CAMILLE
"Magkita na lang tayo sa rooftop nung pinakamataas na company" sabi ni Jayson.
"Ah sige" sagot ko naman sa kanya
Pero tatlong araw na ang nakalipas, wala pa rin sya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Asan na ba kasi sya nagsusuot?
"Bukas, iiwan na talaga kita at hindi na ko maghihintay pa!" sabi ko sa sarili ko.
Teka, impossible naman yun. Hindi ko naman sya kayang iwan eh, kaya kahit anong mangyari, maghihintay pa rin ako. Hindi naman ako nakakaramdam ng mga sakit kaya sigurado akong okay lang sya.
Nasan ka na ba Jayson? Iniwan mo na ba ko? Sabi mo you will always be here, pero nasan ka ngayon?
Naisipan kong umalis muna sa building na yun at maglibot libot. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ng dumukot na lalaki sakin nung nakaraan.
"Hoy! Mukhang mawawala na rin naman ako, hanapin mo na agad ang katawan mo nang makabalik ka na. Pag nakita mo yun. Mabubuhay ka. Ingatan mo ang sarili mo"

Katawan? Paano kung nakalibing na ko? Paano pa ko mabubuhay? Babalik ba ko sa katawan ko para magkaron ako ng peace? Paano ko naman mahahanap ang katawan ko?
Aaaarrrghhhh! Gulong gulo na ko. Nasaan na ba si Jayson? Nalulungkot na ko, parang hindi ko kaya na wala sya sa tabi. Ang boring boring lagi. Wala akong inaaway. Wala akong kasagutan. Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nung may pumitik sa noo ko.
Jayson, miss na miss na kita.
"Miss! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo"
Pag may reaper ba na kukuha sakin ngayon o kahit na baliw na multo ang kumuha sakin, darating ka ba?
"Hays, miss! Ano ba?!"
BINABASA MO ANG
Don't Wake Me (Under Revisions)
Short StoryYour Typical Stories #02 Camille Malik May 27,2017