XXI. Move On Agad?

482 4 0
                                    

Nakatitig lang ako sakanya. Habang nagsasalita si Vhong. Bineso nya naman sila Billy at pumunta na sa tabi ko.

"Ang gwapo mo ngayon ah.. Epekto ba yan ng break up?" bulong ko sakanya off mic.

"Hahaha.. Hindi, epekto ng pagcoconvert mo sakin." sagot nya naman na binulong din.

Natawa naman ako. Napuna sya ni Anne.

"Ang gwapo mo ngayon girl. Kaya pala antagal mo lumabas ng Dressing room ah." pang aasar ni Anne.

"Oo nga brad. May nanunuod ba?" dagdag naman ni Vhong.

Natawa naman sya. "Hindi.. May pinaparealize lang." Natawa kami. Sabi na nga ba. Para kay baby boy yun. Haha

"Ang gwapo nuh?" sabi ko na. Di ko na napigilan. :D

"Ikaw din naman e.. Ang ganda ganda mo ngayon!" sabi nya naman na nagboses lalake pa.

"Aga aga.. Busog ang babies nyo ah! Haha." sabi naman ni Billy.

Bumaling naman sya sa camera.

"Kaya kung gusto nyo pa ng maraming moments.. Tutok lang! Simulan na natin to. Masaya talaga 'to promise (sabay sabay) Taraa!! (hand gestures) This is Showtime!" sabi nya at inalalayan na ako paakyat sa audience place para sa song.

Natapos na yung show. Walang SMT kasi nga saturday ngayon. Pero maraming moments na naganap samin ni Vice. Sa Pinoy Halo Halo at Kalokalike.

Pagtapos ng show nagpaalam na din ako agad sa kanila. Lalabas pa kami ngayon ni Yael. At nandon na pala sya sa meeting place namin. Kaya nagmadali na ako.

---

"Hi baby!" bati ko. Kiniss ko sya sa cheek.

"Kumusta ang work?" tanong nya agad.

"Ayun okay naman.." sabi ko at nagsmile. Dumating na yung inorder nya para samin.

"Baby, bakit pala wala ka sa bahay mo kagabi?" tanong nya naman.

"Ah.. Kina Vice ako natulog. Nagbreak kasi sila ni baby boy kaya ayun. Iyak ng iyak. Dinamayan ko lang." sabi ko naman. Napansin kong natahimik sya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko na humarap ng diretso sakanya.

"Yes of course." mabilis nya namang sagot.

"Nagseselos ka ba kay Vice?" Alam ko kasi na tumatahimik sya 'pag nagseselos.

"Syempre naman hindi.. Bakla yun diba?" sabi nya na nagsmall smile.

Tumayo naman ako at niyakap sya sa leeg. "Baby, wala kang dapat ikaselos okay? Bakla yun si Vice.. At kaibigan ko lang sya." i said sweetly.

Hinahawakan nya naman ang braso ko.

Kaunti lang ang nakaen ko sa kabusugan dahil kanina sa lunch namin ni Vice.

Napansin nya yun. Kaya ipinaliwanag ko naman.

Sinabi ko rin sakanya yung about sa guesting ko sa GGV bukas.

---

Vice's POV

Masaya ako. Hindi ko din alam kung bakit.. Supposed to be malungkot pa ako ngayon dahil sa break up namin ni Baby boy kagabi. Ambilis ko naman ata nakamove on kung ganon? Haha.

Nagluto ako ng pagkaen para sa lunch kanina. Sinabihan ko na din na pumasok ng maaga si Kaye. Pagpapasalamat ko sakanya yun dahil di nya ako iniwan kagabi.

Nainis pa nga ako dahil don sa sinabi nyang ayaw sya pakainin ni Yael ng extra rice e. Anu yon? Mahal lang sya sa panlabas na itsura nya? Pano kung tumaba sya.. Edi ayaw na sa kanya ni Yael? Wow ah.

Kanina sa showtime.

Nag ayus ako ng mabuti. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero pampogi ang naisip kong isuot ngayon.

Napuna naman nilang lahat yung out fit ko today.

Nasabi ko tuloy sa camera na may pinaparealize lang. But actually, i don't know what it really means. Ang sigurado lang ako, hindi para kay baby boy yun.

Nagpaalam din agad si Kurba, lalabas daw sila ni Yael.

Nag ayus na din ako ng gamit at aalis na din sana.

"Kuys.." si Billy pala. Pumasok sya sa DR ko.

"Oh? Bakit?" sabi ko naman.

"Balita ko nagbreak na kayo ni Baby boy?" Tanong nya agad.

"Saan mo nalaman?" tanong ko naman.

"Sinabi sakin ni Kaye.. Ikaw ah! Hindi mo na ako sinasabihan sa nangyayari sayo. Kala ko ba bestfriend mo ako?" Pagtatampo nya.

Natawa naman ako. "Hahaha.. Sorry Billy. Okay na kasi ako kaya hindi ko na nasabi pa sayo."

"Okay agad?! Himala kuys.. Ngayon ko lang narinig sayo yan ah. Okay na agad :)" sabi nya naman na inakbayan pa ako.

Kumunot ako na natatawa. Sira talaga 'to si Billy.

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon