanya.

Nung makalapit ako kay Camille, wala akong ibang gustong gawin kundi yakapin sya at hindi pakawalan pa.

Alam kong pupunta ng E.K yung mama nya, kaya doon ko sya niyayang pumunta.

My selfishness needs to end. I need to let her go. I've had realized that there are things we can't live with but we have to let it go. Cami deserves to live again.

Pero bago sya umalis gusto ko munang malaman nya yung nararamdaman ko. Bago ko pa man masabi sa kanya, nakita na nya ang Mama nya. No choice ako kung di sundin ang sinabi nya.

Naghintay ako sa rooftop. Hanggang sa dumating si Tanda. "Alam mo lahat ng mangyayari, pero hinayaan mo lang" sabi nya.

Anong magagawa ko? Mahal ko si Cami. Ayoko mang malayo sa kanya, pero ito ang makakabuti.

"At alam mo ring hindi ka na makakabalik" sabi nya. "Desisyon mo yan" dagdag pa nya at tuluyang naglaho.

Bumalik si Cami at sinabi lahat. Hanggang sa dumating yung lalaki. Ang huli ko na lang na nasabi sa kanya ay mahal ko sya. Sapat na yon.

Don't Wake Me (Under Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon