Kinabukasan.
Umuwi na din ako nang magising na sya. Sa kanila na din ako kumain ng breakfast.
Magpeprepare pa kami para sa showtime mamaya.
Dumiretso na ako sa room ko. I saw a note on my lamp.
From: Yael (2 am)
Good Morning baby. Dumaan ako ngayon dito.. But you're not here naman pala. Text me tomorow okay? I love you.
I get my phone. *7 messages received*
Kay Yael yun 5, yung isa sa manager ko, at yung isa.. Kay Vice.
From: Baby ko. Yael <3
Baby. Daan ako dyan sa house mo.. Katatapos lang ng gig.
Baby, tulog ka na ba?
I'm on my way na.. See you later!
Where are you baby? I'm here na sa bahay mo.
Uwi na rin ako baby. See you tomorrow. Labas tayo ha? I love you.
Yung sa manager ko naman, mag guguesting daw ako sa GGV this Sunday.
From: Vicey
Good Morning Kurba. Thank you ulit ah? I'm okay now.. Pasok tayo ng maaga. See you later! i love you :*
"Si Vice talaga.." Napailing ako at nangingiti.
Nagready na ako. At nang makapasok ng maaga.
--
Naglalakad na ako sa hallway papunta sa DR ko. Napadaan ako sa DR ni Vice. He's not there pa. Napaaga ata ako masyado.
Kukunin ko na sana yung susi ko, pero bukas na pala yung room ko. Sumilip ako sa luob. I saw him sitting. I saw Vice.
"Hi.." Napalingon naman sya sakin.
"Uy. Good Morning!" Lumapit na ako.
"Okay kana?" Nag aalala pa rin ako. Mugto pa rin yung mata nya kakaiyak kagabi.
"Yup :) Thank you ah.." Niyakap nya na naman ako.
He pulled away from the hug. I looked straight to his face. At hinawakan sya sa magkabilang pisngi.
"Don't cry na ah? Hwag ka na iiyak ulit.." Nagnod naman sya at nagsmile.
"Ah.. Nga pala." Bumitaw na din sya at tumalikod sakin. May kinuha sya sa bag nya.
"Tara.. Kain tayo! Nagluto ako ng paborito mo." Inilabas nya yung pagkain. Andami, nagutom ako bigla. Sakto hindi pa ako naglulunch.
Ihinanda nya yung pagkain sa mesa at umupo kami nang magkaharap.
"Ayaan.." sabi nya nang maihain na lahat ng dala nyang pagkain. "Kakain tayo ng marami.. Papataba tayo." Ipinagsandok nya ako sa pinggan. Andami nyang nilagay na kanin.
"Teka lang." Natigilan sya. "Andaming kanin, ayaw ni Yael na kumain ako ng maraming rice.. Baka daw tumaba ako."
Napakunot siya. "Wala si Yael dito.." Pagtataray nya. "Hindi mo ba kaya ubusin yan? Itira mo.. Ako ang kakain." sabi nya ulit.
Sabay na kami kumain. Busog na busog ako. Naubos ko yung kanin na isinandok nya para sakin.
"Ansarap mo pala magluto.." sabi ko na hinihimas yung tiyan.
"Talaga! Kaya pag ako ang naging jowa mo.. Tataba ka talaga." sabi nya na iniaayos na yung pinagkainan namin.
Natawa naman ako. At ganon din sya.
"Ang sarap kaya kumain. Lalo pag may problema o kaya nagmomove on. Try mo minsan." sabi nya habang nakatalikod lang sakin.
"Hi guys! Ready na kayo? 30 minutes na lang daw mag aairing na tayo.." sabi ni Anne na sumilip sa DR ko. Kararating nya lang yata.
"Ah sige. Kumain kana?" alok ni Vice.
"Yess tapos na. Thanks! Sige ah, maggugulo muna ako sa dressing room nila Vhong. Haha." Si Anne talaga. Nagtawanan kami. Umalis na din sya.
"Sige ah, mag aayos na din ako." sabi ni Vice pagtapos nya ayusin yung mga gamit.
"Paano ka? Mag aeyeglasses ka na lang ba?" tanong ko.
Nagnod naman sya.
Umupo na kami sa backstage. Nag aantay na tawagin isa isa ni Eruption.
"Wala pa rin si Vice.. Nag iintro na si Eruption oh." bulong ko.
Eruption: Aaaannne Curtiiiisss!!
Vhong Navaroooo!!
Billy Crawfoooord!!
Lumingon ulit ako sa hallway. Pero hindi pa rin nalabas si Vice. Napano na kaya yun?
Kaaaaaarylle! Lumabas na din ako. Tinawag na din yung iba pa.. Nag aantay naman akong tawagin siya.
Aaaaanddd....
Vice Gaaaaandaaaaa!!
Napalunok ako. Ang gwapo nya. Nakablack long baggy sleeve sya na apoy yung style ng laylayan. Makapal na gold necklace at maraming bracelets. Fit na pants at yung paborito nyang gold shoes. Nakablack na eye glasses sya. Kahit nakababa yung bangs nya, ang gwapo na pa rin tingnan.
BINABASA MO ANG
HERE WITHOUT YOU (vicerylle)
FanficMay mas sasakit paba sa nararamdaman ng isang taong ikakasal na ang minamahal? Some parts of this story were came from the real moments that happened in showtime. Pero syempre, yung mga offcam tska ibang lines.. imbenteer ko lang. HAHA at galing na...