X. Karylle's Second Convertie

487 4 0
                                    

Kinabukasan.

Hayss.. Sakto! I really love Sundays. Pahinga naman :)

"Beks? San punta mo? Bat nakapangjogging ka?" tanong ni Buern.

"Baka magjojogging ako.." sabi ko sabay irap.

"Badvibes? Aga aga?!" Umupo naman sya sa mesa at nagsimula nang kumain.

"O sya sige na. Jogging muna 'ko. Para magka Abs naman." napatigil siya sa pagnguya at tumingin sakin.

"Haha.. Charot! Sige na.." Lumabas na din ako ng bahay at nagsimula nang tumakbo.

Habang nasa daan. May natanaw ako sa unahan ko. Pamilyar. Nakasando sya at shorts. Nakarubber shoes at may headset sa tenga. Sexy! Si Kurba ba yon?

"Kaye!!" tawag ko. Pero bat di nya ata ako marinig?

Binilisan ko ang takbo ko at inabutan ko sya.

"Oy!" sabay kulbit. Ayy! Nakaheadset nga pala kaya di ako marinig. Minsan puro lang talaga ako ganda.. -..- 

"Uy vice!" Inalis nya naman yung headset nya at tumigil sa pagtakbo.

"Tinatawag kita kanina.. Eh nakaheadset ka pala. Haha" Tumawa naman sya.

"Oo nga e. Pasensya na." ngumiti naman ako.

Sabay kami nagjogging.Nagpahinga naman kami pagtapos at kumain.

"Tahimik ka 'teh?" sabi ko at uminom ng kape.

"May naalala kasi ako." Pinatong ko naman yung tasa at humarap sakanya na parang interesado makinig.

"Anu yon? Share na yan." Ngumiti sya.

"Wag ka maaawkward ah?" panimula nya. Tumango naman ako. "Naalala mo yung sinabi ko sayong third convertie kita?"

"O? Totoo pala yun.." sabi ko.

"Oo naman. Totoo yun, kasi ganto yun.."

*Karylle's Flasback Starts*

Jogging jogging jogging..

"Hi.." May lumapit sakin. Gay? Nakasmile sya, nagsmile din ako.

"Pwede sumabay?" tanong nya. Gwapo sya, yun nga lang halatang halata na bading.

"Oh sure! :)" sabay nga kami nagjogging. Mga 1hour pagtapos, umupo kami at nagpahinga.

"Ako nga pala si Jasper." nag alok sya ng shake hands kaya inabot ko naman ang kamay ko.

"Karylle.." Nakangiti kong sabi.

"Yea i know you. The pretty eldest child of Ms. Zsa zsa Padilla :)" Yung way nya ng pagkakasabi nun. Parang he likes me.

"Ahaha. Thanks!" Nahiya ako bigla.

"Pwede ba sumabay sayo lagi every morning? Pampaganda ng araw. Hehe" Nagpapacute na ata sya.

"Haha. Okay sige. Pag natyempo mo ako.." Sabi ko. Nangiti naman sya.

So ayun nga, every morning nakakasabay ko sya sa pagjojogging. Pero i also noticed na parang nagdadamoves na din sya. Nagdadala ng flowers at nanlilibre.

Hanggang sa naging close na kami. Naghahang out nadin kami together. Nalaman ko na naka 2 girlfriends pala sya nung high school at 5 boyfriends naman nung college. So, naging kumportable akong kasama sya.. Kasi nga i know na he's a gay naman.

Pero one day.

"Kaye.. Ahmm.. Kasi, just wanna ask. If may manliligaw ba sayo na medyo tagilid.. Papayagan mo ba? ..I mean may chance ba?" Napahinto ako sa paglalakad.

"Ha? What do you mean?" Natatawa kong sabi.

"Okay fine. I mean panu kung gay?" sabi nya pero umiwas agad ng tingin sakin. Tinitigan ko naman sya.

"You mean.. A gay? Like you?" Nakangiti pa rin ako.

"Yeah.. what if." Pininched ko nose nya.

"Ang cute mo talaga! Haha. Mga trip mo." iniwas ko na ng usapan at nagsimula humakbang ulit, pero pinigilan nya ko.

"Kaye. I'm not joking. What if, ligawan kita? Bibigyan mo ba ako ng chance?" this time, nakatingin na sya sakin and he looks serious.

"Ha.. Ahm," humarap ako at hinawakan sya sa magkabilang balikat. "Jasper, i like gays.. I like you. Pero i know kasi na ngayon mo lang mararamdaman yan. Dadating yung oras na magmamahal ka ng lalake at kelangan mong piliin sya over me. Masaya akong kasama ka. Mahal kita. Pero ayoko naman sirain ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sa pag eexperiment mo ng pagkatao mo." Napayuko sya.

"Pero Kaye. Mahal kita! Pano yun? Panu naman yung nararamdaman ko? Kaye you changed me. Ikaw ang dahilan kaya hindi na ako naaattract sa mga lalake. Ikaw ang dahilan kaya ako sumasaya araw araw. Kaye mahal kita simula pa lang. Alam kong ramdam mo yun e." Ako naman ngayon ang hindi makatingin sakanya.

"Jasper, i think.. Kelangan mo pag isipan ng mabuti yan. Siguruhin mo muna yung nararamdaman mo. Wag kang magpabigla bigla." Tinapik ko sya sa balikat at aalis na sana ako kaso...

--

"Kaso ano??" Nahalata bang interesado ako? :D

"Eh kasi baka madiri ka.." Hinawakan nya ako sa braso at inalog alog 'to.

"Hindi promise.." Sabi ko. I gave her a reassured smile.

-----

Author's Note:

Heep! :D Pabitin muna.. Antok much na e. Bukas naman yung karugtong. Exciting yun promise! :) Just keep on reading guys. Thank youww! :*

Next Chapter--> Convert Me :)

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon