XXVIII. Bati Na Ang ViceRylle

444 4 1
                                    

Kanina.

Dean lang ako sa SMT. Kaya JhongRylle ang bida. Nakakamiss nga e. Yung ViceRylle. Nakakainggit, dapat ako ang kaloveteam ni Kaye. Pero hindi. At wala akong magagawa.

Nakakatawa nga si Jhong e. Mula nong nabalitaan nya na naooffend si Yael sa pair-up namin ni Kurba, ingat na din siya sa bawat galaw. Haha naaawkward sya!

"Kailangan mo na tanggapin beks.. Mahal nila ang isa't isa. At ilang linggo na lang ikakasal na siya." sabi ni Buern.

"Kailan mo balak kausapin sya? Paalis ka na din bukas..." sabi naman ni Jegs.

"Ewan ko. Ang hirap na din eh.. Gustong gusto ko na sya kausapin. Mayakap. Kaso natatakot ako. Baka galit sya sakin. Sa ginawa ko." Napayuko ako. Totoo yun, kulang kulang isang bwan nang di kami nagpapansinan ni Karylle. Hindi ko alam, nasasaktan pa rin ako sa totoo lang. Pero ang hirap nyang tiisin. Araw araw, nakikita kong gusto nya ako kausapin. Oncam man o offcam. Minsan nga pinupuntahan nya pa ako sa DR ko pero nagpapalusot ako na may pupuntahan ako o busy ako. Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang tiisin sya na hindi mayakap man lang bago ako magpunta ng America para sa concert ko. At bago man lang sya ikasal. Miss na miss ko na sya. Siguro tama sila, kailangan ko na tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Nakakadepressed din e. Haha (fake laugh) Minsan na nga lang magmahal ng babae. Nagkagan'to pa.

"Beks.. Kung kayo.. Kayo. Hindi rin naman natin masasabi na hanggang dito na lang ang lahat. Hindi natin alam kung sila ba talaga ni Yael ang nakatadhana na magkasama habang buhay. Diba?" sabi ni Jan. Medyo hindi ko sya gets. Pero sige, Oo na lang.

--

"Salamat po sa mga naging inspirasyon ko sa pag aaral.. Sa mga kaklase ko, sa mga guro ko, sa mga magulang ko at kay Ser Marco. Salamat po sa inyo." sabi ni Kaye habang binabasa ang lines.

"Gagawaran na sya ng award ni Dean.." sabi naman ni Billy na tagapagsalaysay.

Buo na ang desisyon ko.

"Before you accept the award.. I would like to tell you this." kumakabog ang dibdib ko.

"Yes Dean?" tanong nya.

"Nakakamiss ka pala.." Ang sarap sa pakiramdam. Kausap ko sya ngayon. Nakangiting sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko. At nakangiti sya sakin na punung puno ng kasiyahan.

Naghiyawan lahat. Niyakap ko sya ng mahigpit. Nakikita ko na naiiyak siya. Nagpulled out kami sandali sa hug pero niyakap nya ulit ako. Niyakap ko din sya ng mahigpit.

"Sorry kung natiis kita.. Masaya ako sa kasal nyo." sabi ko off mic. Tumatango naman sya na mas hinigpitan ang yakap sakin. Alam kong ayaw nyang magsalita dahil maiiyak sya.

Binuhat ko sya for the third hug at inikot ikot.

Next scene.

Aabutan sya ni Jhong ng bulaklak. Ako naman nasa kabilang side at masayang kinakausap ni Anne tungkol sa pagbabati namin ni Kurba.

"Moment 'to ng ViceRylle.. Kaya sa tingin ko. Hindi ako ang dapat mag bigay nito kay Karylle." Naloka ako nang ituro ni Anne si Jhong. Lumapit sya sakin at inabot ang bouquet ng flowers.

Natawa naman ako. Tinanggap ko yung bulaklak at naglakad palapit kay Kaye. Kusang huminto sandali ang katawan ko.. At may lumabas sa bibig ko.

"I love you Ginnnnnnny!" sigaw ko. Lalo naman naghiyawan ang lahat.

Niyakap ko ulit sya ng mahigpit.

"I love you. Mamimiss kita Kurba.. Sisikapin ko makauwi agad. Gusto kita maabutan dito sa Showtime." Nag uumapaw ang saya na nararamdaman ko. Ang higpit higpit ng yakap nya sakin. Namiss ko 'to. Yung ganito kami. Yakap ang isa't isa. Wala man syang sinasabi.. Ramdam ko na masaya sya at namiss nya talaga ako.

Nagpull out kami sa hug.

"Nakakaiyak." sabi nya habang nakahawak ako sa balikat nya.

"Mahal na mahal ko 'to si Karylle noh. Ayoko namang umalis nang may kagalit." Oo. Mahal na mahal ko siya at kailangan ko maging masaya para sa kanya.

"Bati na ang ViceRyyyyyyylle!" sigaw ni Billy.

"Dahil dyan.. Group huuuuug!" sigaw naman ni Jugs.

Lumapit naman lahat at nagyakapan kami.

"Naku. Miss na miss ka na nyan ni bestie Kurba! Kung alam mo lang." sabi ni Billy off mic.

"I'm so happy for you guys.. Thanks God dahil dumating na rin ang araw na 'to." sabi naman ni Anne.

"ViceRylle is Back!" sabi naman ni Vhong. At nakihiyaw na din sila Teddy.

Nagpulled out na kami sa group hug.

"Teka.. Ibig sabihin ba nyan, may trabaho na ulit ako?" tanong ni Jugs. At nag apir naman kami.

--

"Isang theater actress, magaling na singer at ang pinakabagong Cinderella.. My loves, Bb. Kurba. Karyyyyylle!" natawa naman sa kilig si Anne at Billy.

Hehe. Kinikilig pa rin ako. Habang iniisip yung mga nangyari kanina.

"Haha.. No.1 trending kayo ni Kurba mo beks." sabi ni Buern na hawak hawak ang star mobile phone nya. Ahihi nag endorse.

"Yieeeee... We're so happy for you meme!!" sabi naman ni Jegs na niyakap pa ako sa balikat.

"Maka english ka naman. Haha!" lumapit pa si Jan at Buern at nakijoin sa yakapan.

"O sya.. Party tayo? Masaya si beks ngayon e." sabi ni Jan.

"Oo.. Magpaparty talaga. TAYO ng showtime family ko." sabi ko. Lalo naman silang naexcite.

--

A/N: Tagal bago nakapag UD ah. Inspire me guys! :3

Vote and comment kayo ah?

Basahin nyo din po ang iba ko pang works! :) Solomot.

PLUG. PLUG. PLUG.

My Princess Charming? (ViceRylle)

Confusion (one shot lesbo story)

Diamond Ring (one shot ViceRylle)

Gay Or Not? (teen fiction)

HERE WITHOUT YOU (vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon