CAMILLE
"Happy birthday Camille" sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa kama. 2 o'clock na ng umaga. Exact time kung kelan ako pinanganak.
No midnight messages akong natanggap. Well, wala namang may pake. Sina mama, naghanda lang ng party para sa kin. Si Jayson, kung nabubuhay sya ngayon baka sinurprise nya na ko. Itinulog ko na lang yung sakit na nararamdaman ko.
Namalayan ko na lang nasa isang garden ako at puno ng lights, candles at flowers ang paligid. Nakared dress rin ako. Wow. Ang perfect, ang ganda, ang galing.
May lumabas naman na tatlong lalaki na may dalang mga instruments. Nagsimula silang tumugtog. Hindi ko alam yung kanta or piece na tinutugtog nila.
"Hi Cami" napalingon naman ako sa nagsalita. Natuwa ako nang makita ko sya. Ang lalaking nagpapasaya sa akin. Si Jayson. "Can I have this dance?" tanong nya at inilahad ang kamay nya. Kinuha ko naman agad ito.
Play: Lady in Red cover by Eduard Fernandez
~ I've never seen you
looking so lovely
as you did tonight,
I've never seen you
shine so bright~Nagsimula na kaming magsayaw. This moment, I'll cherish this forever. Nakatitig lang sya sa akin, sa mga mata ko at parang sinasabi nito na napakasaya nya dahil kasama nya ako ngayon.
~I've never seen
so many men ask you
if you wanted to dance,
They're looking for
a little romance
given half a chance~"You really look as beautiful as ever, Cami" sabi nya.
"Sus, bolahin mo pa ko. Walang ring dito, uyy" natatawang sabi ko. Dyan naman sya magaling eh,psh.
~And I have never seen that dress you're wearing,
Or the highlights in your hair that catch your eyes,
I have been blind~"Psh, kahit bola ka hindi naman kita mashoshoot" sabi nya.
"Bakit naman?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ang taba mo kasi, hindi ka kasya sa ring" natatawang sabi nya.
~The lady in red
is dancing with me,
cheek to cheek
There's nobody here,
it's just you and me
It's where I want to be~Aba't gago talaga tong isang to, tumigil ako sa pagsasayaw at binitawan sya. Pero dahil mas malakas sya, hindi ko nagawang makakawala. Mas hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa akin at hinila ako papalapit.
"Lagi kasi kitang mamimiss" prenteng sabi nya habang nakatingin sa mata ko.
~But I hardly know
this beauty by my side,
I'll never forget
the way you look tonight~"E-Ewan ko sayo" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
"Psh haha kinikilig ka lang eh" natatawang sabi nya
"Oo na. Kinikilig na." sabi ko tapos iniikot nya ko. Wala eh. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito sa lalaki na to. Eh abnormal pa to kesa sa baliw sa kalye.
BINABASA MO ANG
Don't Wake Me (Under Revisions)
Short StoryYour Typical Stories #02 Camille Malik May 27,2017