XIX. He's Broken. And he needs me.

458 3 0
                                    

Nagmadali akong nagdrive papunta sa house nya.

Dumiretso na ako. May susi naman ako ni Vice. He gave it to me nung last time na naglasing sya. Para daw makapunta ako anytime pag may problema sya.

Umakyat na ako agad sa room nya.

I saw him sitting on his bed. Nakasandal sya habang mag hawak na bote ng alak. Nakakalat pa yung 3 pang bote nitong walang laman sa sahig. Namumugto na yung mata nya sa kaiiyak.

"Vice.." naiiyak na din ako. Umupo ako sa kama nya and I hugged him tight. "Don't cry.. Nasasaktan din ako e." sabi ko habang hinahagod yung likod nya.

Humagulgol na sya nung yinakap ko. "Wala na sya Kaye. He left me. *sniff* Wala na si Baby boy.. Wala na sya."

"Shh.. tahan na. Tahan na." sabi ko na naluluha na rin.

"Andito na ako. Hindi ako aalis sa tabi mo. Iwan ka man nya, i'm still here okay? Tanga lang ang mga taong iniiwan ka."

Tumigil na sya sa pag iyak. Bumitaw na rin sya sa pagkakayakap. Tiningnan nya ako sa mata. At naging seryoso yung mukha nya.

"Bakit ka umabsent? Yung totoo?" natawa naman ako bigla.

"Ayan na. Okay kana ulit!" sabi ko nang napangiti na.

"I'm not kidding Kurba. Alam kong hindi ka nagkasakit. Why did you lie to me?" Nawala na din ang ngiti sa labi ko. At tumayo sa kama.

"Teka nga, lilinisin ko muna 'to.. Kukuha lang ako ng basahan." sabi ko.

Bubuksan ko na sana yung pinto. But he hugged me from the back.

"Bakit ngaaaa..." Ayan na naman yung kalambingan nya.

Humarap ako. At hinawakan sya sa magkabilang balikat. "Kasi, naalala ko na yung nangyari nung gabi.. Kinakabahan ako na maalala mo yun pag nagkita tayo.." Sinabi ko na. Lasing naman sya kaya sure ako na malilimutan nya yun bukas.

"Alin? Yung hinalikan mo ako?"

O.O

Alam nya yun?

"Na-natatandaan mo yun?" tanong ko.

Mapungay na yung mata nya sa kalasingan.

"Oo.. Naalala ko nung nagkwento si Anne tungkol sa kanila ni Erwan. Kaya pala pamilyar yung nangyari sakin. Hahaha." O.O Alam nya nga. At sabay naming naalala yun.

"Mambababae na nga lang ako. At ikaw yung first victim ko." nagsmile sya habang tinuturo ako.

Hindi pa rin ako makapagsalita. "Naconvert na nga kita. Haha." nagfake smile nalang ako. "O sige na.. Kukuha na ako ng basahan." Tumalikod na ako sakanya. But he pulled me again to face him.

"At sisimulan ko yun ngayon." he said seductively. Inilapit nya na naman yung mukha nya sakin. Napapikit ako. I felt the butterflies again.

He reached my lips. I hate this. Minsan ayoko nang halikan si Yael dahil si Vice ang hinahanap ko. His soft lips. Nakakaadik. Hindi ako nagrespond sa kiss kahit na gustong gusto ko.

Pinigilan ko ang sarili ko. Another cheat na naman kung papatulan ko na naman sya.

He pulled away from the kiss. At tinitigan nya ako. "Don't you like it? Don't you like me?" tanong nya na naging sad yung mukha.

"I like you. But.. I don't like it!" sabi ko at tumalikod na.

"Sorry..." sabi nya na naman na niyakap ako ulit.

Bumaba na ako at kumuha na ng basahan. Inayos ko na yung gamit nya.

"Tama na yan.." sabi ko. Nag aalala na ako. Nakaapat na bote na kasi sya pero hindi pa rin sya tumitigil.

Tumungga sya ulit.

"Iinom din ako, sige ka." Kinuha ko naman yung isang bote ng alak.

"O sya hindi na.." sabi nya naman.

"Hindi.. Iinom din ako." pang aasar ko. Tinungga ko din yung bote nito at nadamay pa ako sa kalasingan.

Nakatulog na sya. Iniayos ko naman yung higa nya at kinumutan.

Uuwi na sana ako.

"Hwag ka aalis ah.." bulong nya.

"Ah.. O sige dito lang ako." Actually aalis na dapat ako pero, kung sabagay. 1 na ng madaling araw.

Lalabas na dapat ako ng room nya. But he held my hand.

"Saan ka pupunta?" tanong nya na nakakapit ng mahigpit sa kamay ko. Para syang bata.

"Sa guest room.." sabi ko naman.

"Dito ka na matulog. Tabihan mo ako." sabi nito na nagpuppy eyes pa. Maamong pusa nga ang bagsak nya e. Kasi may luha luha pa ito.

"Ha?" Napatingin ako sa tabi nya. Umusod sya ng kaunti.

"Sige naaa Kurbaaa..." sabi nya na naman. Sige na nga. Wala namang malisya.

Humiga na ako sa tabi nya. Niyakap nya naman ako and he placed his head on my neck. Hinawi hawi ko yung buhok nya hanggang sa nakatulog sya.

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon