THIRTEENTH

19 4 0
                                    

CAMILLE

Pumasok ako sa loob at tumingin sa mga tinda dito. Nakuha ng isang vase na may blue flowers ang atensyon ko. Ang gaganda nila. Kumuha ako ng isang stem.

"Psh. I-enjoy na lang natin pwede ba?"

"Shh. I'm here"

"Aahh" heto na naman ang ulo ko ang sakit.

"Astig di ba? Tara"

"Hi, I'm ------------"

Biglang may kumuha ng bulaklak mula sa pagkakahawak ko. Nawala yung sakit ng ulo na nararamdaman ko.

"Forget-me-not" sabi nung babaeng kumuha. Teka, sya yung kanina sa stall ah.

"Alam mo ba ang meaning ng bulaklak na ito? Yung sinisimbolo nya?" tanong nya.

"Hindi po ako interesado eh" sabi ko tapos ngumisi lang sya.

"First, growing affection between two people." sabi nya at binigyan ako ng isang stem.

"Second, true and undying love" binigyan nya ulit ako ng isang stem.

"Third, reminders of your favorite memories or time together with another person." another stem na may bulaklak ulit.

"Fourth, remembrance during partings or after death" sabi nya at binigyan ako ulit ng isang stem.

Pinalutang nya yung mga stem na may bulaklak. Woah. Ang galing. Then, in just a snap, nalagyan ng ribbon ang lahat ng stem pero nawala yung mga bulaklak. Binigay nya ito sa akin. Ngayon, meron ang five flowerless stems. Great.

"Te-Teka, pano nyo na----" tanong ko sa kanya pero hindi nya na ako pinatapos.

"This is a magic shop dear" sabi nya at hinawakan ako sa balikat. "The fifth meaning of these flowers is not mine to tell" sabi nya at itinuro yung kwintas ko.


Napahawak naman ako sa kwintas. Hindi ko maalala kung saan ko ito nakuha. Pati nga nagbigay eh. Basta paggising ko nakasuot na sakin ito. Ayoko namang tanggalin kasi ang ganda. Dè javu. Parang nangyayari na to ah. Hindi ko lang maalala kung kelan.

Lalabas na sana ako kaso ang hinawakan nya yung wrist ko. "Maybe your mind can forget, but I believe your heart can't" sabi nya at pinagbuksan ako ng pinto.

Ngumiti na lang ako at pagkalabas ko, madilim na at bukas na ang mga lights. Napatingin naman ako sa relo ko. Shocks, 7:30 na pala? Hala. Naglibot libot pa ako. Wala man lang akong sinakyan dito.

Napatigil ako sa tapat ng isang malaking ferris wheel. Wheel of Fate.
Well, I guess this ride can be my first. Sumakay na ako sa ferris wheel. Ilang saglit pa eh, umandar na ito.

"First, growing affection between two people"

"Hi, I'm Jayson"

"Camille"

Nakita ko ang sarili kong nakipagkamay sa isang lalaki pero di ko maaninag ang mukha. Kasabay nito ang pagkakaroon ng bulaklak ng stem. Woah.

"Second, true and undying love."

"Sa susunod, bilisan mo ang lakad nang di ka maiwan."

"Dito ka lang sa tabi ko para walang mangyari sayo."

Same guy. Medyo lumilinaw pero blurred pa rin ang naaaninag ko. Nagkaroon ulit ng flowers yung isang stem.

"Third, reminders of your favorite memories or time together with another person."

"Here" nag-offer ng kamay yung katabi ko sa isang ride, kinuha ko naman ito at ngumiti sa kanya. "Much better"

"Kaya ayaw kitang yayain sa mga ganyan kasi alam kong magiging ganyan ang reaksyon mo. Tsk. Halika na nga"

Nakasakay ako ngayon sa isang rollercoaster. Sigaw ako nang sigaw. Tapos may humawak ulit ng kamay ko. "MAHAL KITA, CAMILLE" sigaw nya. Nagngitian kami.

Yung mga ngiting yun. Pakiramdam ko pamilyar yung mga ngiting yun. Ganon na ganon yung ngiti nung lalaki sa panaginip ko. Nagkaroon ng bulaklak yung isang stem. Dalawang stem na lang.

"Fourth, remembrance of during partings or after death"

May biglang yumakap sakin. "Wag mo kong makakalimutan ah"

"Mas nauna kitang nakita. Unang kita ko palang sayo ewan ko pero para kang magnet, parang hinihila mo ko papalapit sayo"

"I'm afraid that's not gonna happen, Cami"

"I know this sounds selfish pero masaya ako Camille na magkasama tayo sa ganitong sitwasyon"

Makikita ko na yung mukha nya, pero biglang nawala kasabay nito ang pagtubo ng bulaklak sa ika-apat na stem.

"Fifth, a connection that lasts through time." sabi ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Napahawak ako sa kwintas na suot ko.

"Connected ka na sa akin kahit anong mangyari katulad nung red strings natin"

"Mahal kita, Camille"

"I will always be here"

Sabay sa pagtigil ng ferris wheel, luminaw ang mukha nya at naalala ko na lahat. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Jayson" sabi ko. Tumubo yung bulaklak sa panglimang stem. Dahil sa oblivion nakalimutan ko lahat. Iyak ako nang iyak hanggang pagbaba ko ng ferris wheel. That explains everything. Rooftops. Random words. Jayson.

Wait. Sya yung namatay? Magkatabi kami ng room eh. Patay na sya? Huli na ba ko? Jayson, akala ko ba you'll always be here?

"Natakot ako baka nahuli ako at hindi kita naabutan"

Pero patay na sya at nahuli na ako. Si Jayson, kahit kelan di sya nahuli pero ako, wala akong nagawa.

"Mahal kita, Camille. I will always be here."

Don't Wake Me (Under Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon