CAMILLE
Nasa rooftop ako ngayon at hindi ko alam kung anong building to. Simula nung nagising ako, lagi kong napapanaginipan ang mga rooftops. And I don't even know why.Nandito ako mag-isa then suddenly a man shows up. "Sino ka?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya at may tumulong luha sa kanang mata nya. "Sino ka sabi eh" tanong ko ulit sa kanya.
"Hi Cami" sagot nya.
"Cami? I'm Camille or you can call me Cams not Cami" sabi ko sa kanya.
"I'm happy for you." sabi nya at naglaho na sya na parang bula.
Nagising ako sa panaginip na yon at may tumulong luha sa mata ko. Pinunasan ko muna ang mga luha ko. Teka, bakit ba ako lumuha? Sino ba yung lalaki na yun? Lagi ko syang napapanaginapan, pati na rin ang mga rooftops. Ano bang meron don?
Nagpaalam muna ako kay Mama na pupunta ako sa rooftop. Pumayag naman sila. Pagkalabas ko nang pinto, napatigil ako saglit. Parang may pumipigil sa kin pumunta ng rooftop at bumalik na lang sa kwarto ko tapos magpahinga.
Pagdating ko don, di ko maiwasang sabihin na "Why am I even drawn to this place?" pagkasabi ko non, pakiramdam ko may tumabi sa akin. Ah ewan. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako pumupunta dito eh. Parang nagkukusa at nasanay na ako sa rooftop. Teka dito ba ko pinunta nung nacoma ako? Ano bang iniisip mo Cams? Impossible namang mangyari yun di ba?
Ilang oras na akong nandito pero hindi ako nabobored. Pakiramdam ko may kasama ako at hindi ako nag-iisa. Creepy mang isipin pero parang totoo.
I will always be here.
Huh? Bakit ko naman naisip yun? Naramdaman kong may dumampi sa labi ko tapos tumulo na naman ang luha ko. Eh? Pakiramdam ko may nagpaalam. I felt someone leave. Sino naman yun?
Ewaaaaaan! Kung ano ano na ang naiisip ko and worst parang nagiging delusional na ako. Naisipan kong umalis sa rooftop at bumalik sa kwarto ko. Habang nasa hallway napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa ding ding.
9 o'clock.
9 o'clock na pala? Ang tagal ko naman sa rooftop. An-------
"Aaah!" daing ko at napahawak ako sa dibdib ko. Biglang sumakit yung puso ko. Napahawak ako sa pader. "Aray!" daing ko ulit. Bigla naman akong may nakasalubong na mga nurse at doctor. Pumasok sila sa katabing pinto ng room ko.
Naiwang nakabukas ang pinto ng kwarto na yon. Hindi ko alam pero parang gusto kong makita yung nangyayari. Palihim akong sumilip. May lalaking nirerevive. He's dying while comatose. Sa hall na ito, puro comatose ang pasyente. Iyak nang iyak yung babaeng nasa loob.
"Yah! Jayson! Ireona! Ireonabwa, jebal!" sabi nung babae. Hindi ko naiintindihan yung sinasabi nya pero naiintindihan ko yung nararamdaman nya. Ayaw nya pang mawala yung lalaki.
"I'm sorry Misis" sabi nung doctor.
He's dead. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Huh? Teka, papanong? Affected ba ako? Bakit ba ako nagkakaganito? Pakiramdam ko nawalan din ako.
"Aaaaaahh!" bumalik yung sakit. "Aahh! Aray!" sigaw ko. Ang sakit sa dibdib. Pakiramdam ko di ako makahinga. Naghahalo halo yung nararamdaman kong sakit. Nanghihina na rin ako at nahihilo.
BINABASA MO ANG
Don't Wake Me (Under Revisions)
Short StoryYour Typical Stories #02 Camille Malik May 27,2017