CAMILLE
Two years later...
"Bye Ma" paalam ko kay mama.
"Make sure makakapunta ka sa dinner mamaya, may ipapakilala ako sayo" nakangiting sabi nya habang nakaupo sa swivel chair nya. Here she goes again.
"Ma naman eh, ayoko nga. Hi----"
"No, no, no dear. It's not what you think it is. Yung best friend ko ang nagyaya" paliwanag nya. Yun naman pala.
"Okay." sabi ko at ngumiti sa kanya at umalis na sa office. Sumakay ako sa elevator. Habang naghintay na makarating sa ground floor, chineck ko yung phone ko.
Nang marating ko yung ground floor, pumunta na ako sa parking lot. Gustong gusto ko nang umuwi sa penthouse ko dahil napagod ako sa byahe, actually nagbakasyon ako sa Japan and kababalik ko lang sa Pilipinas at naisipan kong dumaan kay Mommy.
Pagkadating ko sa lobby ay dumiretso na agad ako sa elevator at tumungo sa penthouse. Pinili ko yung penthouse kasi nasa mismong rooftop sya. Parang pinatong lang na bahay sa rooftop. Pakiramdam ko kasi pag nandoon ako sa may rooftop parang kasama ko na rin si Jayson.
*Ting!*
Nandito na ko sa 18th floor kailangan ko pang maghagdan para marating yung penthouse ko.
It's been two years. Two long years na wala si Jayson sa tabi ko. Two long years na akong nakakulong sa kahapon. Two long years na ----------- ay pakshet! Nagdadrama pa ko eh!
Bigla ba namang may bumangga sa akin. Shet naman oh. Nalaglag pa yung cellphone ko. Pagkapulot ko ng cellphone ko at nilingon ko pa yung tumatakbo. Tsk. Bastos.
Pumasok na ko sa penthouse ko at nagpahinga na. Very exhausting day for me. Nag-shower na ko at nagpahinga.
Ilang beses na kong nagpaikot-ikot dito sa kama pero hindi naman ako tamaan ng antok. "I miss you" bulong ko.
Two years na since nung huling kita ko kay Jayson. Is he already at peace? Sana naman, sobra ko syang mahal eh. So many guys tried to court me pero I always say no. Okay lang na tumandang dalaga na lang.
Tiningnan ko yung phone ko para malaman kung anong oras na, shit. It's already 4 pm and I have a dinner to attend later. Kailangan kong pumunta don kasi minsan lang magrequest si Mama siguro kasi natrauma na sya nung huli.
Nagshower ulit ako at nagsuot ng jeans at off-shoulder. Magkakape na lang muna ako. Hinanda ko na rin yung isusuot ko mamaya. Simple red dress lang yon.
Kinuha ko na yung susi ko at nagdrive papunta sa pinakamalapit na mall. Ano bang uunahin ko? Maggogrocery ba muna ako o magkakape? Secret. Chour ewan.
Pumasok na ko sa supermarket, hmmm gusto ko ng chocolates. Habang nasa section ako ng mga chocolates, nakita ko yung batang umiiyak. Shit! Is she lost?
Nilapitan ko yung bata. "Why are you crying? Are lost?" tanong ko sa kanya.
She looked at me "Ye- yes po. I wa-was with my tito e-earlier" she said between her sobs.
Pano ba to! San ko dadalhin? Sa presinto? OA ko naman. Ano ba hanep. "I'll stay here with you na lang. Let's wait for him here?"
Oo tama, samahan ko na lang sya dito. Babalikan naman siguro sya. I mean ganon di ba? Bilin ng parents lagi na pag nawala tayo, let's just stay kung san tayo naiwan kasi for sure matatrack nila tayo. Ah potek, wala nang sense sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Don't Wake Me (Under Revisions)
Короткий рассказYour Typical Stories #02 Camille Malik May 27,2017